Kabanata 1
Eloisa
The buzzing sound coming from the old air conditioner was the only thing I could hear while waiting for the result of my initial interview and screening process.
Tatlong kumpanya na ang in-apply-an ko ngayong araw pa lang. Iyong mga pinuntahan ko noong nakaraan ay wala na talagang paramdam. Bakit naman kasi ang taas ng qualifications? Kailangan talaga at least five years ang experience? Paano naman ang fresh graduates o kaya ay iyong mga wala pang limang taon mula noong nagtapos?
"Miss Leondez?" tawag ng admin assistant sa akin.
I collected my stuff and walked towards the room. Kabado ako nang husto kaya kahit kumakalam na ang sikmura ko ay hindi ko iyon gaanong iniintindi.
"Please take a seat," anang may edad na HR sa akin. Ni hindi ako binato ng tingin. Wala ring anumang ekspresyong mabakas sa seryoso nitong mukha kaya lalo akong kinakabahan.
I cleared my throat after a few moments of silence. "H-How was my interview, Ma'am?" lakas-loob ko nang tanong.
Ayaw kong mag-aksaya ng oras. Maaga-aga pa naman. Kung hindi ako makakapasa rito ay pwede pa akong sumaglit sa katabing building bago ang uwian nina Kanoa.
She finally looked at me through her thick reading glasses that had a beaded lace hanging around her neck.
"You have an impressive educational background but you lack the experience," deretsahan niyang sabi na nakapagpabagsak sa mga balikat ko.
I saw that coming. Halos pare-pareho naman sila ng sinasabi. Matalino man ako, kulang ako sa experience. Puro ba naman BPO background ang inilagay ko sa resume ko.
She flipped some papers on her desk. "May I ask why you decided to leave your previous company?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang BPO company na pinakamatagal kong pinasukan.
Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan. "Lumalaki na ho ang anak ko. Pumapasok na siya sa kindergarten. Next year grade one na siya. Ang hirap pong magbalanse ng oras kapag panggabi ang trabaho ko. Isa pa ay . . ." Napayuko ako. "My son is . . . quite peculiar."
"Mentally challenged?" walang preno niyang tanong.
Humugot ako ng hininga. "He's not like other kids. He is . . . dyslexic." Lakas-loob kong sinalubong muli ang kanyang tingin. "He's peculiar, and in this world, peculiar people are often treated differently. I don't want to . . . give people the chance to hurt my son just because mommy needs to sleep during the day while he's at school."
Pinakatitigan niya ako na tila tinitingnan kung nagsasabi ako ng totoo. Maya-maya ay bumuntonghininga siya't hinubad ang suot na salamin.
"Our company is looking for candidates who meet our qualifications. You can come back after gaining experiences somewhere else."
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa kahit inasahan ko naman nang hindi na naman ako matatanggap. Maybe I had a little hope that she'd at least give me a chance. Handa naman akong matuto. Matyaga naman ako at may utak.
Sa sama ng loob ko ay tinawagan ko si Jancy. She's working at a hospital in the Metro. Niyaya kong magkita kami nang makapaglabas ako ng frustrations ko.
"Ako na 'to. Sumahod na ko. Itabi mo na 'yan at hindi ka pa sigurado kung kailan ka makakakuha ng trabaho," aniya nang akmang babayaran ko na ang kape ko.
Nahihiya akong tumango. This is why I rarely meet up with her despite us both living in Manila. Siya na lang palagi ang taya palibhasa ay alam niya ang sitwasyon ko.
"Makakabawi rin ako sa'yo," hiyang-hiya kong sabi nang maokupa namin ang pinakamalayong mesa mula sa counter.
"Ayos lang." Nagtali siya ng buhok. "Kumusta ang inaanak ko?"
BINABASA MO ANG
DUCANI LEGACY SERIES 10: KAHEL (VIP STORY)
RomanceKahel Ducani-Herrera is a peculiar man who's known for his ability to create world-class artworks, build empires, and lure women with just one simple gaze. But Eloisa Leondez never fancied him. Para sa dalaga ay isa itong arogante at babaerong lalak...