Chapter One

24 1 1
                                    

It was Sunday afternoon at pauwi na si Sasha galing sa paggagala. It was her only free day para libangin ang sarili but even though she's having her leisure time ay hindi pa rin niya maiwasang iwan ang trabaho.

Sasha Cruz is a writer. A romance novel writer to be exact. She loves writing and creating love stories of different people. And that hobby of her is already part of her own body na para bang hindi siya mabubuhay sa isang araw ng wala iyon. She's working in a well-known company that published high-ranking stories every month and isa na iyon sa mga masuswerteng bagay na ipinagkaloob sa kaniya ng maykapal.

She went to Mall of Asia hindi lamang para maglibang but to gather informations as well for her next story. Hilig niya noon pa na gumawa ng kuwento lalong lalo na pagdating sa mga kaibigan niya. Ms. Psyche or Cupid pa nga ang tawag sa kaniya noon ng mga kabatch mate niya sa kolehiyo dahil halos lahat sa mga ginagawan niya ng kwento ay nagkakatotoo. She never used an imaginary character for her story at isa iyon sa masasabi niyang originality niya. Dumaan muna si Sasha sa supermarket para bumili ng mga iilang gamit na kakailanganin niya para sa condo niya. She lives in a condo near the mall. Mas convenient nga naman iyon at mas malapit pa sa kumpaniyang pinagtatrabauhan niya though home-based ang work niya.

Naglalakad si Sasha papunta sa snack station. She'll gonna pull an all-nighter para sa story na ginagawa niya. Maya-maya lamang ay nag-ring ang phone niya. Dali-dali niya itong kinuha saka sinagot ang tawag.

"Sasha's speaking hello?"

"Sha ... How's your story? Have you come up with anything already?" ani ng nasa kabilang linya.

"Hmm so far ideas pa lang po ang naiisip ko para sa mga scenes na gagamitin ko pero the story? Hmm I haven't come up with anything yet." Sagot ni Sasha sa nasa kabilang linya. Tumigil muna siya sa paglalakad at tumabi sa isang gilid para hindi makasagabal sa mga namimili.

"I see. Sige lang take as much time you need since next month pa naman ang deadline ng manuscript mo. Basta if ever you've come up with anything, tell me asap okay?"

"Yes ma'am I will. Thanks." Ani ng dalaga saka pinindot ang "end call" button. "Story ... I need a realistic one." Pabulong na dugtong ng dalaga. Saka nagpatuloy sa pamimili.

Naglalakad na si Sasha sa hallway papunta sa condo unit niya ng mapansing may envelope na nakasuot sa siwang sa ilalim ng pintuan ng unit niya. Nagmadali niyang tinungo ang pinto saka kinuha ang envelope mula roon. Nilingon niya muna ang paligid baka sakaling isa na naman iyon sa mga admirer niya. Ng masiguro niyang wala namang tao sa paligid ay agad niyang kinuha ang susi sa pouch bag niya at binuksan ang pinto saka dali daling pumasok at ini-lock iyon.

"Ano ito?" nagtatakang aniya ng dalaga .. simpleng puting envelope lamang iyon na wala man lang sulat sa likod kung kanino galing at kung para kanino. Sa sobrang curiosity ni Sasha ay agad niyang binuksan iyon ng makitang may larawan roon ng lalaki na naka formal attire. Oo, aaminin niya na sa larawan pa lamang ay nakita na niya ang ka-gwapuhang taglay ng lalaki pero bakit siya pinadalhan? "ano to? Blind date?" kunot-noong tanong ni Sasha sa sarili ng biglang mag-ring ang cellphone niya na ikinagulat ng dalaga.

"What the!" kinuha ni Sasha ang phone niya saka sinagot ang tawag.

"Did you receive the mail my dear bestfriend?" si Aura ang nasa kabilang linya. Ang childhood bestfriend niya na walang ibang ginawa kundi ang iset-up siya sa mga blind dates. Sa kadahilanang tumatanda na raw siya at wala man lamang panahon sa buhay pag-ibig niya.

"So it was really you who sent this crap? Bessy naman! Alam mo ba kung gaano ako natakot sa ginawa mo e pupwede namang isend mo na lang sa email or dito sa phone ko yung picture ng kung sino mang nilalang na iyon." Sermon nito sa kaibigan.

Writing My Own Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon