CHAPTER 11

100 3 0
                                    


Halos naghahanol ng hininga si Rebbi nang makaalis mula sa crowd sa loob ng hall kung nasaan ang event.

Agad siyang pumasok sa loob ng banyo at doon ay sumandal upang makahinga.

"Pucha ano yon!? Anong pinagsasasabi ng mga yon? Pati ang amo kong ewan! Lady ano raw? Shit! Para yata akong nakapasok sa samahan ng mga kulto e!"

Bulalas ni Rebbi na halos hindi makapaniwala sa mga nangyari.

"Kailangan matawagan ko si tiyo Greg! Kailangan malaman niya ang mga to!"

Agad nilabas ni Rebbi ang cellphone niya mula sa maliit niyang bag na nakatago sa ilalim ng palda niya.

Dinial niya agad ang number ng tiyo na agad naman nitong sinagot.

"Rebbi?"

"Tiyong!"

"Rebbi! Mabuti at nakatawag ka!"

"Oo tiyo! Diyos ko! Hindi ka maniniwala sa nangyayari sa akin dito kasama tong mga tao rito! Lalo ang amo kong babae!"

"Ha? Bakit? Ano ba ang nanyayari sayo riyan?"

"Naku tiyong mahabang kwento po pero ang nakakaloka ay kung nasaan ako ngayon!"

"Bakit nasaan ka ba?"

"Hindi ko alam saang eksaktong lugar to pero sinama ako ng amo ko rito sa party ng mga kalahi niya or kamag-anak niya yata! Ang malala pa e bigla akong pinakilala sa lahat bilang kung sino! Diyos tiyong! Ayoko na rito! Parang nakakatakot na talaga kasama sila!"

"Sandali kumalma ka nga! Hayaan mo bukas e susubukan kong dalawin ka—"

"—huwag na! Baka mapahamak pa kayo! Ako na lang ang lalabas! Ang usapan lang naman e basta makauwi bago mag-alas otso"

"O siya sige! Hihintayin kita bukas! Sumabay ka na lang muna sa daloy para hindi mapahamak!"

"Opo tiyong ganun na nga muna ang gagawin ko..."

Sambit ni Rebbi sabay pagbaba ng tawag, agad na kinalma niya ang sarili sabay umihi na rin at naghugas ng kamay.

Nang matapos ay bumuntong hininga na muna siya sabay bumalik sa loob ng hall, halos ngitian siya ng lahat hanggang sa mapad-pad ang mata niya kay Ereen na nakaupo ngayon kasama ang mga kamag-anak nito.

"We are happy that finally! You will get the chance to get your title and our bloodline as a royal blood will continue!"

"Sinabi ko naman sa inyo na hindi ako hininto hanggat hindi ko nakukuha ang korona ko! Ngayon na nahanap ko na ang reincarnation ni Lady Lamiya ay mas magiging madali na lang ang lahat"

"Ngunit kamahalan, mukhang hindi yata masaya ang babaeng iyon? Alam niya na ba ang magiging role niya?

Sa tanong ng isa sa mga kamag-anak ni Ereen ay natigilan siya ng bahagya bago sumagot.

"Alam kong nababasa niyo ang nasa isip niya, hindi niya pa alam ngunit alam kong matatanggap niya rin ang kapalaran niya"

"Hindi iyon basta-basta kamahalan"

"I know...but then again wala naman siyang magagawa pa...alam kong mas pipiliin niya ang kapalaran niya sa atin than seeing her family in misery"

"Ano po ang plano niyo?"

"Dont worry I am not going to do any stupidity again like before ay hayaan nanaman ang nangyari, hindi ko na mapapatawad pa ang sarili ko kung ang iilang kalahi ko pa ang mawala"

Paliwanag ni Ereen habang seryosong napatingin kay Rebbi na kakapasok lang ng hall.

"Diyos ko! Bakit kailangan naman na magsingitian silang lahat!? Ano ba ako artista?"

Dark Empresse's MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon