36

567 7 2
                                    

36: Okay

“Thank you ma’am for letting me visit, I’m a big fan of your product.” Kyra said. Hinihintay ko lang talaga na matapos kaming kumain sa resto na ‘to para makausap siya. I just want to say sorry, I know it may not be enough pero at least kahit papaano mabawasan ‘tong dinadala ko.

“Sure, iha anytime, para naman kayong hindi naging best friend ng anak ko,” sagot ni mommy.

Funny. Best friend.

Natigilan ako nang magkasalubong ang mga mata namin. Iiwas na sana ako ng tingin nang ngumiti siya.

“So iha? Did you really pursue architecture?”

“Yes po tita.”

Napangiti naman ako nang marinig ko ‘yon. It was her dream. Sabi nga niya after college she’ll build her dream house.

“Ikaw Alessia?”

Natulala ako sandali nang banggitin niya ang pangalan ko.

“Ah I’m studying medical biology,” sagot ko.

“Oh nice,” sagot niya.

“San ka nag-aaral?” tanong ni mommy. “Ay nakwento na pala ng mom mo, nasa Primston ka?”

“Yes po,” sagot ni Kyra.

Nang mapansin kong sila mommy nalang at mom niya ang nag-uusap ay agad kong tinawag si Kyra.

“Kyra.”

“Yes?”

“Can I talk to you after today’s lunch? Are you busy? Kung pwede lang naman.”

“Ah…may susundo kasi sa akin eh at hindi niya magugustuhan kong makita o malaman niyang may kausap akong iba?”

Tumango ako bilang sagot. I guess she still don’t want to talk to me,

“Save your saliva from apologizing, kaya ka ba makikipagusap? Wag na, nakalimutan ko na ‘yon ilang taon na rin naman ang lumipas, besides mga bata pa tayo non,” sagot niya.

Natulala ako sandali sa sinabi niya.

“Kyra I’m sorry.”

Halos pabulong kong sabi dahil baka marinig kami nila mom, mabuti nalang malawak tong table na ‘to.

“Okay na ‘yon. Hindi na ako galit. I just hope you’ll be inquisitive to your girlfriend…or boyfriend.”

I regret what I did. Gusto ko lang talaga humingi ng tawad. She's a nice person, kind and smart. Her next girlfriend or boyfriend will be the luckiest.

“Ah mom, sorry, I have to meet my classmates pa for our research,” sabi niya bigla. Well maybe I can at least walk with her outside, papuntang sasakyan niya?

“Oh, hi di ba pwedeng mamaya na yan?” tanong ng mommy niya. Pero mukhang nagmamadali siya. Hindi nga siya makatingin sa mommy niya. She's more focused on her phone.

“Mommy I really have to go,” sabi niya at tumayo siya tapos hinalikan ang mom niya sa pisngi.

“Samahan mo na Alessia ihatid mo lang sa car niya,” sabi ni mommy. Agad naman akong tumayo. Ayokong umalis siya na hindi pa ako nakakahingi ng tawad.

“It's fine po, okay lang po. Sorry po talaga that I had to leave early,” sabi ni Kyra.

“No it's fine with me,” sagot ko.

Wala naman na siyang nagawa, sumunod ako sa likuran niya hanggang sa makalabas kami ng resto at makarating sa parking area.

“Kyra, I know you're in a rush but I really want to apologize, pwede bang malaman kung kailan ka pwedeng makausap?”

Falling into you (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon