Chapter 2
Muntik ko nang paulanan ng mura si Breana nang higitin niya ako nang payagan ng management na bumaba ang mga fans para malapit sa stage kami. May maliit na espasyo sa barricades na kaunting tulak lamang ng mga aggressive fans ay malalapitan na ang mga nagpe-perform.
Napapikit ako nang biglang nagtilian ang mga manonood nang isang kalabit pa lamang ng electric guitar ay para na silang binudburan ng asin. Tinakpan ko ang aking tainga dahil kabila't likod ang mga tili nang mga iyon at halos lahat ay nagsisitalon.
"Kyah! Ang sarap mo, Vance!"
"One more, baby!"
"Parinig ulit, Vance!"
May mga banner pa mula sa Hazard Zone Official Fanclub. Nagtaka pa ako na hindi kasama si Breana doon lalo pa at baliw na baliw naman siya sa bandang ito na pagpapapogi lang naman ang alam.
Aaminin ko, they were all attractive. Tila hindi sila pumayag na may visual hole sa kanila. Kung k-pop sila, mahihirapan akong pumili ng magiging bias ko. Kaso si Kim Mingyu ang standard ko sa mga boy group, eh.
Vance, the electric guitarist, is very manly and tall. His physique is not very masculine but it has biceps. Kahit medyo malayo kami sa stage ay kitang-kita ang ekspresyon niyang natatawa. Sa kabilang banda, ang bass guitarist naman nilang si Zane ay kabaliktaran ni Vance. He's sporting a serious face. Matanggkad din at mestiso naman. Naka-white ripped sleeve t-shirt siya kaya nakabalandara ang kaniyang malaking braso.
On the other hand, the drummer and the vocalist are talking at the back. Both serious but someone's energy is different. Si Ethiel naman ay kilala kong playboy. Noong senior high siya ay naka-fling niya halos anim kong kaklase at fifty na babae sa buong STEM. He's the drummer of this band and I wonder if he stop collecting girls now. Kung oo, ipapapasok ko rin si Kuya sa banda para tumigil na siya.
Napa-irit ang mga nanonood nang uminom ng tubig si Kaizen. Kitang-kita ang Adam's apple niyang tumataas-baba sa tuwing lumalagok siya.
"Ang sarap! Pucha!" Nahahapong puri noong nasa taas namin.
"Ang sarap mo! Tangina, Kaizen!"
"Ang swerte ng girlfriend!" May sumigaw sa kabilang linya ng upuan.
"Ang swerte ko talaga! Tangina!" Agaw naman ni Breana sa atensyon at nagtatalon pa. "Go, baby ko! I love you so much! Baby time tayo mamaya pag-uwi!"
Marami namang natanggap na mura si Breana dahil doon. Wala namang pake ang kaibigan ko at enjoy na enjoy pa sa hate na natatanggap.
Kumunot ang noo ko. Hindi ba siya nagdaramdam man lang sa mga below the belt niyang naririnig? Or ganito lang talaga kapag nasa concert ka?
Hindi kasi ako pinapayagan ni Kuya Travis na pumunta sa concert ng Seventeen noon. Bukod sa wala akong kasama, palagi nalang araw ng klase. Hindi naman pwede akong lumiban dahil sayang ang attendance at maiiwan pa ako ng mga lesson.
"Sound check," a raspy voice echoed around the place making everyone go wild again.
Nagsimula na naman sila sa mga sigawan, chants, at mga message na gustong iparating sa vocalist na ngayon ay natatawa lamang sa kanila. He made them calm down so he can speak nicely. Marunong siyang mag-handle ng audience at hindi siya stiff sa stage.
The crowd is wild and they add it by slowly starting the slow instrumental of their first song.
"Let's go wild, Deverans!" Sigaw nito na mas lalong nagpabaliw sa mga nanonood.
Lahat ay tumalon, sumigaw, at halos pagpawisan na nang magsimula nang kalabitin ang gitara nina Vance at Zane na siya namang sinundan ng pagpukpok ni Ethiel sa drum si Ethiel. Iyon ang dahilan kung bakit halos maipit ako sa gitna ng mga tao.
YOU ARE READING
You Belong With Me (Band Series #1)
RomanceWhat lies will we tell or truths will we hide for love? Shan, a driven fashion design student, faces these haunting questions. Her life is the life everyone wanted. Lahat ng bagay na naisin niya ay kaya niyang makuha. Bag, shoes, dress, make-up, at...