Chapter 5

4 0 0
                                    

Nagising si Sasha dahil sa mabangong amoy na nanggagaling sa kusina. Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata ng mapansing nasa ibang kwarto siya. Noon niya lang naalala na naroon nga pala siya sa resthouse ni Guille sa Subic.

Pasado alas dose na ng madaling araw sila nagdesisyong matulog. Inihatid siya nito sa kwartong gagamitin siya sa isang linggong pamamalagi nila roon na katabi lang ng kwartong ginagamit ni Guille. Hindi na niya nagawa pang tignan ang itsura ng kwarto dahil sa sobrang antok niya.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga at tinungo ang mga dingding na natatakpan ng mahahabang kurtina. Ng hawiin niya iyon ay napanganga na lang siya sanakita. Kitang kita niya mula sa kinatatayuan niya ang dagat. Kulay asul iyon at kulay puti ang mga buhangin. Mataas na rin ang sikat ngaraw kung kaya't malinaw niyang nakikita pati ang mga karatig naresort na kahit na malalayo ay natatanaw pa rin niya.

Matapos mapagsawa ang mata sa tanawin ay tinungo na niya ang banyo.Naghilamos na siya at nagpalit na rin ng damit saka dumiretso sakusina ng makita niya si Guille na abala sa pagluluto nakasuot pa itong kulay pink na apron panay rin ang pagsipol nito. Halatang nageenjoy ito sa ginagawa. Natawa siya bigla sa nakitang itsura nito.Hindi ito mukhang bakla sa totoo nga'y kinilig pa siya ng makitaito sa ganoong itsura.

Mukha namang natunugan siya ni Guille at lumingon ito sa kaniya.

"GoodMorning." Maluwag na ngiti ang ibinungad nito sa kaniya.

"Goodmorning. Bakit ikaw ang nagluluto? Nasaan sina Aling Sally?" ang tinutukoy ni Sasha ay ang mayordoma at isa sa mga tagapangalaga ngresort ng binata.

"Pinagbakasyon'ko na muna sila since nandito naman tayong dalawa." Sagot niGuille habang inililipat sa malaking plato ang sinangag na kanin naniluto nito. Umupo naman si Sasha sa hapag kainan at malayang pinanood si Guille sa ginagawa nito.

"Findme amusing?" naglaro ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Guille ng muli niyang balingan si Sasha na tila mangha sa panonood sakaniya.

Agadnamang naglayo ng tingin si Sasha. Tumayo siya at kumuha ng mga platoat kubyertos na gagamitin saka iniayos sa mesa. Natawa na lang siGuille sa itinurang iyon ng dalaga.

Guille'slaugh made her heart skip a beat. Hindi niya alam pero sa tuwing tatawa ito ay nakakaramdam siya ng kakaibang saya.

"Ano nga palang balak mong gawin after nito? Sisimulan mo na ba 'yung manuscript mo o you want to come with me?" tanong ni Guille. Nakatalikod ito at hindi na nagabala pang humarap sa kaniya. Nakatuonang atensyon nito sa nilulutong ulam.

"Saanka ba pupunta?"

"Mangingisda."Aniyang inililipat na ang nilutong tinapa at itlog sa plato atinilapag sa mesa. Umupo na rin siya sa tapat ng dalaga.

"Tinapa?Alam mo ba na favorite ko 'to?."

"Iknow- I mean sino ba namang hindi?." Nagaalangang tumawa si Guille. Muntik na siyang madulas roon.

Sasha nods. Umupo na si Guille at nagsimula na silang kumain.

"Hindiba 'ko makakasagabal pag sumama? Mukhang magandang ideya 'yang pangingisda scene sa story ko." Sasha grins. Kung anu-ano na rinkasing ideas ang pumapasok sa isip niya at ginaganahan na siyang magsulat.

"Hindiah, mas matutuwa pa nga ako kung sasama ka."

"Thatleft me no other choice then?"

Nginitian siya ni Guille at ibinaling na ang atensiyon sa kinakain. Matapos nilang kumain ay nagtungo na si Sasha sa kwarto para magpalit ngdamit samantalang si Guille naman ay lumabas na at inasikaso  ang gagamitin nilang sasakyan papunta sa gitna ng dagat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Writing My Own Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon