CHAPTER 15

410 13 3
                                    


"Uugghh! Ang sakit yata ng tiyan ko na ewan! Tama ba kasing mag-almusal ng crispy pata, lechon kawali at menudo!? Tsk! Ano bang saltik meron ang babaeng yon!"

Inis na sambit ni Rebbi habang nakatayo sa labas at nagpapababa ng kinain.

Maya-maya ay biglang lumapit si Rina kay Rebbi upang tanungin ito.

"Sabihin mo nga, ano ba ang ginawa mo para paghandaan ka ng ganun ka-weird ni Lady Ereen?"

"Ha? Wala ah! Malay ko ba sa kaniya noh! Nagulat nga rin ako kasi biglang niyaya akong mag-almusal e!"

"Windang naman kasi ang mga hinanda para sayo e! Pang handaan kaya akala ko birthday mo!"

"Hmmm ewan ko ba riyan kay Lady Ereen! Parang walang alam sa mga bagay-bagay!"

Sambit ni Rebbi na nagpatitig sa kaniya kay Rina.

"Hindi kaya type ka niya?"

Taas kilay in cross arms na tanong ni Rina na nagpalaki naman nang mata ni Rebbi.

"Pinagsasasabi mo!? Babae ako at babae siya! Mas nakakalokq yang mindset mo ah!"

"But she seems to want to pleased you alam mo ba yon?"

"Huwag ka ngang mag-english! Para kang si Lady Ereen diyos ko!"

Sagot ni Rebbi kay Rina na natawa naman.

"Well like I said kung hindi ako nagkautang na loob sa kaniya kung tutuusin pantay lang kami ng status ng buhay noh!"

"Pero ako lang naman ang kausap mo kaya huwag ka na mag-english!"

"Fine! Pero hindi nga, sa tingin mo, baka type ka niya—"

"—alam mo ikaw ang sama ng isip mo!"

"Wow! Masamang pag-iisio na ba kung magkagusto ang babae sa babae!? Ang stereotype mo ah!"

"Hindi sa ganon! Ang labo lang na pag-isipan mo ng hindi maganda ang kilos na yon ni Lady Ereen, pwede naman ibang rason e bakit ganoon pa? E ikaw ba, nagkakagusto ka ba sa babae ha!?"

Biglang tanong ni Rebbi na nagpahinto ng bahagya kay Rina at napayuko lang ito ng ulo sabay umupo sa baitang ng hagdan ng entrance door ng mansion.

"I am...may girlfriend nga ako pero...baka kinalimutan niya na ako..."

Malungkot na sagot ni Rina kay Rebbi na halos hindi makapaniwala sa narinig niya.

Hindi niya alam kung anong gagawin lalo at nakikita niya ang lungkot sa mukha ng kaibigan.

Minabuti na lang na umupo ni Rebbi sa tabi nito sabay haplos sa likod nito.

"Alam mo, kahit hindi pa ako nagkakajowa e alam ko naman ang salitang pagmamahal...sabi ni tita yan ang pinakamatatag at malakas ng salita sa buong mundo, mahal mo siya at sigurado akong mahal ka non kaya hindi yun basta-bastang lilimot sayo"

Marahang sambit ni Rebbi.

"Hmmm halos ilang taon na akong hindi nagpapakita sa kaniya...sana nga totoo ang sinasabi mo"

"Oo naman! Ako pa ba! Sabi nga ng tita ko e may power daw ang salita ko! Kasi ano man ang sabihin ko at paniniwala ko...usually nagkakatotoo..."

Pagmamalaki ni Rebbi at magsasalita pa sana si Rina nang magsalita si manong Leo sa likod nila.

"Rebbi iha, kailangan mo nang mag-asikaso dahil pinatatawag ka ni Lady Ereen"

"Opo manong! Ito po magbibihis na po ako"

Sagot agad ni Rebbi sabay tumayo at nagtuloy na sa maid's quarters.

Naiwan naman si Rina at manong Leo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dark Empresse's MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon