Sample Chapter: Kabanata 4

1K 14 0
                                    

Kabanata 4

Eloisa

"Mommy, magsakay lalang sa jeep! 'Wag na magsakay sa car-car ng shuga daddy!" kumbinsi ni Noa sa akin.

Tinaasan siya ni Kahel ng kilay. "Ikaw lang kilala kong mas gugustuhing mag-jeep. Oh, wait." He smirked. "Yeah, I know someone else who would rather take the jeep than ride one of his cars."

Kumunot ang noo ko. "Sino?"

"My uncle Konnar. He's kind'a weird. If you'd see him later, don't give him twenty pesos—"

"Mommy, magsakay lalang sa jeep! Miliit lang car-car ng shuga daddy, eh!" agaw ni Kanoa sa atensyon ko. Para bang ayaw niyang nag-uusap kami ni Kahel.

"Daddy mo jeep," pang-aasar ni Kahel kaya mangani-ngani ko siyang hambalusin ng bag ko.

"Pwede ba, Boss?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

Kahel lifted both of his hands then sighed. Ang mga mata ay tumingin kay Kanoa.

"Kapag nag-jeep tayo—"

"Endi naman ikaw isasama magsakay sa jeep, eh," inosenteng pambabara ni Noa kay Kahel. Muntik na tuloy akong bumuhanglit ng tawa. Ayan! Putok pa, ha?

Kahel's lips formed a thin line. Halatang napipikon na kay Noa. "Fine. You wanna take the jeep instead? Kapag 'yang nanay mo naholdap sa jeep, walang sisihan."

Kahel walked towards his car. Sumakay siya roon at nagmaneho paalis kaya napaawang ang mga labi ko. Akala ko ay talagang iniwanan na kami ngunit maya-maya ay muling bumalik. He was driving in reverse smoothly as if he could always do it like a pro racer.

Lumabas si Kahel ng sasakyan at ibinukas ang pinto sa backseat. "Just get in. It's getting late. Naka-heels pa 'yang nanay mo. Akala ko ba love mo 'yan? Tapos papasakayin mo ng jeep nang nakatakong? Paano kung matapilok 'yan at mauntog? Wala ka nang nanay. Gusto mo 'yon?"

Niyakap ako ni Noa sa baywang. Tila natakot sa sinabi ni Kahel. Napabuntonghininga talaga ako. Pati talaga bata, Kahel!

Hinaplos ko ang ulo ni Noa. "Sakay na tayo, ah?"

He nodded. Kumapit siya sa kamay ko saka na sumabay ng lakad sa akin patungo sa sasakyan ni Kahel. Sinamaan pa niya ng tingin si Kahel bago tuluyang sumakay sa kotse.

Kahel shut the door and then went to the driver seat. Thank goodness, tumigil na rin silang dalawa sa pagbabangayan habang nasa daan kami patungo sa tahanan ng mga Ducani-Herrera.

"Mommy, endi naman dito house atin po, eh. Baay ng fwincess ito po, eh," ani Noa nang makababa kami ng sasakyan.

"Bahay ito ng mommy at daddy ng Boss ko, anak. Magdi-dinner lang tayo rito, ha?"

Kumunot ang noo niya. "Wala tayo pakkain sa baay po? Kaya magkakain tayo dito po?"

Napakurap ako. "Ay, hindi sa gano'n, anak. May pagkain naman tayo. Ano lang, inimbita kasi si mommy kaya dito tayo kakain. Hindi ba kapag may handaan pumupunta tayo kahit may pagkain tayo sa bahay?"

"Opo."

"Let's get inside," tawag ni Kahel.

Hawak ang kamay ni Noa ay sumunod kaming mag-ina kay Kahel. Halos malaglag ang panga ko sa laki ng tahanan. It's like a modern farmhouse sitting in the city, at an exclusive village solely for the Ducanis and those whom they trust.

Idinala kami ni Kahel sa outdoor dining area ng tahanan. Ilang tao na ang naroroon kabilang ang mga magulang ni Kahel, ang kapatid niyang si Sir Kali at ang lolo't lola ni Kahel. Naroon din ang ilan sa mga tiyuhin at tiyahin ni Kahel.

DUCANI LEGACY SERIES 10: KAHEL (VIP STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon