CHAPTER 2

3 0 0
                                    

"Paano nakakayanan ng jowa mo magpigil? Like imagine you're both living together, but still walang nangyayari sa inyo?" I curiously ask my cousin. "Maybe he just don't want to get her pregnant " Rina answered.

It's weekend and ngayon lang ulit kami nagkakasamang tatlo. We're just having picnic here in Ayala Triangle Garden. Minsan lang kami magkita kitang tatlo ngayong third year college na kami.

"There are times na we almost do it pero he still respect me" Sharia answered and it seems like ayaw na nyang pag usapan pa.

"How about you two? Kailan nyo balak mag jowa lalo ka na Rina?" Pag -iiba ni Sharia ng topic. Kanina pa kasi namin sya tinatanong sa ganap ng lovelife nya.

"When I'm ready to commit again. Nakaka trauma kaya. Imagine that ginawa lang akong panakip butas ng isang taon" hindi pa talaga ako ready and wala pa akong natitipuhan. Hanggang crush lang ako sa mga nakakasabay ko sa jeep na never Kong nakita ulit.

"Study first ako and love is not in my vocabulary" as expected na sagot ni Rina. I can't blame her though for prioritizing her studies first since I believe love can wait.

"Forever ka na atang single. Pero si Ace? Hindi mo type?" Ayan na naman si Sharia sa pag rereto sa pinsan nya.

"Huwag ka na mag reto couz. Yung rineto mo sa akin, ginawa akong panakip butas" palaging sinusumbat ko sa kanya yan kasi naman akala ko si Michael na ang the one pero mahal pa pala ang ex nya.

"Ayaw mo nun nilayo ka agad ni Lord sa maling tao" I just rolled my eyes to my cousin's answer.

"Ace? We're just friends and  he is already pursuing his crush" gulat naman si Sharia dahil sa nalaman nya.

"Akala ko ikaw yung pinapadalhan nya ng flowers at inisip ko pa na baka low-key muna kayo tapos malalaman ko may iba pala syang gusto" Saad ni Sharia at tinawanan lang sya ni Rina. "Akala ko pa nga ikaw yung nililigawan nya noon, yun pala yung queen bee na mukhang galing mental hospital " dagdag pa ng pinsan ko.

"Ace is not my type and don't worry kayo ang unang makakaalam if ever may jowa ako" natatawang sabi naman ni Rina.

Nag kwentuhan pa kami about sa ganap namin sa buhay bago namin napag pasiyahan na umuwi na kasi may dinner date pa si Sharia at si Rina naman ay tutulungan si Ace na I surprise ang nililigawan. And ako? bibili ng gamit na gagamitin ko sa project ko na sa monday na ipapasa. Kaka procrastinate ko mag rurush na naman ako bukas.

Pagka pasok ko sa mall ay mga mag jowa agad ang napansin ko. Ang sakit sa mata. Hindi naman sa bitter ako sa lovelife pero nakaka trauma rin kasi.

Pumunta na agad ako sa bilihan ng mga school supplies para bumili na at maka uwi na rin. Pagkapasok ko sa store ay nakita ko ang ibang kaklase ko na bumibili rin ng gamit.

Nang matapos na akong mamili ay nag paalam na ako sa mga kaklase ko na nakasabay ko dito sa store. Mag gro grocery pa sana ako dahil ubos na ang stock ko sa condo kaso ang hassle lalo na at wala akong dalang kotse.

Mukhang may bagong lipat sa condominium building na malapit lang din sa UST dahil pagkarating ko palang ay may mga boxes na ng gamit sa labas. Hindi ko nalang pinansin yun at pumasok na sa loob.

Pagkarating ko sa floor ng condo ko ay napansin ko agad na mukhang yung bagong lipat ang kapitbahay ko dahil may mga gamit din sa labas. Pumasok na ako sa condo ko at Hindi na pinansin pa kung sino iyon dahil pagod ako at gusto ko ng matulog.

Nagising naman ako sa masarap na pagkakatulog ko dahil sa malakas na pagkatok sa pintuan.

"What are you doing here early in the morning?" I asked Clea, one of my college friend.

Unforeseen Reunion Where stories live. Discover now