[Sese's POV]
[Darlin' you can count on me
'Til the sun dries up the sea
Until then, I'll always be devoted to you... 🎵]Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa halu-halong emosyon na aking nadarama ng mga sandaling iyon. Kasal na namin ni kuya Frio at walang ibang ingay na maririnig kundi ang magandang tinig ni Sebastian habang umaawit ito. Kasalukuyan na akong naglalakad sa aisle patungo sa kinatatayuan ni kuya Frio.
Sa totoo lang ay ayaw ko naman sanang magpakasal dahil kahit pa sabihing mahal ko si kuya Frio at matagal ko na s'yang pinapangarap, alam ko namang hindi siya masaya sa binitiwan n'yang desisyon. It's truly obvious na napipilitan lamang siya dahil nahihiya siya sa mga magulang ko bukod sa alam n'yang may responsibilidad siya sa akin.
[I'll be yours through endless time
I'll adore your charms sublime
Guess by now you know that I'm
Devoted to you... 🎵]Medyo gumaan ang pakiramdam ko nang makita kong nakangiti si Phony habang nakabaling ang mga mata nito sa direksiyon ko. Nakatayo ito sa tabi ng kuya nito bilang best man. Animo'y aliw na aliw ito sa kasalukuyang nagaganap.
[I'll never hurt you, I'll never lie
I'll never be untrue
I'll never give you reason to cry
I'd be unhappy if you were blue...🎵]How I wish na nananaginip lamang ako at sa paggising ko'y malalaman kong hindi naman talaga ako buntis at natuloy ang kasal nina kuya Frio at Ms. Ellaine nang sa gayo'y maging masaya naman ang una at hindi ko rin na-disappoint ang pamilya ko, subalit kahit anong kurot ang gawin ko sa aking sarili, wala namang mangyayari, masasaktan lamang ako, dahil gising na gising ako't dilat na dilat sa katotohanang kahit anong gawin kong pagsisisi sa nagawa kong pagpayag no'ng gabing iyo'y pilit pa ring sasampal sa akin ang katotohanang napasubo na ako sa kasalang iyon.
Pribado ang aming kasal. Mga pamilya, kamag-anak at malalapit na kaibigan lamang namin ang naroroon. Iniiwasan kasi namin ang mailathala na naman sa publiko si kuya Frio gayong hindi pa natatapos ang issue sa dapat ay kasal nila ni Ms. Ellaine. Maging ang mga katrabaho ko ay walang ideya sa pagpapakasal ko, ultimo nga si Randolph na isa sa mga malalapit na kaibigan ko'y hindi ko nagawang imbitahan sa takot na baka ito pa mismo ang mag-report sa publiko, although may tiwala naman ako ritong hindi ito magsasalita kapag sinabi ko ritong kailangang manatiling lihim iyon, subalit nanigurado pa rin akong hindi sa panig ko manggagaling ang balitang pupuslit kung sakali dahil paniguradong magagalit sa akin si kuya Frio.
Sa dami nang tumatakbo sa isipan ko'y hindi ko na namalayang nakalapit na pala ako kay kuya Frio. Pagkatapos n'yang magbigay galang sa mga magulang ko'y inabot na niya ang aking kamay. Lalo lamang akong nanlamig. Kay bilis ng tibok nang aking puso, halos mabingi na ako sa lakas ng tunog nitong nagmistulang tambol. Animo'y hihikain na rin ako sa labis na kaba, parang hindi na ako makahinga ng maayos.
Oh, God!
Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili. Sa hindi mawaring dahilan ay pakiramdam ko'y biglang sumakit ang tiyan ko kaya napahawak ako rito at bigla kong naisip kung may kinalaman kaya rito ang magiging baby ko? Tutol ba ito sa pagpapakasal ko sa ama nito?
"In the name of God, I, Fritz Oneil V. Alejandro, take you, Serenity V. Zamora, to be my wedded wife..." Panimula ni kuya Frio nang dumako na kami sa wedding vows. Sa totoo lang, nakatingin siya sa akin, subalit tila ba sinasadya n'yang huwag magtagpo ang aming mga mata.
"...to share with you God's plan for our lives together united in Christ. And with God's help, to strengthen and guide me, I will be a strong spiritual leader for us in our life, for better, for worse, in sickness, and in health, in joys, in sorrows, until death do we part." Patuloy niya. Hindi ko alam kung inihanda niya ba talaga para sa akin ang pangakong iyon o para talaga iyon kay Ms. Ellaine kung sakaling sila ang ikinasal. Lihim akong napalunok nang isuot na niya sa daliri ko ang singsing n'yang hawak. "With this ring, I gladly marry you and join my life to yours."
BINABASA MO ANG
Love Moves In Mysterious Ways
RomanceOne-night stand sa pagitan namin ni kuya Frio na hindi ko inaasahang babago sa takbo buhay ko. Ito rin ang naging daan upang maging husband ko ang lalaking matagal ko nang gusto. Subalit, makakayanan ko bang magtiis sa piling ng isang lalaking kasin...