Chapter 8
"Shete ka, 'teh! Ano 'tong nabalitaan kong may bago ka raw na model?" Salubong sa akin ni Claude habang inaayos ang tela niya sa kaniyang cocktail wedding dress.
Ngumuso ako. "Nag-back out 'yung model ko, eh."
Napapalakpak naman si Jayne. "Grabe! Don't tell me nanghihinayang ka? Lakas ng balik sa'yo, teh!"
"Bakit naman?"
Sabay silang napasinghap at nagkatinginan sa isa't isa na tila may mali akong sinabi.
"Hanep! Iba talaga kapag socialitera! Paano mo napapayag si Kaizen, teh? Ang daming sumubok sa kanilang apat, walang pumayag dahil busy daw!" Si Jayne.
I shrugged. "Hindi naman ako socialitera. Nagkataon lamang na narinig nila akong sinabing nag-back out si Angelo. Ayon, sinuggest ni Vance si Kaizen sa akin tapos pumayag naman."
Nanlaki ang mga mata ni Claude. "Agad-agad?!"
Lumalim ang gitling sa noo ko. "Oo. Bakit naman?"
They gave me meaningful stares as the creepy smile curves on their lips. They both shook their heads and turned their backs against me, noticing everything inside the room.
Umiling nalang ako at bumalik sa aking ginagawa hanggang sa mapagod ako. This subject lasts for three to four hours and all we did is to finish our project. Malapit na rin ang finals at maraming busy ngayon sapagkat graduating na. Isa na roon si Kuya.
My phone beeped after I passed my new sketch and model for male. Agad ko iyong tinignan at nakitang message iyon ni Dani.
Dani: Free ako bukas, maghapon.
Dani: Totoo ba na si Kaizen Salvador ang nakuha mong kapalit ni Angelo? Shucks, so lucky, bebs!
Ngumuso ako at nagtipa ng sagot.
Shan: Yup. He agreed to meet you tomorrow. I'll just send the location and the time. See you!
Socializing isn't really my thing. Hindi ko sigurado kung tama ba ang reply ko o sana pinahaba ko pa ang usapan namin dahil model ko naman siya at para maging komportable siya sa akin. But no, I don't know what I'm supposed to do.
Umuwi ako nang bahay dahil hindi ako maaaring kumain sa malapit na restaurant sapagkat nasa bahay na sina Mommy. I guessed she cooked many foods again. Tapos sa akin niya ipapakain lahat ng iyon.
"Good noon, family..." I greeted when I entered the house.
And of course there's no one around the hall. Paniguradong nasa opisina nila sila o nasa library. Wala ring mga palaboy-laboy na mga maid sa buong bahay at sanay na naman ako. Para silang mga anino, sa gabi ko lang nakikita.
"Mommy?" I knocked on their room twice.
There was none. It was my cue to go to their office and knock thrice, no one answered. The same goes in the library, it's pretty empty. Where did they go? Nabanggit ba nila sa akin kanina na aalis sila? But Mommy texted me to go home.
"Shan!"
Halos mapatalon ako nang marinig ang tinig ni Breana sa likuran ko. Nagsalubong ang kilay ko at hinarap siya.
"Why are you here?" I asked.
Inirapan niya ako. "Ano ako? Unwelcome? Gagang 'to, inimbitahan ako ni Tita Sarina dito."
Kumunot ang noo ko. "Narito ba sina Mommy?"
"Oo, gaga ka ba? Kanina pa kami inip na inip sa dining area ninyo. Lalamig na ang ulam mo." She said sarcastically.
YOU ARE READING
You Belong With Me (Band Series #1)
RomanceWhat lies will we tell or truths will we hide for love? Shan, a driven fashion design student, faces these haunting questions. Her life is the life everyone wanted. Lahat ng bagay na naisin niya ay kaya niyang makuha. Bag, shoes, dress, make-up, at...