Chapter 6
@kaizenslvdr followed you.
@kaizenslvdr started following you.
Dalawang notification ang natanggap ko kinabukasan nang magising ako. Agad naman akong napabalikwas sa aking higaan at agad na kinusot ang mga mata upang makita ng maayos ang nasa cellphone.
Kai: Vance gave me your socials.
Kai: When will we start this?
Kumunot ang noo ko. This early in the morning?
Shan: Good morning, Mr. Kaizen! Time depends on you. Are you free today?
I followed both of his socials back and suddenly notice that his following is public. Those he follows are girls, some music artist, at sina Vance. Napa-iling nalang ako. Once a playboy, always a playboy.
Bumangon ako at naligo na. Nalate pala ako ng gising kaya akala ko maaga pa 'yun pala ay nine na ng umaga.
Kagabi ay naka-uwi kami ng alas diez at napasundo pa kay Kuya dahil ayaw kong mag-taxi ng ganoong oras. Wala namang kaso iyon kay Kuya ngunit halatang iritado siya sa aming dalawa ni Breana.
Tahimik namin siyang inuwi sa kanila at tulog na tulog na naman si Breana sa balikat ko kaya tinawag namin ang kapatid nito. He carries her and thank us before we go.
Pagkauwi ko, wala na namang komprontasyon na nagyari at dumiretso na ako para matulog.
Having Kaizen as my model is a big thing. He's a rising band artist and probably, based on his socials, unti-unti na siyang nadi-discover ng bawat tao rito.
He sent me his location and I brought all my measuring materials maging ang mock portfolio design ko. Alam ko naman na sa huli, ako pa rin ang magdedesisyon ng design ko dahil model ko lang sila. But my priority is to let them be comfortable with what they wear. Ayokong maggawa ng isusuot nila nang sarili kong desisyon.
Pagkadating ko sa isang modernong subdibisyon, sa tapat ng isang malaking bahay, hindi ko mapigilang humanga. Is this his house? This is so beautiful!
I pressed the bell near the gate so that I could inform him that I'm already here. Masakit sa balat ang sinag ng araw, wala akong masyadong marinig mula sa mga sasakyan sa labas dahil secluded and subdivision at malayo sa gate nakatayo ito.
Bumukas ang gate kaya napa-atras ako at hinarap ang sumungaw na kasambahay.
"Good morning po, nariyan po ba si Mr. Kaizen Salvador?" Marahan kong tanong at ngumiti ng maliit.
Agad naman siyang tumango at giniya ako paloob. "Naku! Ikaw ho ba si Reya?"
Kumunot ang noo ko. "Hindi po,"
"Ay naku! Nalito na naman! Si Catherine?"
Ngumuso ako. "Hindi po. Ako po si—"
"Ikaw ba si Lianna?"
Napahalakhak ako ng marahan. Sino ba 'yong mga babae'ng binibigkas niya? Mga ex-girlfried ni Kaizen?
"Ako po si Shan Mendoza, Ate. Ako ay..." Napa-isip ako kung anong isasabi ko. "... ang designer ni Kaizen."
Nanlaki ang mga mata nito at sinuri ako mula ulo hanggang paa. I'm just wearing basic clothes: halter top shirt, pants, and heels. Bitbit ang portfolio at bag na punong-puno ng mga measuring tools ko.
Pinapasok naman ako nito at nagpakilala bilang Mercidita. Ate Mercidita ordered the maids to call Kaizen upstairs while she left to give me the juice I awkwardly chose.
May ingay akong naririnig sa taas. Mula iyon sa ikatlong pintuan mula sa kanan at hindi ko maiwasang punahin ang bahay na tila sobrang bongga.
"Ma'am Shan, pinapatawag ka po ni Kaizen sa taas." Kinikilig na balita sa akin nitong dalagitang kasambahay.
YOU ARE READING
You Belong With Me (Band Series #1)
RomanceWhat lies will we tell or truths will we hide for love? Shan, a driven fashion design student, faces these haunting questions. Her life is the life everyone wanted. Lahat ng bagay na naisin niya ay kaya niyang makuha. Bag, shoes, dress, make-up, at...