Chapter 6 : Axel Iann

5 1 1
                                    


Kanina pa ako naghihintay dito sa study shed, sabi kasi ni Rye na hintayin ko siya dito kasi may pupuntahan lang siya pero anong oras na oh 5:30 na. Naisipan kong hanapin siya sa school pero ni anino niya wala, kaya naman pumunta ako sa guard para magtanong

"Sir pwede po ba mag tanong, nakita nyo po bang lumabas tong lalaki na toh?" Pinakita ko sakanya yung picture para makita niya kung sino tinutukoy ko

"Ay oo miss tumatakbo pa nga siya ehh , nagmamadali po ata "

"Ahh ganun ba anong oras nyo po napansin?" Pagkukumperma ko

"Ay kanina pa , mga siguro 5:15 ganun"

Ten minutes na pala akong naghihintay dito , pero bakit di man lang siya tumawag o nagchat kung may emergency pala siya

Naglalakad na ako pauwi pero may nakita akong familiar na tao , si rye ba yon?? Sino kasama niya? Nakangiti ito kausap ang isang babae na di ko pa nakita , asa tapat sila ng cafe at may hawak silang pagkain

"Tsk may date pala akala ko pa naman emergency "

Umuwi na lang ako pero sinigurado ko na hindi ako makikita ,

sino kaya yun ? hindi ba naalala ni rye yung sinabi ko sakanya tsk expired na yung treat ko sakanya bahala siya dyan

~~~

Gumagawa ako ng assignment nanaman pero syempre mamaya na yan , Facebook muna ako...
Nakita kong may story si Rye which is minsan niya lang gawin, kasama niya yung babae kanina with caption pa ng "looks who's joking ^⁠_⁠^"

"Sana hindi ko siya makausap bukas, tsk nakakainis "

Hindi naman sa pagiging demanding pero kasi naghintay ako tas umalis na pala tapos makikita kong ganun ,kasama ang isang babae
Wait what? Am I jealous? Imposible!

Dahil sa nakita ko tinigil ko na lang ang pag scroll sa fb, ginawa ko na lang yung assignment ko

*Tingg*

*Tingg*

*Tingg*

Ano bayan?! sino ba nagchachat Nagchat si Rye sakin

Rye:
   Tine sorry

   Nagtext kaibigan ko sakin na
    gusto magpatulong

   Nakalimutan ko magchat sayo
   sorry tine

Me:
Okay lang di naman big deal

Rye:
    Sorry talaga bawi ako bukas promise

Me:
Wag na di naman kailangan

Bye na tah gumagawa ako ng
assignment

Nag message ulit siya pero di ko na tinignan feel ko kasi wala ako sa mood para kausapin siya. Dahil tapos ko naman na yung assignment, natulog na lang ako

~~~

Unfortunately, sa buhay ko ang malas ko talaga paano ba naman kasi may lagnat ako , ewan ko kung saan naman galing toh pero ang sakit ng  ulo ko tsaka yung lalamunan ko parang may nakabara

"Ano Sha Sha? Wag kana pumasok , may lagnat ka tapos papasok ka paano kung may nangyari sayo sa school?"

"Ma mag gagamot po ako, t-tsaka may quiz kasi kami ngayon eh mahirap naman po kung di ako makaattend"

TORN BETWEEN LOVE : the story of two wounded hearts Where stories live. Discover now