Chapter 11: Cake

3 1 0
                                    


Papunta na ako sa bahay ni Rye, hindi ko alam kung maayos ba o maganda itong suot ko, ito lang kasi yung pinakamaayos na dress ko at hindi ko pa nasusuot. Nakita ko na si Rye sa tapat ng bahay nila , nakabukas ang gate at doon sa siya naghihintay, kinawayan niya ako nang makita niya ako.

"Hi Tine!! buti na lang at pumunta ka hehehe"

"Syempre birthday mo eh"

"Thanks tine.. Pasok na tayo, andoon na sila Nath "

"Sige"

Pumasok na kami sa bahay nila at masasabi kong napakalaki ng bahay nila, may napakalaking pathway na nakapalibot sa isang statue at yung pathway nayun ay papunta rin sa main door ng mala mansion na bahay. Nang nakapasok na kami sa bahay nila I mean mansion , may napakalaking hall at nandoon ang mga bisita at kamag anak ni Rye.

"Sheyt Rye okay lang ba tong suot ko, puro mamahalin ang mga suot ng mga bisita nyo"

"Maganda ka Tine, bagay na bagay sayo yang suot mo" namumula ito habang sinasabi nya ito

"Bakit ka namumula ha?? May sakit kaba? May lagnat?"

"Wala tine , you're so clueless "  bulong ni Rye

"Okay sabi mo ehh pero thank you pala sa pagimbita Rye"

"Ikaw naman talaga gusto ko pumunta sa birthday ko Tine"

"Sus syempre kaibigan mo ko "

"You're right" pagsasangayon nito

"kaibigan lang pala hahaha" 

May sinabi pa ito pero hindi ko na narinig marami na kasing tao at maingay ang paligid. Umupo na ako sa table nila Nath at nang makita kami ay may sumalubong na nakakalokong ngiti

"Yieeee nandito si Tine" pangaasar ni Nath kay Rye

"Tumigil ka , ayaw ko makasakit sa birthday ko "

"Joke lang naman ehh ito naman si birthday boy HAHAHHAHAHA"

"GOOD AFTERNOON LADIES AND GENTLEMAN let's all welcome our birthday boy, MAVERYEI VON R. AJERO!" Paga-announce ng mc

*CLAP CLAP!!! CLAP CLAP!!!"

Nagsimula na ang program at pinakilala rin ang mga pamilya ni Rye...

"Lets also welcome the Ajero Siblings!"

*clap! clap! clap!*

"Eldest among the siblings, Miss Maryianna Vian R. Ajero "

Hala si Ate Vian? Kapatid ni Rye? Kaya pala magkahawig sila

"And the first son, Mr. Marvin Viel R. Ajero"

*clap! clap! clap!*

Ehhh??? Yung lalaki na bumusina nung asa tapat ako ng gate?? Kapatid niya?? SI MR SUNGIT!

"Of course our birthday boy, the youngest"

Posture at pananamit  palang nila ay makikita mo na isa silang mayaman na pamilya , yung bibigyan ka ng 1 million para layuan mo lang anak nila

"Hii guys" bati ng isang babae

"Sheyt!"  bulong ni Nath

Ang pagkakaalam ko siya yung kaibigan ni Rye na babae

TORN BETWEEN LOVE : the story of two wounded hearts Where stories live. Discover now