CHAPTER 10

147 5 0
                                    

"You okay?"

Tanong ni Ereen kay Rebbi na tila natutulala ngayon sa takot.

"S-Sino ang mga yon...?"

"It will be a long story so better come with me now at itigil mo na ang pag-alis mo!"

Seryosong sambit ni Ereen sabay tumayo lang habang nakaupo pa rin si Rebbi, tatayo na sana mag-isa si Rebbi nang akayin siya ni manong Leo samantalang si Ereen naman ay nauna nang umalis pabalik sa kotse nila.

Nakayuko lang na pumasok ng kotse si Rebbi at hindi ngayon niya matignan si Ereen sa hiya, alam niyang maling desisyon ang pag-alis niya kanina lalo at kamuntikan na siyang mapahamak.

"You know how dangerous this place is pero ikaw pa ang nagmagaling na umalis"

"S-Sorry...hindi ko lang kasi maintindahan bakit kailangan mo ako bastusin ng ganun kanina!!!"

Seryosong sambit ni Rebbi habang namumuo na ang luha sa mata na titig na titig kay Ereen na nag-iwas ng tingin.

"Fine! It is my fault! You dont need to cry"

Sambit ni Ereen na hindi inasahan ni Rebbi na aaminin nito ang mali niya, makikitang napangiti naman si manong Leo sa unahan habang nagda-drive.

Tahimik na lang ang dalawa hanggang makarating sa mahalagang lugar na patutungahan nila. Agad na pumarada ang kotse nila sa isang building na halatang pang mayaman lang.

Pinagbuksan ng kotse ni manong Leo si Ereen at ganoon naman din si Rebbi, walang lingon-lingon na nauna nang umalis si Ereen at kasunod naman sila manong Leo at Rebbi.

"N-Nasaan po ba tayo manong?"

"Narito tayo sa El-Vetro, itong building na ito ay ang main office ng maharlikang lahi ni lady Ereen"

"M-Maharlikang lahi? E' bakit naman ako sinama pa? Ano naman ang kinalaman ko rito?"

Tanong ni Rebbi na hindi naman agad nakasagot si manong Leo.

"Malalaman mo iha mamaya, ang bilin ko lang ay huwag kang lalayo kay Lady Ereen"

"O-Okay po..."

Sagot lang ni Rebbi kahit puno nang kalituhan na ngayon habang papasok na sa pintong pinasukan din ni Ereen. Nang makapasok ay halos malula si Rebbi dahil sa mga taong naroon na may magagandang damit at halata talagang mayayaman, si Ereen naman ay abala nang kausap ang iilang tao kaya naman umupo na lang sa gilid si Rebbi.

"Hindi ako maaring magtagal dito iha, maupo ka lamang dito at hintayin si Lady Ereen na tawagin ka"

"Po? Hala iiwan niyo ako?"

"Hindi ako maaring mag-stay dito iha, huwag kang mag-alala at hindi ka naman hahayaan ni lady Ereen"

"O-Okay po..."

Tanging sagot na lang ni Rebbi dahil alam niyang wala na rin siyang magagawa pa kung hindi ang sumunod. Maya-maya ay umalis na si manong Leo at naiwan na ngang nakaupo sa gilid  si Rebbi.

Ilang minuto ay biglang may nagsalita sa stage at iyon na ang hudyat ng pagsisimula ng kaganapan, paglingat ni Rebbi ay nakatingin na si Ereen sa kaniya mula sa malayo ganun din ang mga taong katabi nito hanggang sa magsimula nang maglakad papalapit si Ereen sa kaniya.

Hindi naman alam ni Rebbi kung ano ang reaction na ibibigay niya lalo at litong-lito siya kung ano ba talaga ang parte niya sa event.

Patay malisya na lang siya nang makalapit si Ereen.

"Lintik! Wala bang kahit ano riti para pantakip ng mukha? Wala bang bilao? Bat ba kasi nakakahiya itong paglapit niya!? Kainis!!!"

Bulong ni Rebbi sa kaniyang sarili hanggang makalapit na nang tuluyan si Ereen at nakatayo na ito sa harap niya.

Dark Empresse's MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon