Kabanata II

287 10 4
                                    

[Sese's POV]

"Oh, God!" Bulalas ko. "I'm so sorry."

Hindi ako magkandatuto kung paano kong kukunin sa handbag ko 'yong pakete ng towelettes dahil sa taranta. Nanginginig pa 'yong mga kamay ko.

"What do you think you're doing, huh?" Mababakas ang labis na inis sa mukha ni kuya Frio habang diretso s'yang nakatingin sa akin. Napalunok ako't halos hindi makapagsalita dahil sa pinaghalong hiya at takot. Sa dinami-rami naman ng taong p'wede kong masukahan ay bakit si kuya Frio pa? Kapag mamalasin ka nga naman.

"Kuya, it was just an accident." Maagap na turan ni Phony. Naramdaman kong nakatayo na ito sa likuran ko. "Snowy's feeling a bit under the weather today, okay? Please understand. She didn't mean it."

"It's not an excuse. You should haven't been here if you were sick." Patuloy pa rin siya habang nakatingin lang siya sa akin kaya napayuko na lang ako habang bahagyang kagat ko ang pang-ibaba kong labi. Ni hindi ko magawang iabot sa kanya 'yong pakete ng towelettes na hawak ko sa isiping baka itapon niya pa ito sa pagmumukha ko. Sobrang nakakahiya. Pakiramdam ko'y nakatuon na sa amin ang lahat ng atensiyon ng mga taong naroroon ng mga sandaling iyon. Kung p'wede lang sanang lamunin na lang ako ng sahig.

"Kung dumating ka sana ng maaga'y nakauwi na sana si Snowy at nakapagpahinga." Si Sabrina, nakatayo na rin ito sa likuran ko. "Masyado ka kasing pa-importante. Mahalaga rin ang oras namin, hindi lang ang sa'yo. You ought to learn how to respect the time of others."

"Babe, come on. Let's clean your suit." Biglang singit ni Ms. Ellaine bago nito hinawakan ang kamay ni kuya Frio at bahagya s'yang hinila palabas ng simbahan kaya imbes na muling magsalita para tugunan si Sabrina ay napipilitan na lang s'yang napasunod sa fiancee.

"Let's go, Snowy. I'll take you home." Turan ni Sabrina ng tuluyan nang makalabas sila kuya Frio. Saglit lamang itong nagpaalam sa wedding coordinator at sa mga kaibigan namin bago ako nito binalikan at hinilang palabas ng simbahan.

"Bri, I'm fine." Halata ang pagtutol sa tinig ko nang hilain ko ang kamay ko mula sa kanya bago kami makarating sa sasakyan niya. "Mas lalong nakakahiya kay Kuya Frio kung basta na lang tayong aalis. Kararating niya lang, eh. Kahit isang pasada lang with him this time."

Saglit niya muna akong tinitigan bago siya nagbuga ng hangin.

"You sure you're okay?" Mababakas ang pag-aalala sa tinig niya para sa kalagayan ko. "Namumutla ka."

"Yeah, I truly am fine, Bri. Don't worry, okay?" Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit ang totoo'y hindi talaga maayos ang pakiramdam ko ng mga sandaling iyon, pero sayang naman kung uuwi kami. Ilang araw na lamang ay kasal na nina Kuya Frio, at hindi naman kami madalas mag-rehearse. "Puyat lang siguro ako."

"Alright. Just let me know kapag hindi mo na talaga kaya para maiuwi na kita."

"Okay. Thank you, Bri."

Muli kaming nag-rehearse. Panaka-nakang sinusulyapan ko si Kuya Frio, pero tila ba ang ilap ng mga mata n'yang animo'y sinasadyang iwasang magtagpo ang aming mga paningin.

Well, ano bang aasahan ko, eh dati naman na s'yang cold-hearted? Pilit kong isinisiksik sa isipan ko ang bagay na iyon, subalit hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan, balewala lang talaga sa kanya 'yong nangyari sa amin or sadyang hindi niya lang talaga maalalang may nangyari sa amin dahil sa kalasingan?

-----

"Sese?"

Agad kong nilingon ang taong tumawag sa pangalan ko. Si Randolph. Classmate ko no'ng college at ngayo'y katrabaho ko na.

"Pauwi ka na?" Nakangiting tanong nito bago ako sinabayan sa paglakad. Kalalabas lang namin ng aming newsroom. Parehas kami nitong journalist at naka-assign kami sa iisang news desk.

Love Moves In Mysterious WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon