08

338 16 1
                                    

THE DOCTOR'S SECRET

AIDEN ALCANTARA

parang baliw na nakangiti ako habang sinusuklayan ang bunso ko na si kyle. Ito na kasi ang araw ng event.


"Oh yan na.. pogi na ang baby ko!" Ang saad ko dito habang nakangiti. Pinakita naman niya sa akin ang gummy smile niya.


"Salamat po mi!" Ang pagpasalamat ng anak ko sa'kin ngumiti naman ako at hinalikan ang noo niya.


"Welcome rin po, aking mahal na prinsipe" ang saad ko dito. Hinawakan naman niya ang mukha ko at hinalikan ang pisnge ko.


"Love you mi!" He sweetly said. Ang sweet talaga nitong bunso ko. Diba? San pa kayo?


"Tawagin mo na nga yung kuya mo at sabihin mong bilisan na sa banyo at baka ma-late tayo sa pupuntahan nating event." Ang saad ko dito. Tumango naman siya at umalis sa inuupuan niya at dali daling umalis sa kwarto.


Agad ko naman kinuha ang bag na nakalagay sa kama. Nakalagay na rito ang mga kailangan ng mga bata. Extrang sando, towels, toothbrush and toothpaste syempre.


"AHH! MIMI!!" Biglaang sigaw ng aking bunso na kaagaran kong kinatayo at kinagulat. Pero napalitan ng inis ang mukha ko ng pumasok silang dalawa sa kwarto habang naghahabulan.


"MIMI! KUYA IS SCARING ME AGAIN!" ang sigaw niya habang patakbong nagtago sa aking likuran.


"tama na yan, kuya mag bihis ka na at aalis pa tayo. at kyle anak tignan mo kung nandoon na tito mo. siya ang maghjhatid sa'tin." seryosong saad ko sa kanila. di naman sila umimik at tumango lang.


nang makabihis na si kenji ay susuklayan ko na ang buhok niya.


"nak, tara dito suklayan ko buhok mo" tugon ko. ulit di nanaman ito umimik na sumunod sa utos ko. umupo siya sa upuan at humarap sa salamin kinuha ko naman ang suklay at sinuklayan ko siya.


habang sinusuklayan ay sinusulyap ko ang salamin. di ko mapigilan na maalala sa kaniya si doc. flynn... napahinto naman ako. at napahinga ng malalim.


"ma, are you okay?" tanopng niya sa'kin. bagsik sa gwapo nitong mukha ang pag alala. nginitian ko naman ito at hinawakan ang mukha niya bago pinudpod ng halik sa mukha.


"HAHAHA, MA STOP IT! NAKIKILITI PO AKO! HAHAHA" walang hingang tawa niya sa'kin na kinangiti ko na abot sa tainga ko.


tinigil ko na ito at baka maduwal pa. hassle nanaman kasi magsusuka kung kailan paalis na.


"mi.. i love you po sorry po kung bad na kuya ako kay kyle kanina.. we're just playing lang po..." malungkot na saad nito habang nakayuko. natawa naman ako at hinawakan ang mukha niya na kinatingin niya saakin.


"it's okay lang nak, just don't do it again okay?" saad ko sa kaniya tumango naman ito at tumango at niyakap ako


sa kalatgitnaaan ng moment naming mag ina ay may bigla nanaman sumigaw at syempre ayon po si kyle opo. bakla talaga to eh, my own instict told me that.


"MIMI! ANDIYAN NA PO SI TITO DADDY!" sigaw nito. kasabay niya ang pinsan ko habang buhat buhat nito si kyle.


"hoy, nandito na 'ko tara na insan!" saad nito na kinairap ko. maka hoy noh? parang di nakikita ang beauty ko.


"wag ka na magalit aming pinsan na may pusong prinsesa--ako na mag dadala ng bag para di masayang beauty mo." saad nito kinangiti ko.


"mabuti naman at nagising ka sa katotohanan kala ko hindi muna makikita ganda ko e" saad ko sa kaniya habang nakangiti. kinuha naman niya ang bag sa higaan.


THE DOCTOR'S SECRETWhere stories live. Discover now