Chapter 3

8 0 0
                                    

Nagising si Sasha dahil sa sinag ng araw na tumatama sa katawan niya. Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata. Hinagilap ang cellphone na nasa ilalim ng unan niya at tignan ang oras ng mapansin niyang may nagtext. Agad niyang binuksan iyon at si Guille agad ang bumungad sa kaniya.

Good Morning Sasha. Can we meet up at 4 pm? If it's okay with you? Please reply as soon as you receive this message. Thanks :)

Hindi na nagatubili pa si Sasha. Umupo siya mula sa pagkakahiga at nireply-an ang text ng binata na pumapayag ito. Matapos masend ang text ay umalis na siya sa kama at saglit na nag-inat inat. Alas diyes na ng umaga at ginugutom na siya. Dumiretso ito sa banyo at naghilamos at nagtungo sa kusina para magluto ng breakfast niya.

Inilibot niya ang paningin sa buong unit niya habang kumakain ng magawi ang tingin niya sa picture frame na may larawan nilang dalawa ni Jake. Parehas silang masayang-masaya sa larawang iyon na hindi niya aakalain na sa likod ng mga ngiting iyon ng binata'y may inililihim ito sa kaniya. Agad na nawala sa mood si Sasha.

Kung minsan ay nakakaramdam din siya ng lungkot sa tuwing mag-isa lang siyang kumakain sa unit niya ng bigla niyang maalala si Jake. Madalas itong nasa unit niya para gisingin siya at ipagluto ng agahan niya. Ito rin ang lagi niyang kasabay kumain noon. Hindi niya aakalaing lahat lang ng iyon ay pagpapanggap lang.

"He can be an actor. A very good one." Mapait na ngumiti ang dalaga. It's been a month simula ng maghiwalay sila ni Jake pero hanggang ngayon tila hindi niya pa rin alam kung paanong tuluyang makalimot kahit na ba anong pilit ang gawin niya'y hindi niyon nababago ang itinitibok ng puso niya. Isang buwan na rin siyang walang communication rito maging sa mga magulang nito.

Saglit na kumain si Sasha. Ng matapos ay nagtungo ulit sa kwarto at ipinagpatuloy ang ginagawang manuscript. She'll just spend the rest of her free time to continue her manuscript para mamaya ay wala na siyang po-problemahin pa.

Nasa kalagitnaan na siya ng pagsusulat ng mag-vibrate ang cellphone niya. Kinuha niya ito sa bulsa niya at agad na binasa ang nagtext. It was Aura.

"Goodmorning Bessy. Busy ka rin ba today? Ayain sana kita gumimick mamaya."

She replied.

"I'm sorry Bessy, but I have other plans today. I'll be meeting Guille later this afternoon eh. Ayain mo na lang muna si Chris your dear. Babawi na lang ako next time."

Maya maya lamang ay agad ding nagreply si Aura na ayos lang daw at sa susunod na lang sila gigimick. Ipinagpatuloy na ni Sasha ang ginagawa hanggang sa abutin siya ng ala-una ng hapon. Hindi na siya nagtanghalian pa dahil late na rin siya nag-almusal. Babawiin na lang niya sa hapunan ang kain niya. Sandaling niyang ipinahinga ang sarili mula sa pagsusulat bago mag-ayos. Dadalhin na lamang niya ang manuscript para maipakita na rin kay Guille ang nagawa niya. Wala pa siyang masyadong ideya tungkol sa binata kaya naman mamaya na ang pagkakataon niya ara makilala ito. Sana nga lang ay hindi na ito maging seryoso at mag-mukhang bossy pag nagkasama na sila. Nag-inat inat siya para alisin ang pangangalay ng kamay at braso niya ng may masagi siyang maliit na envelope at nahulog iyon sa sahig. Agad naman niyang pinulot iyon ng maalalang iyon ang larawan ni Guille na ipinadala sa kaniya ng bestfriend niyang si Aura nang nakaraang linggo lamang.

Binuklat niya ang envelope at inilabas ang larawan. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang bilis ng pagtibok ng puso niya ng makita ang mukha nito sa larawan. Nakaformal attire ito at seryosong seryoso ang mukha sa larawan ngunit hindi niyon nabawasan ang kagwapuhang taglay nito. Lalo na ng ngumiti ito. Hindi niya dapat nararamdaman ang mga iyon dahil naiinis siya sa inasta nito sa meeting nila pero aminin man niya o hindi, crush niya si Guille but she wont let him know about this. He must not know.

Writing My Own Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon