11: Presence
“Ano ‘yon?” Napalingon ako kay Andrew. “Ang cold ah.”
“Anong ano ‘yon? at anong cold?” I asked back. Kakatapos ko lang ring mag-shower at magpalit ng uniform. Napagod ako sa PE ah.
“We saw what you did,” sabi ni Luke. “Kilig na kilig ka nong isang araw tapos ito na tinutulak na sayo umiiwas ka?”
“Natatakot ka kay Henry ‘no?” tanong ni Andrew.
“We're here,” sabi ni Drake.
“Her mom is homophobic,” sagot ko.
“Paano mo nasabi?” tanong ni Andrew. “Hindi porke't ayaw sayo ni Henry eh pati family niya.”
“She said it,” sagot ko.
“Oh..nagkakausap kayo?” tanong ni Abbie. After the shower we decided to stay at the student lounge while Michael is buying us a drink.
“Ayoko na rin ng problema,” sabi ko.
“Problema agad? eh wala ka pala eh. Ang hina mo,” sabi ni Drake sabay palo ng mahina sa braso ko.
“Sayang si Kyra eh, ako nalang kaya manligaw?” tanong ni Andrew at sinamaan ko naman agad siya ng tingin.
“She's my crush Andrew. Humanap ka ng sayo,” sagot ko.
“Eh sinusuko mo na eh, akin na lang,” sabi niya.
“Nang-iinis ka ba?” tanong ko at tumawa naman siya bigla.
“Just kidding,” sagot niya.
“Pero girl, mas maganda ka. Mas mabuti ‘yan, dapat tayo ang nililigawan hindi tayo ang manliligaw,” sabi ni Abbie.
“Nandito crush mo,” sabi ni Luke.
“Tumigil ka nga Luke,” sagot ko.
“Nandito nga!” sigaw naman ni Andrew. Kaya lumingon ako sa likuran at nakita si Kyra. What is she doing here?
“Puntahan mo na,” sabi ni Drake. Natatamad ako eh.
Tumayo ako at lumapit kay Kyra.
“Kung asan ako nandon ka rin,” sabi ko nang makalapit ako and I saw her awkwardly smile.
“Ah gumagawa kasi kami ng project eh,” sagot niya at napansin ko na naman ang kwintas na bigay ko.
“May kailangan ka ba?” I asked.
Why am I being so cold? I started this! Tapos ganito ginagawa ko? Wala namang kasalanan si Kyra.
“Ah I just wanted to say sorry,” sabi niya na ikinatigil ko.
“For what?”
“Kasi tinulak nila ako kanina palapit sayo,” sabi ko at napatingin naman ako sa mga kaibigan na na agad umiwas ng tingin sa amin.
Are they okay with me? or are they making fun of me?!
Ganito pala magkagusto sa kapwa babae. Nakakairita.
“Sorry, ang kulit nila,” sabi niya.
“Ah it's fine,” sagot ko.
“Hmm…saan ka kakain mamaya?” tanong niya habang ngumingiti.
She's cute but…I’m more focused on securing myself from her cousin and from her mom. Iniiwasan ko ring tuksuin araw-araw. I don't want to have bullies in my life.
“Sa canteen lang siguro,” sagot niya.
“Sabay tayo?” Nakangiti niyang tanong.
My heart still beats fast because I’m scared. I really like her but it's not enough reason for me to risk everything.
I waited for this day but I guess I’m not ready to have a girlfriend.
“Ah kasabay ko kasi mga kaibigan ko,” sagot ko.
“Ganon ba?”
Tumango lang ako bilang sagot. “Sige, balik na ako ha.” Aalis na sana ako nang hawakan niya kamay ko. “Bakit?”
“Galit ka ba? kagabi kasi hindi ka na nag-reply,” sagot niya.
I gently took back my hand and I saw her halted.
“Ah napagod lang.”
Naalala ko naman na girlfriend ko na pala siya. Hindi ko naman inaasahan na mabilis pala siyang sasagot..
“Ah si mommy pala baka imbitahan kayo, for dinner?”
“Ah sige.”
“May problema ba Alessia?”
I can't even look straight in her eyes.
“Wala,” sagot ko. Ang problema ko ay paano sabihin sa kanya na binabawi ko na? o sabihin ko nalang na joke lang ‘yon? dare lang ng mga kaibigan ko.
Dinamay ko pa sila.
“Ah…cause your presence is hurting me.”
I froze at what I heard and looked at her.
“Ah ano Kyra…pagod lang ako,” sagot ko.
Sabihin ko nalang kasi na ayoko na kasi naduduwag ako!
“Okay, balik na ako, you’ll chat me later right?”
“Oo,” sagot ko.
She smiled and went back to her friends.
Ako lang ang nahihiya sa sarili ko. Am I for real? Siguro baka hindi pala ako seryoso. Nagustuhan ko lang siya dahil alam ko namang hindi siya papatol.
“Oh? bakit parang nalugi ka? busted ba?” Tanong ni Andrew pagkabalik ko.
“Girl your way more beautiful. Hindi bagay,” sabi ni Abbie.
She's now my girlfriend…Well at least sa pagkakaalam niya. Pumikit ako ng mariin.
Ano ba gagawin ko?
–