[Sese's POV]
"Serenity?"
Napabuntong-hininga ako nang lingunin ko si mommy. Akmang patungo na ako sa itaas nang aming bahay upang magtungo na sa aking silid at magpahinga. Subalit alam ko namang hinding-hindi ko matatakasan ang kinakaharap kong problema sa kasalukuyan.
"Mag-usap tayo." 'Ika ni mommy bago siya naunang lumakad patungo sa living room.
"Sige na. Kausapin mo na ang mommy mo, lagi mong tatandaan na nandito lang ako ha." Turan ni Ate Kleng nang bahagya nitong pisilin ang kaliwang palad ko. Masuyo akong ngumiti at bahagyang tumango rito bago ako sumunod kay mommy.
"Have a seat." Turan ni mommy at bahagya pang inginuso 'yong couch. Alanganin akong tumalima habang siya'y nanatiling nakatayo. "Bakit kailangan mong itago sa aming may nobyo ka? Hindi ba siya presentable?"
Nagbuga ako ng hangin. Hindi ko alam kung paano kong sasagutin 'yong katanungan ni mommy gayong wala naman talaga akong boyfriend.
"Hindi ba't sinabi naman namin ng daddy mo sa'yo na kahit sino pa man ang ibigin mo'y ayos lang sa amin, basta 'yong matinong lalaki naman. 'Yong kaya mong iharap at maipagmalaki sa sinuman."
"M-Mommy, actually, w-wala talaga akong b-boyfriend." Kandautal ako habang nanginginig 'yong mga kamay kong nanatiling nakapatong sa mga hita ko. Nakita ko kung paanong gumuhit ang inis sa mukha ni mommy. Siya naman ang nagbuga ng hangin, animo'y hindi makapaniwala sa tinuran ko.
"Ang ibig mong sabihin ay aksidente lamang iyan?" Tanong n'yang itinuro 'yong tiyan ko.
"O-Opo." Kagat-labi kong tugon at gulat akong napaigtad nang lapitan ako ni mommy at walang sabi-sabing sinampal. Napaiyak ako.
"Aria!" Agad saway ni daddy kay mommy nang dumating ito. Naupo ito sa tabi ko't niyakap ako. Napahagulhol tuloy ako sa mga bisig nito. "Hindi mo kailangang saktan si Sese."
"Paanong hindi eh, nabuntis 'yang anak mo, Melchor, nang wala s'yang boyfriend?" Mahihimigan ang galit sa tinig ni mommy bago ako muling binalingan. "We truly believe na matino kang babae kaya hindi ka basta-basta mabubuntis lalo pa't wala kang boyfriend. You truly disappointed me, Serenity!"
Tama naman si mommy. Lumaki akong halos 'di makabasag pinggan, 'ika nga ng iba. Masunuring anak, mahinhin, prim and proper and NBSB. Tapos ngayo'y malalaman nilang nabuntis ako nang wala man lang akong ipinakikilalang lalaki sa kanila.
Oh, God!
"Sino ang tatay n'yan?" Tanong ni mommy, 'yong tipong tila hindi niya ako titigilan hanggat hindi siya nakakakuha ng matinong sagot mula sa akin. "Kilala ba namin?"
"Opo." Sagot ko sa pagitan ng paghikbi. Nanatiling nasa tabi ko si daddy. Mabuti pa ito, tahimik lang. Well, ever since nama'y lagi kong kakampi si daddy. Sa kabila ng mga kamalian at kapalpakan ko'y never ako nitong sinita o pinagalitan kaya nga siguro lumaki akong brat.
"Oh, God. Si Phony?" Bulalas ni mommy at mariin akong umiling.
Hindi imposibleng mapag-isipan niya si Phony dahil halos ito ang madalas kong kasama simula pa sa pagkabata. May mga pagkakataon ding natutulog kami nito sa iisang silid, pero ni minsa'y hindi naman ito nag-take advantage sa akin. Mahal namin ang isa't-isa bilang magkapatid lamang.
"Then who the hell is he?" Tila nauubusan na ng pasens'yang tanong ni mommy.
"Si kuya Frio po." Tugon kong muling napahagulhol. Kay bigat ng kalooban kong sabihin iyon, but I have no choice. Alam kong hindi ako pakakawalan ni mommy hanggat hindi niya nalalaman ang totoo, besides, mga magulang ko sila kaya karapatan nilang malaman kung ano ang totoo.
BINABASA MO ANG
Love Moves In Mysterious Ways
RomanceOne-night stand sa pagitan namin ni kuya Frio na hindi ko inaasahang babago sa takbo buhay ko. Ito rin ang naging daan upang maging husband ko ang lalaking matagal ko nang gusto. Subalit, makakayanan ko bang magtiis sa piling ng isang lalaking kasin...