Chapter 7: Dear Sha Sha

4 1 1
                                    


Isang linggo na lang at Christmas party nanamin, actually balak ko sanang hindi pamasok kaso wala eh sinabi ni mama na sumama dapat ako kasi minsan lang naman mangyari yun. Walang masyadong special sa Xmas party namin kasi hindi pupunta si adviser namin...

"Guys anong gusto nyong gawin sa Christmas party, tayo-tayo lang naman tsaka wala daw si ma'am " sabi ni Adam , president namin

"Ambagan na lang tayo sa food tsaka magpalaro kahit mga 5 lang" pagsasuggest ni Jhineer , vice president namin

"Wait lang guys..Hindi ba boring yun kung ganon... Kung wala si ma'am"

"Oo rin naman" sabi ng mga kaklase namin

"Kungggg pasayawin natin sila Rye and Tine BWHAHHAHAHHAHAHHA" pang-aasar ni Nathan

"TAMA TAMA ! Ang galing mo Nathan!"

Hanodaw?? Sinong sasayaw ? Ako? Ako?? Tas si Rye!?

Tumingin ako kay Rye na kasalukayang nakangiti , napatingin rin ito sakin at nagsmirk pa ang loko

"Guyss wait" sabi ni Anne kaya naman tumigil muna sila, mabuti na lang may kakampi na ako

"Nathan..." nakangiti ito nang nakakaloko

"Ang galing mo! I like that idea!!"

Huhhh? Anne kala ko ba kakampi kita???

"Stop na guys... Mukhang hindi naman favor si Tine sa idea nyo baka ma-awkward lang siya " biglang sabi ni Rhian

actually siya lang yung babae dito na halos hindi makipagusap sa lahat

"Tsk for fun lang naman, ang KJ ni Rhian"

Narinig ko yun pero wala rin akong nagawa Kasi tinarayan na sila ni Rhian.

~~~

Wala na kaming masyadong ginagawa puro pag di-decorate lang ng room namin, bukas na rin kasi ang Christmas party.

~~~

Malapit na ako sa bahay nang may nakita akong van sa tapat kaya naman tumakbo na ako baka kasi ano pang mangyari

"Ma nakauwi napo ako! Bakit po may van sa labas-" nakita ko si mama kausap ang isang lalaki

"Crisalyn mauna na ako nandito na ang anak mo" pagpapa alam nung lalaki kay mama

"Oh apo malaki kana, mag-aral ka nang mabuti ahh"

Apo? Ako?

"Sige Dad mag-ingat po kayo"

"Kung hindi mo lang sana naging asawa si Siya maganda sana ang buhay nyo ngayon.."

Umalis na ito habang ako naman ay nakatayo parin , hindi ko nga nabati yung matanda na Lolo ko pala

"Ma Lolo ko po ba talaga yun?"

"Ahh oo anak, Lolo mo siya at dumalaw siya dito para bisitahin tayo"

"Eh bakit po umalis agad nung nakauwi na ako pwede namang mag stay muna siya"

"Anak, ngayon lang siya nagpakita ulit... Umalis ako sa kanila nung naging kami ng papa mo "

Habang sinasabi niya yun halatang maraming emosyon ang makikita mo sa mga mata ni mama

"Anong ibig nyo pong sabihin, na hindi po sila pabor kay papa?" Pagkukumperma ko kasi akala ko na maayos ang pagsasama nila mama at papa

TORN BETWEEN LOVE : the story of two wounded hearts Where stories live. Discover now