DALAWANG ALAALA

10 1 0
                                    

Ulo

Kanina pa hindi mabitawan ni Dennis ang foil.

Abala sa pagsinghot mula sa sinusunog na bato. Ako naman, abala ako sa paglalaro sa alagang ipis,

Ilang linggo kong itinago sa isang kaha. Pinakain, nilaro, pinagapang.

Hindi ko alam pero ibayong sigla ang pagtusok sa kumikiwal na katawan ang nararamdaman ko.

Naririnig ko ang pagkisay niya, ang pagsirit ng berdeng dugo. Tinusok ko ang ulo, naputol, pero nakita kong kumikisay parin. Ang galing. Muli kong tinusok. Sa bandang tiyan.

"Ang ipis, kahit putulin mo ang ulo, mabubuhay parin ng higit sa isang linggo" biglang niyang sabat. Tumaas ang dalawang kong kilay. "mamamatay ang lahat ng tao pero hindi ang mga ipis" dugtong nito.

Bumalik siya sa pagsinghot. Nakuntento. Bumalik ako sa pagtusok. Nasiyahan.

Kahapon nasa balita si Dennis, nakalutang sa may estero, wala nang ulo.



ANALOGAY

Magkikita kaming muli. Dito sa dati naming tagpuan.

Matagal ding hindi nakapagparamdaman, malungkot yung huling beses na nagkita kami.

Pero ngayon, muli, alam kong pareho na kaming handa. Magsimula.

Sabi niya sa text hindi niya kayang mawala ako sa buhay niya, maging kami ulit.

Pumayag ako, hindi ko rin kayang mawalay sa kanya.

Hindi ko na siya pipigilan sa pagsali sa kilusan.

Kailangan ko iyong tanggapin. Sasama ako kung gusto niya.

"Malamang parating na iyon" banggit ko sa sarili. Pinakalma ang dibdib.

"Isang oras palang naman, papunta na yun" Bulong ko pa.

Muli akong lumingon sa paligid. Sa aming tagpuan. Isang pagpapaalala.

Dito sa lugar na ito sinasabing dinukot si Jonas Burgos no'n.

Si Anino at ang mga KinalimutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon