12: Ouch
Bakit ko ba ginagawang kumplikado ang mga bagay? Nililito ko lang ang sarili ko. Habang nasa Human Anatomy class kami ay binasa ko mga messages niya.
New messages and I still don't have any replies.
Kyra:
Bakit ka pagod? may problema ba? Maybe I can help!
Huminga ako ng malalim at napasapo sa aking noo.
“Focus Alessia,” sabi ni Michael at tumango lang ako bilang sagot.
Alessia: Just tired.
I replied and turned off my phone. Siguro mararamdaman nalang niya na hindi na ako interesado?
“What's bothering you? that girl again?” I looked at Michael and shook my head.
“None of your business.” I answered.
Kyra:
You can share everything with me.
How I wish I could Kyra. Sana madali lang ang lahat. Tinapos ko lang ang class ko, sabay kaming lumabas ni Michael. Pero pagkalabas namin ay nakita namin pareho si Kyra.
Kumaway siya sa sakin.
Nagkatinginan kami ni Michael.
“You go ahead I’ll follow.” I said.
“Alright.” Umalis naman siya agad. Mabuti naman.
“Sana all!” Nagulat ako sandali dahil sa ingay nila Luke. Pinaalis ko naman agad sila. Kairita! Nilapitan ko agad si Kyra.
“Hi.”
“Hi!”
“Nandito ka na naman,” sabi ko. Napansin ko agad ang pagkawala ng ngiti niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko naman sinasadyang sabihin ‘yon. Kinakabahan lang talaga ako kapag nagkakasama kami.
“Busy ka ba bukas?” She asked and I can see that she's just forcing a smile.
“Medyo? bakit?”
“Kasi kung hindi ka busy. I wanna watch a movie with you, meron kasing bagong movie ngayon hindi ko kasi alam kung nakikita mo sa SoCiant. It's a rom-com!”
She seems excited.
“Amm…I’m not really a fan of rom-coms,” sagot ko.
Matagal ko ng plano ‘to. I’m just imagining this before at ngayong nandito na sinasayang ko naman. Napalingon ako sa paligid at halos lahat napapatingin sa amin.
Ipinaglaban ko pa ‘to kay Michael pero ngayon natatakot ako.
Hindi ko kasi alam na ganito pala sa pakiramdam.
“How about horror? may isang horror din don!”
“Ah hindi ko rin gusto ang horror.”
“Hmm action? gusto mo?”
“Pagod kasi talaga ako Kyra. I’m sorry.”
I saw her smile slowly fade away. My heart is aching seeing the sadness in her eyes.
“Ah! haha oo ano ba, sorry…nakalimutan ko,” sabi niya habang pinipilit na tumawa. “Sa susunod nalang.”
“Bye. Uwi na ako,” sabi niya at nakatayo lang ako na parang isang tao na naging yelo sa kinatatayuan niya.
Napaangat ang ulo ko at napapikit ng mariin.
Hindi ko na masiyadong inisip at sinalubong si mommy sa gawas. Tahimik lang akong buong biyahe hanggang sa makarating kami ng condo.
“Ma, hindi po ako kakain ngayon,” sabi ko kay mama bago ako tuluyang pumasok ng kwarto. Hindi ko na ring hinayaan si mama na makapagsalita pa.
Ayoko kasing magtanong siya bakit hindi na naman maguhit ang mukha ko. I quickly locked the door as soon I got in.
I checked my sociant and saw her post. It’s a selfie of her. I slowly read her caption “You’re confusing me.”
Ako ba?
Huminga ako ng malalim at umupo sa gilid ng kama. Wala naman talaga akong gagawin bukas eh.
Kyra:
Don't forget your dinner!
Alessia:
Thanks.
Kyra:
Kumain ka na?
Alessia:
tapos na.
Kyra:
okay. wag kang magpuyat.
Alessia liked a message.
Bakit ko ba ‘to ginagawa? kung ayaw ko talaga dapat sabihin ko na sa kanya. Am I enjoying this? It's hurting me.
Kailangan ko na ‘tong tapusin.
I called her and to my surprise she quickly answered my call.
“Napatawag ka!”
“Ah yeah…Kyra I have something to tell you.”
“Hmm?”
Huminga ako ng malalim.
“Ar–aray!”
“Kyra?!”
Natigilan ako sandali nang bigla siyang sumigaw.
“So–sorry natapilok lang…ouch!”
“Are you okay? may kasama ka ba?”
“I’ll just call my mom… later nalang Alessia. I’ll call you back. ah! ouch..”
Magsasalita palang ako nang patayin niya agad ang tawag. Napasapo ang noo ko. Kung kanina ko nalang kasi tinapos.
Wala na siguro akong problema!
–