Chapter 27"STOP kissing, Mommy!"
Matalim ang tingin habang nakangusong sermon ni Calyx kay Callum na nakakuha na naman ng pagkakataong masolo siya sa isang tabi.
Umalis kasi sina, Aidan, Aleksei at Rio upang kunin ang mga instrumento na gagamitin ng mga ito para haranahin ang mga panauhin sa gabing iyon. Naibahagi kasi ni Cheska na ang apat ay miyembro ng isang one time band noong nasa senior high pa ang mga ito. Ayon kay Cheska ay sumali ang apat sa isang Christmas competition kung saan naging second place ang mga ito.
Nang marinig ng mga naroon ang sinabi ni Cheska ay nagrequest naman ang mga ito at walang nagawa ang apat kundi ang magpakitang gilas sa mga ito. Game na game naman si Aleksei na ipinagmamalaki pa kay Tanya na siya ang drummer ng banda.
"I'm gonna rock your world, Sexy." Sabi pa nito sabay kindat kay Tanya na irap lamang ang tanging naging pagsagot nito.
Kaya naman ngayon ay nagtungo ang mga ito sa bahay ni Aleksei kung saan naroon ang mga instrumentong ginamit ng mga ito noon.
Nagpaiwan naman si Callum at ang akala niya ay para lang samahan ang anak na naglalaro sa labas, ngunit nang makalabas ang truck ni Rio at sasakyan ni Aleksei ay pumasok ito at hinila siya sa ilalim ng puno. Hindi gaanong maliwanag roon kaya naman doon siya dinala nito.
Siya naman ay nagpatianod na lamang sapagkat ang kanyang puso ay nananabik sa halik nito. Nilunod nila ang isa't isa sa mga labing uhaw na uhaw. Ninanamnam ang mga sandaling iyon.
Ngunit hindi nagtagal ay nahanap sila ng kanilang anak dahil naghihimutok ito sa pag-iwan ni Callum.
"Mommy's lips are already swollen."
Tinakpan niya ang kanyang bibig upang pigilan ang pagkawala ng malakas na tawa sa kanyang bibig. Habang si Callum ay hindi alam kung paano sasagutin ang bata.
Wala na silang nagawa pa kundi ang dalhin ito sa loob ng bahay dahil wala na itong gana na makipaglaro sa mga kalaro. Sa sala ay naabutan nila sina Tanya, Cheska na nakikipagkwentuhan kay Liezel.
Bagama't hindi ito nakikisabay sa mga tawanan ng dalawa ay nabawasan naman kahit papaano ang pagkailang nito at nakikita naman niya na gusto nitong makipagkaibigan sa dalawa.
"Calyx, I thought you are helping me with Mom?" Dinig niyang bulong ni Callum sa bata. Medyo malayo ang dalawa sa kanya ngunit dinig niya ito. "I am trying to win her over."
Hindi niya napigilan na mapangiti sa tinuran nito. Hindi nito alam kung ano na ang nararamdaman niya para rito.
"You can't win her over by kissing her all the time." Pinag-krus nito ang kamay. Animo'y eksperto sa larangan ng pang-aakit. "Uncle River said that woman likes flowers and dates."
"Who is this Uncle River?" Kunot noong bumaling si Callum sa kanya. Nag-aakusa ang mga mata nito sa kanya.
"He is our neighbor in America." Sagot ng anak niya. "He has a wife and two children."
"I see." Animo'y nabunutan ng tinik sa dibdib si Callum. "I will date Mommy and buy her flowers.".
"No kissing allowed, Daddy." Saad nito saka nagtatampong tumungo sa kusina kung nasaan ang Lolo at Lola nito.
Napamaang na bumaling si Callum sa kanya at dinig niya ang mahinang hagikhik nina Tanya at Cheska.
"Goodness, Callum. May point naman si Calyx. Bakit mo naman kasi baliktad ka manuyo?" Natatawang tanong ni Cheska saka bumaling sa kanya. "At ikaw naman, magpakipot ka ha."
Napapahiyang umupo siya sa tabi nito. Hindi na rin siya umimik pa dahil wala naman siyang maisasagot sa tinuran nito.
Kalahating oras pa ang lumipas nang dumating ang tatlo. Mula sa likuran ng sasakyan ni Rio ay naroon ang drum set, mga gitara at keyboard na isa isang binaba at inayos ng mga ito. Kasama ang sina Cheska, Tanya at Liezel ay umupo sila sa pinakaunahan upang masilayan ang performance ng mga ito.

YOU ARE READING
A Trace of You [COMPLETED]
Fiksi UmumAlam ni Eloisa na hindi matutuhugunan ang kanyang lihim na pagmamahal sa kanyang kaibigan. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon ay ginamit niya iyon upang makasama ito kahit isang gabi lamang. Paglipas ng siyam na taon ay muling babalik sa...