Chapter 3

3 0 0
                                    

Mabuti na lang at pagbalik ko sa school ay hindi ko nakita ang grupo ni Scarlet.Buong tanghali ay tahimik ang pag-aaral ko hanggang sa natapos ito.Umuwi agad ako sa bahay at nagbihis at pagkatapos ay tinulungan ko su manang na maghanda ng hapunan.

"Nakita kita kanina iha"

"Hindi na naman po bago yun manang.Get used to it and besides I'm fine"

"Pero alam nating mali yun iha"

"Wala naman tayong magagawa manang"

"Sinubukan mo na bang magsumbong?"

"Opo pero wala namang nagbago manang atsaka isa ang mga magulang ni Scarlet ang major stockholder ng school kaya walang magawa ang dean.Hayaan nalang natin manang"

"Ikaw talagang bata ka.Osya ihanda mo na yung lamesa at ng makakain na sila"

"Nakauwi na po pala sila Jake at Calvin?"

"Ay oo iha kanina pa.Pakitawag nalang sila ha kapag handa na lahat"

"Okay po.Sila mommy po pala?"

"Ay nakalimutan kong sabihin,pumunta sila ng America.Isang linggo ata sila doon"

Hindi na ako nagsalita pagkatapos.Hinanda ko na ang mesa at matapos ang ilang minuto ay pinuntahan ko na uung dalawa sa kwarto nila para kumain

Kumatok muna ako bago buksan yung pinto.

"Jake kain na r--Jake,Calvin!Anong nangyari?"

Mabilis akong nakalapit sa kanila ni Calvin at pinagmasdan ang mga mukha nila.Marami kasing pasa.

"We've got into fight"

"Pwede ba umalis ka Scarlet,nakakabwisit tingnan yang mukha mo!"

Sasagot na sana ako pero syempre hindi pwede kaya yumuko nalang ako at umalis.

"Handa na pala yung hapunan.Baba nalang kayo pag okay na"

Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan sa sinabi ni Jake.Simula pa kasi nung dumating sila dito ay iba ang naramdaman ko ng makita ko siya.Para bang may nagtutulak sa akin na lapitan siya atsaka iba-ibang emosyon ang nararamdaman ko.Hindi ko alam kung may kinalaman ba siya dito pero minsan kasi pag nakikita ko siyang nagagalit,nagagalit din ako.Para bang may koneksyon kami.Ang gulo kasi.

Hindi ko nalang sila hinintay pa at nauna ng kumain.Pagkatapos kong hugasan ang pinagkainan ko ay umakyat na ako at natulog.

Nagising ako ng may yumugyog sa akin.

"Scarlet wake up!"

Pagdilat ko ay nakita ko agad ang nag-aalalang mukha ni Calvin.Pinakiramdaman ko ang sarili ko.Hinihingal at puno ng pawis at luha ang mukha ko at dun ko naalala ang nakakatakot na panaginip sa buhay ko.

"What happened?"

"Nightmare"

"Nagising ako ng sumigaw ka ng malakas,akala ko kung anong nangyari kaya pasensya na at nasira ko yung pinto mo"

Binaling ko ang atensyon ko sa pinto at yun sira nga.Nakalock kasi yun kanina.

"Salamat Calvin"

"Tara samahan kita sa kusina.Grab a drink"

Tumango na lang ako at tumayo.Unable to speak kasi nanginginig pa rin ako sa takot.Ano bang klaseng panaginip yun?May isang babaeng buntis daw at kambal daw yung anak niya.Tapos pagkaanak niya ay namatay daw yung isa sa mga bata tapos bigla nalang nagbago ang pangyayari,ipinakita dun yung pagkamatay ni mommy pero nasa harap daw namin yung pumatay at pagkatapos ay tiningnan niya ako at tumawa ng malakas at sinabing ako daw ang isusunod niya.

All PlannedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon