THE DOCTORS SECRET
AIDEN ALCANTARA
"BLEH, AGH" Suka ko. Nang natapos na ako ay binuhusan ko ito at nagmumumog nang maramdaman ko ulit na parang nasusuka naman ako kaya bumalik ako sa inodoro at nagsuka.
Ilang araw na akong ganito puro suka at nahihilo kaya i requested to take a leave for one whole week at my boss. Buti nalang at pumayag ito.
"AGH! BLEH! AGH." Hingal na hingal na ako. Tumayo muli ako at nagmumog. At pagkatapos nun ay dumiretso sa aking kama dahil sa ramdam kong pagod.
TOK! TOK!
Narinig kong katok mula sa pintuan ng apartment ko. Tinatamad naman akong sumagot. "SINO YAN!" Sigaw ko habang nakahiga sa aking kama
"ATE MO TOH BUNSO!" Sigaw na sagot nito sa akin.
"BUKAS PO YAN!" Sigaw ko pabalik. Rinig ko ang pagbukas ng pintuan at nakita ko ang dalang mansanas at ketchup ni ate ay agad akong napatayo
"Oh bunso ito yung pinautos mo sa akin na bilhin oh" saad nito at nilapag sa lamesa ang pagkain napatayo naman ako sa higaan ko at agad kinuha ang mansanas na kakahugas lang ni ate at pinartner ito sa ketchup. Nung kinain ko toh at napaungol ako sa sarap.
"Ate, tikman mo ito ang sarap!" Pag-alok ko sa kaniya agad naman itong umiling at umupo sa tabi ko. Binalewala ko nalang iyon at kumain pa. Nung naubos ko ay kumuha pa ako ng mansanas at sinawsaw sa ketchup. At ang sarap niya!!
"Bunso, pansin ko lang na ang weird na ng pagkain na pinapabili mo sa akin. Don't take it as an offense but don't you think your pregnant?" Ang usal ni ate na kinapigil ko sa pagkain.
"Di naman yata ate.." ang mahina kong sagot sa kaniya. Napabuga naman ito ng hangin.
"Yeah sure, don't you think i know that you have been vomiting this past 2 weeks? And look who person will eat an apple who dip it in ketchup" May diri habang sinasabi niya ito sa akin. Napakunot naman ang noo ko. Nang maramdaman ko na parang nasusuka ako. Di na ako naghintay at tumayo na sa kinauupuan ko at tumungo sa lababo at muling magsuka.
Nang matapos na akong magsuka ay pinahiga ako ni ate sa kama ko at nagpaalam na bibili siya ng pregnancy test para sa akin. Magmamatigas pa sana ako pero nagpumilit siya so kaya yun.
"Di naman ako pu-pwedeng mabuntis sa isang one night stand diba?" Bulong ko sa sarili ko.
"IM BACK!" Biglang pagpasok ni ate sa pintuan na may dala dalang plastic bag na alam ko na ang laman ay pregnancy test. Guess we will find out..
"Here oh!" Pagbigay niya sa akin ng dalawang box na pregnancy. Nagtataka naman akong tinignan siya.
"Just to be sure you know" sabay kindat nito sa akin. Napa iling nalang ako sa kabaliwan niya at tumungo ako sa banyo dala dala ang dalawamh pregnancy box.
Nang makapasok na ako sa banyo ay agad kong binasa ang instructions. Di ko kasi alam kung pa-paano ito gamitin kaya. Buti nalang may instructions.Sinunod ko ang buong instruction at sabay na pregnancy test ang ginawa ko para sure na talaga hinihintay ko nalang mag 3 minutes. Nakapikit ako habang nagbibilang ng 10 segundo.
"1.. 2... 3... 4... 5... 6... 7... 8... 9... 10." Unti unti kong binuklat ang aking mata at tumingin sa resulta.
Two lines.. di ako makapaniwala at tiniganan ang isa ko pang ginamit. Theu we're both in two lines.. no. no. This can't be happening.