CHAPTER 14

122 6 0
                                    


"P-Parang awa mo na..."

Sambit ni Rebbi habang nakasandal siya ngayon sa pader.

"I said I need your blood"

"Pero hindi pa ako handa...please..."

Pakikiusap ni Rebbi kay Ereen na ngayon isang malagkit na titig ang tinatapon kay Rebbi.

"And what about me? I need your blood right now..."

"Paano ba kasi ha? Paano bang kailangan mo ang dugo ko—"

Naputol ang pagsasalita ni Rebbi nang hatakin ni Ereen ang kamay niya at sa kaniyang pulso ay biglang sinipsip ni Ereen iyon.

Hindi alam ni Rebbi pero hindi naman siya nakakaramdam ng kagat o kahit anong hiwa sa pulso niya pero ramdam niya ang pagdaloy ng dugo niya sa braso niya na tila minamagnet ng labi ni Ereen ito.

Napapapikit si Rebbi habang tuloy pa rin si Ereen sa pagsipsip sa pulso niya hanggang sa huminto ito at binalingan siya.

"Next time I need you better not stop me or else ikaw mismo ang kakainin ko ng buo!"

Mataray na sambit ni Ereen na halos mahintakutan ni Rebbi na naiwan na lang na nakatulala habang nakasandal sa pader, agad na nanghina ang tuhod niya at napaupo sa lapag pero si Ereen naman ay naglakad nang palayo sa kaniya pabalik sa kwarto nito.

Napapahaplos si Rebbi sa kaniyang pulso at tinignang mabuti iyon, makikita ang pamumuo ng dugo sa kaniyang balat kung saan siya mismo sinipsip ni Ereen.

"Ano ba talaga itong napasok ko...bakit ba ako narito...hmmm sob*sob* hmmm...natatakot na ako..."

Luhaang sambit ni Rebbi habang napapayakap sa kaniyang tuhod at doon na muna umupo upang kalmahin ang sarili.

Papasok pa lamang si Ereen nang makita niya si manong Leo sa pinto nang kaniyang kwarto upang iabot ang towel sa kaniya upang ipamunas sa kaniyang mukha.

Papasok na sana si Ereen nang magsalita si manong Leo.

"Sa tingin ko ay kailangan niyo pong bigyan nang pagkakataon si Rebbi kamahalan"

"She already knew what she needs to do for me"

"Ngunit mas magiging mahirap po kung sa bawat pagsip-sip ninyo ay ganoon ang kaniyang nararamdaman, napupunuan siya nang takot"

"It is her problem not mine"

"Ngnunit paano sa araw ng inyong pagniniig, kailangan niyong mapapayag siya na bukal sa kaniyang puso"

Sambit ni manong Leo na hindi na sinagot ni Ereen at seryoso lang na pumasok sa kwarto niya, napapabuntong hininga na lang si manong Leo na naglakad na paalis sa pinto nang makasalubong niya si Rebbi na nakayuko lang at tila natutulala.

"Iha, ihahatid na kita sa iyong silid—"

"—huwag na po...kaya ko na..."

Pagpigil ni Rebbi sa matandang katiwala at agad na nilagpasan lang ito ngunit nakakadalawang hakbang pa lang ito ay agad na itong nahimatay na siyang pagbukas ni Ereen bigla ng pinto kaya naman nasalo niya agad ang nanghihinang si Rebbi.

"Rebbi! Wake up!"

Panggigising ni Ereen kay Rebbi na wala nang malay ngayon.

"Tila nanghina siya nang sobra kamahalan"

"Madali ka, buksan mo ang pinto nang kaniyang silid!"

"Opo!"

Sagot ni manong Leo sabay binuksan ang pinto ng kwarto ni Rebbi habang buhat ito ni Ereen, nang makapasok ay agad na inihiga siya nito sa kama niya sabay kasunod na kinumutan ni manong Leo.

Dark Empresse's MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon