01: Invitation
"Happy birthday anak." Nagising ako dahil sa pagkanta ni mommy. I looked at my desk calendar and yeah it's already January 16, but it's not my birthday yet.
"Happy birthday to you!" Napaupo ako at inayos ang buhok ko. She bought a cake already! I closed my eyes, made a wish and blew the candle.
"Thank you ma," sabi ko.
"I love you anak. Happy 18th birthday anak."
"Ma it's not my birthday yet." Nakangiti kong sabi.
"Advance happy birthday. I'm just so excited anak. Dalaga ka na!" Nakangiting sabi ni mommy and I know she's more excited than me. I let her take care of everything kahit ayoko ng bonggang celebration.
She never had a debut party before that's why she planned to throw one for me and I really appreciate it.
"Don't forget to invite your friends," sabi ni mommy.
"Mom, matagal na. Last week pa," sabi ko. Michael is my escort. Ayoko ng iba. Komportable rin sa kanya si mommy.
But it will make my day better if she could come. Pero sino ba ako? She doesn't know me. Even my name. Nasilip ko lang naman ang ID niya nong sabay kaming pumila sa library counter to borrow books.
That's why I know her name. Kyra Shane Sanchez.
"May gusto ka pa bang idagdag?" tanong ni mommy at umiling agad ako bilang sagot.
"Ma, mommy... ayos na po lahat. Maraming salamat po. Though I hope dad could come."
"Alam mo naman na sobrang busy non."
"Busy sa babae niya."
"Anak..."
"Alright mom, babangon na po ako. I have to get ready for school."
Second semester here I come.
Nagkita lang kami ni Michael sa canteen. Kasama na rin niya ang mga kaibigan niya na naging kaibigan ko na rin. Hindi kami masiyadong nakagala after the christmas party.
"Kumusta? How's the Christmas break?" tanong ni Michael kakaupo ko lang.
"Oy birthday mo na pala bukas," sabi ni Andrew. Sa aming anim kami lang no Abbie ang babae. Mahirap nga silang kasama dahil ang ingay.
"Okay lang, kayo?" sagot ko kay Michael.
"Oy hindi mo ako pinapansin parang wala ako sa rehearsal. Ito lang naman si Drake ang wala." Napalingon ako kay Andrew at natawa ng mahina.
Right nagkita pala kami last week for my 18 roses. Hindi naman na kailangan but mom want everything to be organized and perfect. I also let her choose the song.
"Pero ako pa rin ang 9th rose mo ah," sabi ni Drew. Silang apat ay kasama sa 18 roses ko ang iba mga family related na namin.
Pero kung pwede lang maisayaw si Kyra eh.
I still have her invitation card with me. It also has her name.
Nahihiya na akong ibigay, una hindi niya ako kilala pangalawa nakakahiya ang ginawa ko. Hindi na sana ako sumali pa sa bring me game. I'm glad that my friends already forgot that night.
"Yung crush mo oh," sabi bigla ni Abbie at agad akong napalingon sa likuran. It's really Kyra.
Ako lang ba? o mas lalo lang talaga siyang gumanda ngayon.
"You're just admiring her beauty right?" Napalingon ako kay Michael at hindi ko siya nasagot.
"Natulala kami don ah. Bring me your crush, ang tapang mo!" sabi ni Luke habang tumatawa.
Napailing-iling lang ako sa kanila. What if I scared her? Paano rin kung napahiya ko siya? Hindi pa nga niya ako nakikilala ay alam kong nandidiri na siya sa akin.
She's a girl and I'm a girl. I know a lot of people will tell me about this.
"You know she's a girl right?" tanong ni Abbie.
"Ito naman si Abbie crush lang naman."
"Hindi kami against ah."
Napalingon ako kay Luke at Andrew tapos umiling lang ako sa kanila parehas.
"Sino bang hindi magkakagusto sa kanya? she's really pretty," sabi ko. Tutal tinutukso na nila ako. What's the point of denying it? Kahit sa group chat namin si Kyra lang topic namin.
Marami rin palang nakakakilala sa kanya. Akala ko ako lang. Oo marami talaga siyang maaakit sa ganda niya pero...akin lang 'yon dapat.
"I just hope I can invite her to my party," sabi ko.
"Then invite her!" sigaw ni Luke
"Wag kang maingay," sabi ko.
"Gusto mo ako mag-invite? dahil marami akong kaibigan sa section C," sabi ni Andrew.
"Parating na siya," sabi ni Drake. Napatayo ako bigla. Huminga ako ng malalim. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Paano ko ba ibibigay 'to sa kanya.
Honestly her name only matters in my invitation list.
I tucked my hair behind my ear before appearing in front of her. Blocking her way.
Akala ko lang na naharangan ko siya pero agad siyang nakadaan sa gilid ko at nilampasan ako. Napahigpit ang hawak ko sa invitation card.
"Ouch," sabi ni Andrew pagkabalik ko sa upuan.
This is one of the reasons I'm attracted to her. She doesn't look at me at all.
-
fb/ig: lisnaej