Unknown number:
Boss Mhyla tenks sa masarap na sinigang kanina! Sana adobo next🤩
Nang makita ko ang mensahe ay nagtaka ako, sino naman kaya ang nagtext nito e kay Georgina ko lang naman binigay ang number ko. Habang tinititigan ang mensahe ay tumunog muli ang telepono ko. Mensahe naman galing kay Georgina ang natanggap ko.
Georgina:
Beb kapag may nag text sayo wag mo sasagutin baliw yun
Nang makita ko ang mensahe niya ay agad ko siyang tinawagan. Sinagot rin naman niya ito agad.
“ hello ” ani ko
“ hello bestie kong maganda ” masiglang sagot ni Georgina
“ Ano yung text na sinend mo? ” tanong ko sakanya
Narinig ko naman siyang tumawa.
“ Ay iyon, ano kasi hiningi ni kuya Geo number mo e ayun sabi niya bibilin niya yung bagong labas na bag kaya ibinigay ko ”
Huh? Hiningi? Ni Geo?!?!?!
Tangina
Uminit ang pisngi ko.
“ Rereplyan ko ba? Baka isipin niya na pafamous ako ” tanong ko sakanya
“ Ikaw bahala, binibiro ko lang naman siya e katabi ko kasi siya kanina” sabay tawa ng malakas
“ Okie sige goodnight ” pagpapaalam ko sakanya
“ goodnightyyy ”
Ibinaba ko na ang tawag at nireplyan si Geo pinalitan ko narin ng pangalan niya ang numero para hindi na ako malilito sa susunod.
Ako:
Welcome
Tipid kong text pabalik dahil ano bang sasabihin kapag nag thank you diba welcome,tsaka hindi ko rin alam bakit pa siya nag text e pwede naman niyang ipasabi kay Georgina.
Geo:
Cold mo naman boss
Huh? Cold? Nagtext ako pabalik at nilagyan ito ng emoji
Ako:
Welcome🔥🔥🔥🔥🔥
Yan limang apoy apoy nayan para hindi cold.
Tinawanan lamang niya ang sinend king iyon. At hindi parin siya tumigil kakatext
Geo:
Ay oo nga baka di mo pa ako kilala Geo nga pala, tatlong letra, pinanganak ng walang kakambal sana mahalin mo rin ng walang karibal
Huh? Tangina ano to?!?!?!
Nag send nalang ako ng ??? dahil tinatamad narin ako magreply at hindi ko masabayan ang trip niya
Geo:
Joke lang ito naman di mabiro, pero no joke sarap talaga nung sinigang aylabetttt🫶🏻
Ayan na naman siya.
Ako:
Thank you
Geo:
Pwede mag request?
Request? Ano kaya iyon?
Ako:
Ano yun?
Geo:
Pwede mo rin ba akong lutuan ng adobo? Yung atay?
Siya? Lulutuan ko ng adobong atay. bakit ba pati pagkain magkapareho sila ng hilig ng mga anak ko. Ano lutuan ko ba siya? Pero bakit naman? Sino ba siya?

YOU ARE READING
Mr. Billionaire got me pregnant
Romansa5 years ago nangyari ang mga bagay na bumago sa buhay ni Mhyla. Hindi niya inasahan na sa isang gabing paglilibang magbubunga ito ng apat na supling. labing-walong taong gulang pa lamang siya ng mangyari iyon, at dahil hindi matanggap ng kaniyang am...