Chapter 12 : Ama

3 1 0
                                    


After that day, hindi ko na makalimutan yung babaeng nagtapon ng cake na ginawa ko, mukha kasi siyang may pagtingin kay Rye at dahil close kami ni Rye ay baka nainggit ito. Nandito ako sa school kahit wala namang gagawin dahil sa program ngayon

"Alam mo ba... may chismis akong nasagap Tine?" sabi ni Anne na kanina pa umiinom ng coke

"Ano nanamang chismis yan ha?"

"Meron daw babae na obsessed kay Rye to the point na sinusundan nya si Rye kahit saan sya pumunta nung birthday nya"

"Talaga?"

"Oo at ito pa, may tinapon daw itong cake sa basurahan tas tumatawa pa ito"

Nagulat ako sa sinabi niya dahil akala ko kami lang nila Yza ang nakakaalam nun

"Saan mo naman nalaman Yan?"

"baliw , may nakakita na tinapon nung babae yung cake at ang malala pa kaibigan daw ni Yza yung nakakita, for sure alam na ni Yza kung sino yung salarin"

Hinanap ko kung saan ang section ni Yza, gusto ko talagang malaman kung sino yun. Nalaman kong sa 10- Daisy ang classroom nya. Napansin kong andito si Nath sa tapat ng room nila at parang may tinitingnan

"Nath?"

"Luh shit!" nagulat ito nang bigla akong sumulpot sa harap nya

"Anong ginagawa mo dito? May kilala kaba dito Nath?"

"W-wala ahem! I mean nandito ako kasi sinamahan ko si Rye, kakausapin ata si Yza"

Hindi ako nag atubiling pumasok sa loob ng classroom nila at lumapit sa kanila ni Rye at Yza

"Oh? Tine!" pagbati sakin ni Yza

"Hi Yza!"

"Anong ginagawa mo dito tine?" walang ganang tanong ni Rye

"Rye! Kung bad mood ka huwag mo naman idamay si Tine" sabi ni Yza na halatang may galit sa boses niya

"Tsk aalis na muna ako sabihin mo na lang sakin mamaya"

umalis ito na para bang isa akong kaluluwa na hindi man lang pinansin

"Pagpasensyahan mo na yun tine, nalaman niya kasi na may witness doon sa nagtapon ng cake na ginawa mo kaya ayon medyo nainis na tsaka alam mo ba, mukhang gusto niyang bawian yung nagtapon ng cake na ginawa mo para sakanya"

"Luh..Sino ba kasi yung nagtapon Yza?"

"Actually hindi pumasok ngayon yung bestfriend ko kaya hindi ko rin matanong kung sino yung tanong yun"

"Pwedeng... Sabihin mo na rin sakin kung sino?please Yza hindi ko siya aawayin , gusto ko lang malaman talaga kung sino"

"Don't worry sasabihin ko naman sayo kung sino, Ikaw ang mas may karapatan na malaman yun"

"Sige thank you Yza, mauna na muna ako baka may klase na kami" pagpapaalam ko sakanya

"Sige take care!"

~~~

Napansin kong badtrip talaga si Rye, buong araw siyang hindi makausap na hanggang sa pag-uwi ay hindi ko na nakita. Umuwi na lang ako sa bahay namin at may nakita akong apat na tulip sa gate namin, may nakasulat dito na "smile ka naman diyan, buong araw kitang hindi nakitang nakangiti, cheer up!"

TORN BETWEEN LOVE : the story of two wounded hearts Where stories live. Discover now