A Date Night with my favorite peeps! So exciting! Kita niyo yan? Ayan nasa isip ko few minutes ago.🙂↕️
Nix: “Saan niyo gusto pumunta? Sarado na mga restaurant, tsaka mga ganitong oras wala ring mall.”Felicia: “Malamang sarado na talaga kasi hindi 24 hours yung mall. Sana all diba 24/7 may time para sa kanya,”pagbibiro niya.
Andy: “Kahit saan pre, basta we are together.”
“Corny niyo!” pagtatalo ko.
Nix: “Seryoso na ako guys, saan nga tayo pupunta?” halatang naiinip na siya.
Nice, di lang pala ako ang palaging bulkan dito.
Felicia: “Before tayo umalis, we need to try muna makatikim ng ice cream here!” pagpupumilit niya.
Anyare sayo teh? Cravings ba yan? Buntis na kaya itong lokang mukhang sisiw? Syempre, mahal na mahal ko ang ang aking sisiw kaya ayoko na lang mag talk.
Nix: “Ako na lang tikman mo." he later then smirked at her after finishing that sentence.
Gagi! Sarap netong sapakin! Guys awatin niyo ko.
Andy: “Ang wild pre, keep it cool naman.”
Ako ay tahimik lang. Pisting yawa talaga!
Sabay tawa ni Andy ang bumabalot sa buong paligid.Yung pagtitimpi ko nawawala na! Akala ko ba for fun lang, halos muntikan na ako sumabog sa landian nila!
Anyway, atleast nakikita ko siyang tumatawa. Nakita ko yung side ni Andy na hindi siya mukhang seryoso at kumbaga lighthearted and carefree yung tawa niya. Nakaka in love pala lalo, damn it.
Sandra: “Hindi ako informed na may cravings na pala yung bata dito. ”
I said so that the topic would go on about the ice cream, and not about their hidden ferocious beast taking over the conversation.
Felicia: “First of all, I'm not a kid anymore besides, kanina ko pa tinitignan yung ice cream. Ahem, hindi lang ako makabili kasi wala akong dalang pera.” She pouted.
Nix: “Bilhan na nga kita.”
Naawa si Nix kaya binilhan niya na.
Meanwhile, kami ni Andy na hindi magkaintindihan kung sino gagawa ng move!
Tsk! Wala pakels sakin eh! Kakainis!Sandra: “Ako di mo ba ako bibilhan?”
Nag puppy eyes pa ako, di naman ako pinansin ni Andy.
Felicia: “Hayaan mo sis, ako bibili sayo kung may pera lang talaga sana ako.”
Sandra: “Ako na bibili kaya ko naman.”
Oo, nagpaparinig ako sa isang manhid diyan!
Kaya mo naman pala, nagpapabili ka pa. Bulong ni Andy na narinig ko.
“Ofc, kaya ko talaga ano tingin mo sakin poor!” Sigaw ko.
Nix: “Lah! Nag tantrums ang batang maliit.”
Hinampas ko siya ng malakas. Sabay tinarayan.
Nix: “Uy! yung girlfriend mo pre, ang sakit manghampas!” Pagsusumbong niya kay Andy.
Andy: “Quit being immature, guys!”
Hindi niya talaga ako nakikita as girlfriend, asawa na lang pwede kaya? Try natin, ipilit natin!
~~~
