Chapter 3
"You okay?" Tanong ni Kuya nang pumasok pa siya ng campus para lang sunduin ako.
Napangiwi ako nang bawat daanan namin ay may tumitili o 'di kaya ay nanginginig sa kilig. Most of them probably wants to experience being Travis' girl.
"Hindi d'yan." He said when I tried to open the front seat where I sit always.
Kumunot ang noo ko at tinaasan siya ng kilay. "Bakit?"
He just smirked and shook his head. He opened the back seat for me at binigyan ko siya ng naguguluhang tingin. I entered the car and my eyes widened upon seeing a woman in front of me. Agad naman nito akong nilingon at binigyan ng palakaibigan na ngiti.
"Hello, Shan!" She smiles and offered her hand. "I'm Zylie,"
"H-Hi!" I stammered and accepted her soft warm hand. "Nice to meet you."
Napakurap ako at napatingin kay Kuya nang pumasok siya sa drive's seat. Silence placed in between us three. Wala nang umimik matapos naming magbitaw ng kamay. Nilingon niya ako at hinawakan ang gear stick.
"What?" Tamad niyang tanong habang iniikot ang manibela upang makaalis na sa lugar.
I shook my head awkwardly and took out my phone to pretend that I'm busy. It's not new to me to meet his girls. But it's different to meet his girl inside the car! Mukha tuloy akong nakakagambala ng date nila or whatever they call it.
I stalked Breana on twitter and she's really full of drama. Ang dami na niyang kinakaaway at hindi iyon nakakatulong sa kaniya. I formed my hand in a fist so that I can handle the pain I'm feeling.
bri • @uronlyone_breana
Grabe mga behh??? Sobrang daming papansin at epal kanina sa DVC. Hayok na hayok yarn? 🙈🙈
It reaches almost sixteen thousand views in span of two hours. Marami naman agad na nagcomment sa tweet niyang iyon at may ilan naman akong mutuals na ni-repost pa iyon, um-agree kay Breana.
gelay • @ethielslover
replying to @uronlyone_breanakaloka! true! may nakita pa akong nadapa kanina wala man lang tumulong. porket nalapit si kaizen doon.
mitch • @spicybmitch
replying to @ethielsloverso tru be! grabe, sobrang layo namin kanina kay ate girl kaya di namin natulungan. pinagalitan na sila ng mga guards hindi pa sila nakinig. mga bobo
Kumunot ang noo ko sa mga nababasa. Sa sobrang taas ng engagement ng tweet na iyon ni Breana, halos nakuha na nila ang lahat ng account ng mga taga-DVC at sa ibang mga school. May ilang mga sumasang-ayon sa kaniya at mayroon namang hindi.
bri • @uronlyone_breana
replying to @spicybmitchbabe, check @kaizenslvdr new tweet!
Sa sobrang curious ko sa kanilang mga pinag-uusapan, I clicked the account mentioned in Breana's comment. Agad naman akong nadala sa isang account na sikat.
Kai
@kaizenslvdr🎤
76 Following | 8.5k Followers
The profile is his back, wearing simple white shirt and carrying a cute cat on his shoulder. Wala siyang header at simpleng-simple lang ng kaniyang account.
I scrolled down to see his new tweet Breana's talking about.
Kai • @kaizenslvdr
🩹
Kumunot ang noo ko at tinap iyon para makakita ng mga comment at para hanapin ang account ni Breana roon.
Isang refresh ko lamang, marami agad ang dumadagdag. Mas tumataas pa ang number ng repost kaysa sa comment at halos matakluban ang new comments doon.
YOU ARE READING
You Belong With Me (Band Series #1)
RomanceWhat lies will we tell or truths will we hide for love? Shan, a driven fashion design student, faces these haunting questions. Her life is the life everyone wanted. Lahat ng bagay na naisin niya ay kaya niyang makuha. Bag, shoes, dress, make-up, at...