Chapter 13: May I...court you?

8 1 0
                                    


Kanina ko pa tinititigan ang kwintas na binigay sakin or should I say pinahiram? Pinagkukumpara ko kung may pagkakaiba ba ang kwintas ko sa kwintas niya kaso wala akong mahanap na iba. May narinig akong katok sa pinto kaya naman binuksan ko ito, bumungad sakin sila mama at yung lalaki

"Anak..."

"May niluto po akong dinner , kain na po kayo"

"Anak mag-usap mag-usap tayo "

"Sige po ma kain na kayo at gagawin ko na po mga assignments ko"

Magmukha man akong masama pero may part sa akin na nagagalit ako kay mama pero mas pipiliin ko na maging masaya siya kesa masaktan siya. Pumunta na ako sa room ko para humiga , wala naman kasi akong assignment ginawa ko lang iyon na dahilan.

~~~

Sa bahay namin natulog yung lalaki-I mean si Tito Steven, kaya naman nang maaga akong nagising ay umalis na agad ako para hindi mag breakfast doon, feel ko hindi pa ako ready para harapin sila... Nandito ako sa convenience store para kumain , hindi ko inaasahan na andito si Rye

"Uhmm hi Rye?" Tinapik ko ang kanyang balikat

"Oh hi Tine... Bakit andito ka?"

"Ahh wala, dito lang ako kakain ng breakfast, Ikaw ba?"

"Dito rin ako kakain btw tine.."

"Hmm?"

"Sorry nga pala kahapon yung napagsalitaan kita ng ganun"

"Okay lang Rye"

"Hindi okay yun Tine, kapag kasi badtrip ako di ko na macontrol yung tone of voice ko, pasensya na talaga"

"Nagulat lang talaga ako sa inasta mo kahapon Rye pero naiintindihan ko naman pero sana uhmm hindi na maulit hehehe"

"Yes ma'am!" Parehas na lang kaming natawa

Nag usap kami tungkol doon sa babae na nagtapon ng cake , pero hinayaan ko na lang iyon

"Tine...maaga pa naman gusto mo bang pumunta sa dagat? Sunrise na kasi oh..." Nahihiya nitong sabi

"Sige ba"

Pumunta kami sa dagat para magpahangin at panoorin ang sunrise... napansin kong parang balisa si Rye, mukhang may gustong sabihin pero hindi naman niya magawa

"Rye? May gusto kabang sabihin? Mukha ka kasing naguguluhan na ewan eh"

"A-ah? ah wala wala" utal utal nitong sabi

"Sabihin mo na Rye, parang others naman toh"

"Wala talaga Tine hehehe "

Pinagmamasdan ko ang sunrise pero kahit ako ay hindi mapakali dahil kanina pa balak akong kalabitin ni Rye pero hindi niya tinutuloy

"Ano ba talaga Rye, parang Ikaw yong tipo ng taong nahihiya sa crush niya kasi katabi nya  HHAHAHAHAH " pang-aasar ko sakanya

"Tama ka naman" sagot nito

"H-huh? Rye?"

"I like you Tine... I really like you" seryoso nitong sabi

"H-huh? What do you mean Rye haha, pinagloloko mo ba ako HAHHAHA"

"I'm not kidding Tine, kung tutuusin hindi lang gusto mukhang mas nahuhulog pa ako sayo, matagal ko nang sinabi sa sarili ko kung totoo bang may pagtingin ako sayo pero wala eh  talagang inlove na inlove ako sayo..."

TORN BETWEEN LOVE : the story of two wounded hearts Where stories live. Discover now