Chapter 14

671 9 3
                                    

Nang maramdaman ko ang init na tumatama sa aking muka ay nagising ako. Tumayo na ako para makapaghilamos at makababa para matulungan sila Tito at Tita sa paghahanda ng umagahan.

Pagkababa ko ay wala pa sila siguro ay napasarap ang tulog kaya late na sila nagising. Kaya napag desisyunan kong magluto na ng umagahan para sa amin.

Kumuha ako ng tatlong itlog, tocino, hotdod at carrots.

Fave kasi namin ni Tita ang ginisang carrots at kung walang carrots ay patatas.

Nang matapos na akong magluto ng sinangag at ang mga ulam ay inayos ko na ang hapag kainan. Bumaba naman na sila Tiyo at Tita nagulat pa sila na nakahanda na ang kakainin namin. Ngumiti lamang ako sakanila at pinaupo na upang makakain.

Pinangunahan ko na ang dasal namin ngayong umaga. Pinagdasal ko ang kalakasan namin at gabay ng panginoon. Pinagpasalamat ang unti unting pag galing ni Papa at ang mga blessings na natatanggap namin sa araw araw. Pinagdasal ko rin ang mga anak ko na sana ay maayos ang lagay nila pati narin ang mga kaibigan ko at ang.....tatay ng mga anak ko.

Nang matapos na kami kumain ay nagprisinta si Tito na maghugas. Umakyat naman ako para puntahan si Papa.

Paakyat sa kwarto ni Papa ay biglang tumunog ang telepono ko. At bumungad sa akin ang mensahe ni Geo.

Geo:

Good morning lodicakes

Ako:

Good morning din

Geo:

Baka nakalimutan mo yung date natin ngayon a

Ako:

Ah yung friendly date ba kakasabi mo lang kahapon a paano ko makakalimutan agad

Geo:

Oo na lodicakes ipagduldulan mo pa yang FRIENDLY DATE na yan😤😤😤

Ako :

Galit ka?

Geo:

Bakit susuyuin mo ba ako lodicakes?

Ako:

Hindi e, hindi ako marunong manuyo.

Napatawa naman ako....

Jusko sa gitna pa talaga ng hagdan hay nako.

Geo:

Ganon ba... Huwag ka mag alala pag ikaw nagtampo susuyuin kita na master ko na yun e

Ahhhh ganon haha.

Ako:

Bakit madami ka ng naging girlfriend kaya namaster mo na?

Geo:

Ikaw ha curious ka na sa buhay ko🫵🏻🥰

Luh nagtatanong lang naman e.

Naiinis kong isinara ang telepono ko at umakyat na lang para sa kwarto na makipag chikahan sakanya.

Hindi naman natigilan ang pag iingay ng telepono ko sa dami ng mensahe niya.

Geo:

Luh di na nag seen si lodicakes

Uyy

Luh biro lang e

Uyyyyyyyy

Wala akong ibang naging girlfriend🥲

Oo na ngsb na ako🥲🥲

Madami akong pinsan na

matampuhin at saksakan ng arte kaya sila yung sinusuyo ko

Wahhhhhh bat ayaw mo mag seen ayaw mo na ba sa akin?😔😔😔

Mr. Billionaire got me pregnantWhere stories live. Discover now