"Ma...Pa...? Nasaan na kayo? Huwag niyo akong iwan!!! Ma!!!"
"S-Sino ka? Saan mo dinala ang mama at papa ko!?"
"Sino ka!!! Ibalik mo sila!!!"
"Aaaaahhhhh!!!!"—
"—Rebbi! Huy Rebbi!!!"
Malakas na sigaw ng tita ni Rebbi para gisingin siya mula sa pagkakatulog. Halos hinihingal na napaangat ng katawan si Rebbi mula sa pagkakahiga.
"Diyos ko ka naman! Pinakakaba mo naman ako! Ano ba ang nangyayari sa'yo ha?"
Tanong ng tita ni Rebbi at marahan siyang napalingon dito sabay pagsapo ng kamay niya sa buhok niya.
"Sila mama at papa kasi..."
"Same dream ba?"
"Oo tita, iyon nanaman...iyong babaeng 'yon, nakita ko nanaman siya sa panaginip ko e!"
"E may naalala ka na ba sa aksidente nila?"
Sa tanong ng tita ni Rebbi ay marahan na umiling naman siya upang sabihing hindi.
"Ewan ko ba Ta, lahat na ginagawa ko, ultimong pagkain ng mga prutas na nagpapatibay ng memory pati mga gamot na nagpapatalas ng memory pero wala talaga!"
"Unless sa hospital ka or specialist magpapatulong sa recovery ng memory mo"
"Iyon nga ang pinag-iipunan ko Ta, pero ang mahal kasi...hays!"
"Sandali, kausapin ko kaya si ate Maida, baka naman pwede niya tayo mapahiram or baka may bagong raket!"
"E' tita, alam mo naman na may pinaglalaanan si tita Maida hindi ba..."
"Hmm oo naman, wala pa nga siya sa kalahati yata, naawa na rin ako riyan kay ate, ayaw niya talagang sukuan na makuha si Bubbles...ayaw rin patalo nitong hayop na lalaking yon! Anak din naman ni ate si Bubbles e!"
"E tita, ano ba talaga kasi ang nangyari? Kung tutuusin dapat si Bubbles e nasa poder pa natin kasi tatlong taon pa lang siya e"
Tanong ni Rebbi na nagpabuntong hininga bigla sa kaniyang tita bago magsimulang magsalita.
"Natalo kasi si ate sa korte, nang malaman ng korte ang side job natin, alam mo naman kung gaano ka-hustler si ate e, ang nakakainis alam naman iyon noon pa ng lalaking yon, sana man lang hindi na niya dinamay pa 'yon, kung tutuusin hindi naman ganoon ka-related ang gawain natin at ni ate sa pagiging nanay niya pero pinasama ng attorney ng lalaking yon kaya ayon, natalo tayo...napunta kay Barron ang custody ni Bubbles, at kailangan ni ate ng show money for re-considiration for custody"
"Hmmm nakakaawa naman si tita Maida...kung mayaman lang ako or may pera e hindi ako magdadalawang isip na tulungan si tita..."
"Ako rin naman pero alam mo, sarili mo na muna ang dapat na isipin mo, importante ang maalala mo ang nangyari, kailangan natin ng proof nang kung ano ba talaga ang nangyari sa kanila, baka kasi may dapat ka pang malaman"
"Kaya nga Ta, lalo at hindi nahihinto ang panaginip ko...pati ako nagtataka na e..."
"Ah basta! Pipilitin natin kumita...lalo at may mga goal tayo! O' siya, bumangon ka na, tulungan mo akong magluto nang agahan"
"Okay Ta, maghihilamos lang ako tapos lalabas na rin ako"
"Okay sige, hintayin na lang kita sa labas"
Sagot naman ng tita niya at agad na itong lumabas ng kwarto niya. Nang maiwan si Rebbi ay naalala niya nanaman ang babaeng nagpapakita rin sa panaginip niya.
"Sino nga ba ang babaeng yon? Ano kaya ang kinalaman niya sa nangyari kanila mama at papa"
Sambit ni Rebbi sa kaniyang sarili habang papasok na sa banyo para maghilamos. Maya-maya lang ay tumulong na siya sa kaniyang tita upang magluto ng agahan nang magising na rin ang kaniyang tita Maida.
BINABASA MO ANG
Dark Empresse's Maid
RomanceDARK EMPRESS MAID Si Rebbi ang bente tres anyos na maganda naman ang mukha at katawan ngunit lumaki sa mga tita niyang reyna nang pangagantso at pang-iiscam ng ibang tao. Ngayon ay halos habulin na nang kung sino-sinong loan shark dahil sa tindi ng...