Chapter 4

77 13 1
                                    

Chapter 4

Humikab ako sa sobrang antok habang nakikinig kay Mrs. Janicca sa dinidiscuss niya. I didn't find her subject boring, it's Breana's fault because she literally called me the whole night just to discuss her craziness towards that band.

Buong gabi siyang tili ng tili at halos hindi ako makatulog ng maayos. Palagi niyang tinatanong ang opinyon ko kaya hindi ako natutulog. Hinintay ko siyang dapuan ng antok bago tuluyang ipikit ang mga mata.

And it's almost four in the morning?

Mabuti nalang at twelve noon ang start ng klase ko ngayon at vacant ng dalawang oras bago ang last subject ko ngayong araw. Hindi ko masisisi si Breana dahil tamang gabi ang kinuha niya sa akin.

I felt my phone beeped. My eyes widened and I tried to gathered my eyes around the place to check if they're using their phones. Wala naman. Should I check the message?

Sa huli ay patago kong chineck iyon. Tinuruan naman ako ni Breana's magtago ng cellphone habang discussion simula pa noong senior high school kami.

Breana:

Gig starts by 6pm. Punta tayo roon ng maaga para makausap pa natin sila.

I nodded and let go my phone. Hindi ako maaaring magpabuking dahil bukod sa close kami ni Prof, nakakahiyang mapagalitan sa harap ng blockmates ko.

Nang matapos ang discussion ay tinanong niya lang kami sa progress ng aming design at nang wala nang mga questions ay doon na natapos ang meeting.

Lumabas ako ng room at iniwan sa locker ang ilang mga gamit na hindi ko naman inuuwi sa bahay. Mostly ay ang personal sewing kit ko at ilang mga book guides. Binitbit ko nalang ang sketch pad ko dahil balak kong mag-drawing habang kumakain ng tanghalian ko.

Breana:

Where ka magl-lunch? Here me at Vyx.

Ngumuso ako at nagtipa. Pahirapan pa dahil may bitbit akong sketch pad.

Ako:

I'll buy my lunch lang sa canteen.

Pumasok ako doon at marami ang naroon. I guess even if people here are rich, may mga pumupili pa rin na dito kumain. Pwede naman silang lumabas kung anong oras nila gustuhin.

I ordered my food and eat alone. Hindi naman nag-text ang kaibigan  ko na hintayin ko siya kaya nauna na ako. Matapos kong kumain ay nagpatuloy na ako sa pags-sketch at binalak ko naman ngayon ay portrait ng isang tao.

I'm bad at anatomy. Hindi ako magaling mag-drawing ng realistic na tao at detailed na nature view. I can paint, yeah, but my skill isn't fully developed yet.

I draw a big circle so I can start sketching the head. Naglagay ako sa tainga ko ng airpods dahil sa mga ilang ingay na naririnig ko at nagpatuloy sa ginagawa. It's awkward because I'm sketching inside the canteen.

Nilipad na ang utak ko habang nagsisimulang i-shade ang buhok ng taong pinipinta ko. It was familiar but I don't know who it was. It's just a random person I probably knows.

Masisimula na sana ako sa mata nang biglang tumunog ang cellphone ko sa isang message. It was from my male model, Angelo.

Angelo:

back out na ako miss

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I took a lot of time to understand it and my eyes widened upon realizing one thing.

You Belong With Me (Band Series #1)Where stories live. Discover now