03

424 14 1
                                    

THE DOCTOR'S SECRET



FLASH BACK: A MONTH AGO.



AIDEN ALCANTARA



Hindi ko mapigilang humikab habang nakatingin sa computer screen ko dito sa opisina. Kakatapos lang ng bagong taon ay trabaho nanaman. Halos wala akong tulog dahil umuwi pa ako dito sa manila para sa trabaho ko. On leave si sir kaya inaasikaso ko nalang ang presentation ng company.


"DEN!" Rinig kong sigaw mula sa pintuan ng aking opisina tinignan ko naman kung sino ito.


"Oh crystal? Bakit?" Ang tanong ko dito. Inirapan lang naman ako nito. Shungit ni bruha.


"Hays. Buti di ka napapagod kanina ka pang umaga diyan. I heard na kanina pang alas cinco. E alas sais nagbubukas ang kompaniya." Inis nitong saad sa akin. Napabuga naman ako ng hangin bago sumagot sa kaniya.


"Ahh. Tinatapos ko lang tong presentation then yung mga papeles pagkatapos rin ay iche-check ko ang schedule ni sir julius." Saad ko sa kaniya.


"Hays. On leave ba siya?" Tanong niya at tumango naman ako.


"Tsk. Bakit kaya? Hays teka nga kanina ka pa dito.. kumain ka na ba ng pang umagahan?" Tanong nito saakin. Di naman ako nakasagot. Nagkape lang kasi ako kaninang umaga sa byahe.


"Jusko, Den! I told you to eat always! Ang payat payat mo na oh!" Pag sermon niya saakin.


"Oh siya sige. Hintayin mo 'ko dito at gagawan kita ng pagkain." Saad nito bago isinara ang pintuan ng office ko. Nakapaikot ko naman ang aking office chair.


Gusto ko na tong tapusin para humiga na sa aking malambot na kama doon sa apartment ko. Hays... Makabalik na nga.


Tinuon ko muli ang aking pansin sa screen at muling inayos ang presentation. Di naman katagalan ay narinig ko muli ang pagkatok mula sa aking pintuan.


"DEN! ITO NA OH!" Sigaw ni crystal sa labas ng aking pintuan. Napairap naman ako at tumayo sa upuan ko at lumapit sa pintuan at binuksan ito. At sumalubong sa akin ang isang babaeng bruha na hawak hawak ang tray na may laman ng tocilog at tubig.


"Tunganga nanaman toh. Hoy! kunin mo na toh at kumain ka na." Ang inis nitong saad. Hindi na ako umimik at kinuha na agad sa kaniya ito. Isasara ko na sana yung pintuan ng pigilan niya ito.


"Ano nanaman ba yun." Inis kong tanong dito at sabay sama ng tingin. Inirapan naman niya ako bago magsalita.


"Tse! Wala pang thank you diyan!?" Inis nitong saad na mas lalo ko pang kinainis. Galing nito. Kuhang kuha kulo ng dugo ko mga sis.

THE DOCTOR'S SECRETWhere stories live. Discover now