Sample Chapter: Simula

2.9K 25 0
                                    

Simula

Eloisa

"PARA sa simbahan, Pastor Eldan," nakangiting sabi ni Mrs. Fortez. Isa sa pinakamayamang myembro ng simbahang pinamumunuan ni Daddy.

My Dad smiled at her as he accepted the white envelope. I'm sure their donation is pretty huge again because they believed that my friend, Jancy passed the licensure exam for nurses because of my father's prayers.

"Maraming salamat. Malaking tulong ito para sa ating parokya," si Daddy. Matamis pa rin ang ngiti.

Tumingin sa akin si Mrs. Fortez. "Sayang, ano? Hindi nagpatuloy si Eloisa sa pagiging nurse, Pastor. Sabay sana silang nag-take ni Jancy."

Para akong nanliit lalo na noong pasimple akong binato ni Daddy ng matalim na titig. I know he's still disappointed in me. Mad perhaps. Noong graduation lang niya nalaman na hindi ako nagpatuloy bilang nursing student kaya galit na galit siya.

After a semester in BS Nursing, I secretly shifted and took Business Administration. I falsified everything that needed his signature. I graduated with a latin honor. I thought that would be enough. Ngunit pagkauwi namin galing ng graduation ay isang malakas na sampal ang iginawad sa akin ni Daddy.

"She will go back to school next semester. I will not let her chase something that God doesn't want us to run after," Daddy said that made my heart sink.

Why can't he just respect my decision? I want to build empires. I have ideas. Ideas that can open jobs to other people but my Dad has this weird beef towards businessmen. He said he doesn't want to have a child who will end up a slave to money.

I pursed my lips and stared at the envelope. Ayaw niyang maging negosyante ako dahil magiging alipin ako ng pera, pero bakit ginagamit niya ang pera ng simbahan para bumili ng sasakyang gusto ni kuya? Para ibili si Mommy ng mamahaling alahas? O para palagyan ng second floor ang aming bahay?

"Pastor?" tawag ng isa sa mga myembro.

Tuluyan akong naiwan sa aking pwesto. Nanliliit at halos hindi magawang humakbang. Kung hindi pa ako nilapitan ni Jancy at niyayang lumabas ay baka napako ako sa kinatatayuan ko.

"Mag-diving tayo mamaya tapos attend tayo sa beach party ni Crista," yaya sa akin ni Jancy.

I sighed. Nilaro ko ang dulo ng kulot kong buhok. "Alam mo naman ang Daddy."

"Eh, magdi-dinner naman sila sa bahay nina brother Paeng, 'di ba? Siguradong gagabihin na iyon. Sige na. Masyado ka nang nagmumukmok sa bahay ninyo. You need to loosen up so you can get back on track," pangungumbinsi niya.

"I don't know, Cy. Parang wala akong gana."

Umangkla siya sa aking braso. "Sabi ni Crista may mga bisita sa resort nila. Mga gwapong Manileño!"

Umirap ako. "Eh, 'yan naman yata ang dahilan bakit mo ko niyayaya, eh."

Jancy giggled. "Hindi mo ba nami-miss mag-inom after mag-dive? Besides, they're strangers. We don't have to keep in touch after the party. Isa pa, hindi ba darating mamaya ang ate Elona mo? Siguradong maririndi ka na naman sa bunganga no'n. Saka, girl birthday mo ngayon hindi ka nga binati? They didn't even say they planned anything for your 21st birthday. Tayo na lang ang mag-celebrate. Isipin na lang natin birthday party mo rin 'yong pupuntahan natin kaysa magmukmok ka at marindi sa bunganga ng ate mo."

Napalunok ako. Ate Elona and I were never close. Siya ang pangalawa sa aming tatlong magkakapatid. Mas malapit pa ako kay kuya Eldritch dahil tingin ni ate Elona ay masyadong matigas ang ulo ko. She's always been Daddy's pet. Kaya kapag napapasama ko ang loob ni Daddy ay hindi na rin niya ako pinapansin.

DUCANI LEGACY SERIES 10: KAHEL (VIP STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon