Kabanata 2
Eloisa
"Why do you have to buy a ring?" salubong ang mga kilay na tanong ni Jancy sa akin.
"Babalik na sa pag-aaral 'yong pinagbabantay ko kay Noa. May mga time na kailangan kong bitbitin ang anak ko sa office. Baka makita ni kumag at i-interrogate ako," sagot ko.
"Ah. So magpapanggap kang may asawa, hmm?"
"Mismo." Inilabas ko ang bimpo at pinunasan ang likod ni Noa. "Anak, mamaya na lang tayo bibili mg watercolor, ha? May bibilihin muna ang mommy."
Kumunot ulit ang noo ni Jancy. "Ubos na 'yong binili ko last week?"
"Ano pa nga ba?"
She pinched Noa's cheek. "Ang sipag talaga mag-paint ng inaanak ko!"
Noa massaged his cheek. "Si ninang nagpipiga na naman pishngi ko. Misakit naman po, eh!"
Jancy laughed softly. "Sorry na, baby. Ang cute-cute mo kasi. Saka love na love kita, eh."
"Pede naman love po pero indi magpipiga po, eh. Ikaw palagi nagkukurot naman!" reklamo ni Noa.
I smirked. "Piga ka kasi nang piga."
"Well, you made an adorable baby. What can I do? You know I love kids. I just don't like the idea of actually pushing out a baby from my precious coochie," pabulong niyang sagot.
"Ewan ko sa'yo, Cy. Tara na nga at pupunta pa ko ng penthouse ni kumag mamayang alas dose."
Makahulugan siyang ngumisi. "Pini-penthouse ka na ngayon, ha?"
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Excuse me, ang dumi ng utak mo. Pupunta lang ako ro'n dahil kailangan ko siyang samahang dalhin ang bagong paintings sa art gallery."
"Akala ko pipintahan ka na este ipipinta ka na, eh." Tumawa siya.
I rolled my eyes. "Sumama ka lang ba para asarin ako, hmm?"
"Hindi na mabiro. Mag-PT ka na. Baka nakakabuntis ang kunsomisyon."
Muli akong napairap. Palibhasa sa kanya ako nagra-rant tungkol sa sakit ng ulong dinadanas ko bilang executive assistant ni Kahel.
I survived the first two months with the help of coffee, air conditioner, and some Advil. Ikaw ba namang araw-araw humarang sa mga babaeng gustong mag-claim na naanakan sila ng boss ko.
Lalo lang tuloy akong nawawalan ng ganang ipakilala si Noa kay Kahel. Baka mamaya labinlima na pala ang panganay ng lintik na 'yon!
I massaged my temple. "Kailangan ko nang magpa-rebond ulit sa off ko at lumalabas na ang kulot ng buhok ko." I sighed. "Puro pa naman kulot inuuwing babae no'ng si kumag."
Nagpigil ng ngisi si Jancy. "Mahilig pala sa kulot. Baka kaya hindi ka nakilala kasi iba na itsura mo? Dati kulot ka at napakainosente. Ngayon straight na ang buhok mo tapos may bangs ka pa. Palagi ka pang naka-contact lens."
"Or maybe he just doesn't care who he does the nasty with kaya hindi ako natandaan. Blessing in disguise na rin 'yon." Hinatak ko si Jancy. "Ayun, may mura. Kahit stainless lang na gold plated pwede na 'yon."
Lumapit kami sa nagtitinda ng mga singsing. Nagsukat ako pagkatapos ay hinayaan kong si Kanoa ang pumili ng disenyo.
"Tis wan!" he said then showed me the ring that had a design that looked like waves. My son loves the ocean so much. If only he knew his dad and I made him inside a cave by the shore.
"Wow, bagay sa akin!" Ngumiti ako. "Thank you, Noa!"
He gave me an innocent smile while his obsidian eyes flickered with joy. Maya-maya ay bumaling siya sa tindera saka siya may dinukot na plastic sa kanyang bulsa.
BINABASA MO ANG
DUCANI LEGACY SERIES 10: KAHEL (VIP STORY)
RomanceKahel Ducani-Herrera is a peculiar man who's known for his ability to create world-class artworks, build empires, and lure women with just one simple gaze. But Eloisa Leondez never fancied him. Para sa dalaga ay isa itong arogante at babaerong lalak...