10

994 31 2
                                    

10: Away

“Anak?” Napalingon kami parehas sa babaeng lumapit sa kanya. It’s Miss Sanchez! Mommy niya? Lumapit na rin sa akin si mommy. Napalunok ako at napahawak sa batok ko, nagkita na mga mommy namin.

“Mom! May mga napili na po ako,” sabi ni Kyra at tumingin siya sa akin. Hindi ko alam anong sasabihin ko tapos isa pa nandito na sila mommy.

“Siya na ba ang anak mo? Diba same school lang sila?” tanong ni mommy. Bakit parang kilala nila kami?

“Ah yes, hindi ba kayo nagkikita sa school?” tanong ni Miss Sanchez.

“Mommy siya po yung sinasabi niyong anak ng…” Hindi tinapos ni Kyra ang sasabihin niya at tumango agad sa kanya ang mommy niya.  We are both surprised.

“Nagkita na rin kayo nong maliit pa kayo,” sabi ni mommy sa akin.

What?!

“Pakiramdam ko ay na-keep ko pa ang litrato nila, ay sorry nga pala hindi kami nakadalo sa birthday mo,” sabi ni Miss Sanchez at nagkatinginan kami ni Kyra. She attended my debut party. Nandoon siya.

Most of my mom’s friends and the cosmetic team are there. Wala lang si Miss Sanchez?

“Ay pasensya ka na rin kung na-busy ako at hindi kami nakapunta sa birthday mo rin iha. Nakalimutan ko pang sabihin sa anak ko,” sabi ni mommy na ikinatulala ko.

Naubo ako sandali. Kyra invited me hindi nga lang ako nakapunta. Tapos inimbitahan pala si mommy?

“I still have the invitation,” sabi ni mommy. Bakit hindi niya sinabi? Eh di sana sabay kaming pumunta at nabawasan takot ko sa pinsan niya!

“Okay lang po,” sagot ni Kyra at nagkatingingan ulit kami. Parehas kaming gulat ngayon.

“Ay sige ma’am mauna na po muna kami, naghihintay ang daddy niya sa labas,” sabi ni Miss Sanchez.

“Kumain tayo sa labas sa susunod,” sabi ni mommy.

Tumingin ako kay Kyra and she just waved goodbye.
“Nagkikita ba kayo sa school? Kilala mo ba anak niya?” tanong ni mommy. “Ngayon ko lang kasi ulit nakita ang anak niya pero parang pamilyar nakalimutan ko lang saan ko nakita. Baka sa school niyo ‘no?”

Pamilyar sa kanya si mommy dahil nandon siya sa party ko. Nakita na siya ni mommy sa debut party ko. I’m also surprised that her mom is working for my mom. Is this destiny? Kung nagkakilala na rin kami ng maliit pa kami then… are we meant to be? Or just being delusional again.

“Mommy… I already choose a dress,” sabi ko at isang dress lang pinili ko dahil gusto ko ng umuwi kami.

Nang makauwi kami ni mommy ay agad akong dumiretcho sa kwarto ko at agad na tinignan ang phone ko.

Kyra:

OMG!

Marami siyang messages sa akin.

Kyra:

But my mom can’t know! She’s a homophobic!

Napapikit ako ng mariin. Ngayon hindi ko alam kung matutuwa ba sa akin si mommy! Huminga ako ng malalim. Ayaw rin sa akin ng pinsan niya kapag malaman ‘to ni Harry. Hindi ko na alam.

I was about to reply to her messages but then I chose to turn my phone off and lie down. Ngayon ko na tuluyang napagtanto na hindi ko papa kaya.

Hindi ko kayang magkagirlfriend.

Hindi ko siya kayang ligawan

Hindi ko siya kayang protektahan bilang girlfriend ko.

Maghahanap lang ako ng problema.

“I’m saying…yes!”

Nang pumikit ako ay nakita ko ang ngiti niya habang sinasabi ang mga salitang ‘yon. Napaupo ako at ginulo ang buhok ko.

Does this mean she likes me?

Pero paano? I thought she was disgusted by how her cousin said.





Kinabukasan ay pumasok ako ng University na pinipilit ang sarili na hindi siya isipin. Sinubukan ko rin siyang iwasan. Hindi na ako dumadaan kung saan makikita ko siya.

“Are you alright?” I looked at Michael and just nodded.

“It seems you're not,” sabi niya.

“Hayaan mo na,” sagot ko. Wala rin akong gana mag-share sa kanila.

“Nag-away ba kayo ng mom mo?”

“Hindi, alam mo namang hindi kami nag-aaway.”

“Eh ano nga?”

“Wala lang.”

“Nakasimangot ka.”

“Pwede ba Michael?” Inis kong tanong sa kanya. Tigilan niya ako! Isa rin siya sa mga dahilan kung bakit naduduwag ako.

Pero wala naman akong dapat sisihin. Sobrang kampante ko hindi naisip ang ibang taong nakapaligid sa amin.

Alam ko namang mamahalin pa rin ako ni mommy pero hindi ko kasi alam kung matatanggap niya ako. She even wants Michael for me..

Kyra's mother and cousin are homophobic.

Pero sana hindi ko siya makita ngayon nandito kasi kami sa gym para sa PE class namin. Marami kasi kami dito sa loob dahil nag-iisa lang ang gym. Malawak naman kaya okay lang.

“Nandito crush mo!” sigaw ni Andrew bigla kaya sinamaan ko agad siya ng tingin.

Kaya tumahimik sila.

“Galit ka ba ngayon?” tanong ni Luke.

“Wala lang,” sagot ko.

“Galit eh!” sigaw ni Andrew.

“Girl day mo ba ngayon?” tanong naman ni Abbie.

“Pwede ba tigilan niyo muna nga ako?” tanong ko.

“Alessia!”

Natigilan ako sandali nang may sumisigaw ng pangalan ko sa kabilang section. Napalingon naman agad kami ni Michael sa kanila.

Sila Kyra.

They kept pushing Kyra.

“Ayiiie!” sigaw nila ng maitulak nila sa akin si Kyra. Mabuti nalang nabalanse ko agad ang katawan ko at nahawakan ko iya sa braso at sa bewang niya.

Humarap agad sa akin si Kyra at mas lalong lumakas ang mga tilian.

Anong nangyayari? bakit parang maraming sumisigaw? Inuumpisahan na ba nila akong tuksuin?

Are they going to bully me?

This is not good.

Ewan ba naduduwag ako.

I just smiled at her and walked away.


Falling into you (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon