CHAPTER 1

535 13 4
                                    






"Ma!!! Papa!!! Bakit niyo ako iniwan!!!"

Malakas na sigaw ni Rebbi nang makitang nag-flat line na ang mga magulang niya sa ilang araw nang nakalgak sa hospital dahil sa isang aksidenteng kinasangkutan nito.

Nang dalhin na sa morgue ang magulang ni Rebbi ay halos hindi na rin siya makausap ng mga kaklase sa high school dahil sa pagkatulala hanggang sa magdatingan at mga tita niya.

"Rebbi!"

"Tita! Hmmm...wala na sila mama at papa...iniwan na nila ako..."

"Ssshhh...huwag kang mag-alala ang tita na ang mag-aalaga sa iyo..."

Bulong ng isa sa tita ni Rebbi kaya naman masuyo siyang yumakap rito.

Mula sa puntong iyon ay inuwi na si Rebbi ng kaniyang mga tita sa bahay ng mga ito at doon na nanirahan.

Thirteen years ang nakakalipas nang at ganap na dalaga na si Rebbi.

"Yown!!! Itira mo na yan! Sure akong panalo ko na yan!"

"Ang yabang Reb ah! Iba talaga paglumaki sa sugal e!"

"Oy! Lumakin man ako rito sa ganitong gawain e ito naman ang nagpapakain sa akin at sa mga tita ko!"

"Walang nanga-aaway sayo girl kaya kalma ka!"

"Itong si Lolong kasi kung makapagsalita e!"

Pagdedepensa ni Rebbi sabay balik ang tingin sa color game na nilalaro nila kasama ang ibang lalaking tumataya.

Maya-maya ay inakbayan na siya ng kaibigang si Gina upang bulungan siya.

"Huy, mang pambayad ka pa ba riyan sa laro ha?"

"Oo! May sitenta pa ako!"

"Ano ka ba naman Rebbi! Halos 80 kiaw na ang utang mo kay sir Jinggo ah!"

"Babayaran ko yon! May raket kaming paparating nila tita!"

"Raket? Like anong raket? Pang-ii-scam nanaman noh!?"

Napairap naman si Rebbi sa sinabi mg kaibigan.

"Ano ba kasing masama ha? Iyong mga ginaganon namin e mga deserved lang nakawan ng pera noh! Tsaka professional kami nila tita hindi kami pucho-pucho!"

"Wow! May pag-professional ka pang sinasabi e same lang din! Nanggagantso kayo!"

"Pwede ba Gina! Kung hindi ka sang-ayon sa ikinabubuhay ko edi huwag mo na lang ako maging kaibigan!"

"Ay grabe naman yan Rebbi! Ang akin lang naman paano kung mahuli na kayo!? Tsk! Ang akin lang hindi naman masamang maghanap ng matinong trabaho e"

"E sa hindi nga! High school lang ang tinapos ko!"

"Ako rin naman e! Pero sales lady ako"

"At kulang pa ang sahod mo para buhayin araw-araw ang pamilya mo!"

"Hays! Bahala ka na nga! Ang akin lang mag-ingat ka"

Sambit ni Gina sabay nilayasan na si Rebbi na hindi na rin naman nagsalita pa at nagpatuloy lang sa pagtaya sa color game.

Mga ilang laro pa ay agad nang tinawag siya ng isa sa mga tita niya.

"Rebbi! Tara na!"

"Aalis na tayo?"

"Oo! Bilis! Hindi tayo pwede ma-late!"

Agad kumilos si Rebbi paalis sa pwesto niya at sumunod sa tita niya.

O' ito ang isusuot niyo!"

"Wow 'ta! Ang gaganda naman ng mga to!"

"Oo! Mga pang sosyal yang mga yan!"

Dark Empresse's MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon