Epic Fail 101 : Akala mo Crush Ka ng Crush Mo!

96 0 0
                                    


Minsan ba na-feel mo na may gusto rin sa 'yo ang crush mo? Yung tipong gusto mo ng gumawa ng first move para madevelop kayo sa isat-isa. Naku! Teka. Hinay-hinay lang baka naman ang inaakala mong pagtingin niya sa 'yo ay wala naman talaga. Baka naman it's all in your mind. Baka naman masyado ka lang kung makapag-bigay ng meaning sa mga bagay-bagay. Pero ano nga ba ang mga dahilan kung bakit minsan, akala mo ay crush ka din ng crush mo?

1. Love at first sight, eh Love at 2nd sight kaya?

May crush kang isang tao at one day nahuli mo na lang ang crush mo na nakatingin sa 'yo. At bago ka pa man tumingin sa kanya eh nakita mo na siyang naka-sulyap sa 'yo. And Yes! Todo kang kinilig. At dahil jan lumingon ka uli, at confirmed sa 2nd mong tingin na talagang tinitignan ka niya.

At this moment di pa kayo magkakilala pero ikaw kilalang-kilala mo na siya, mula ulo hanggang paa. Mula sa mga hobbies niya at mga favorites niya. Finofollow mo pa nga siya sa twitter niya eh at na-add mo na rin siya sa FB niya, pero siya hindi siya aware.


2. With a Smile

Sa 2nd day ng pagku-krus ng landas niyo eh bigla ka na lang nagulat! And you're right nginitian ka niya. At bigla ka na lang napatanong "Teka close na ba kami?" o kaya naman "Shit! Kilala niya ba ako?". At dahil jan nararamdaman mo na parang gusto niyang makipag close sa 'yo. Yung feeling mong parang gusto ka niyang maging close friend. And well tama ka jan! Gusto niya talagang mapalapit sa'yo!

Kasi interesting ka. Kasi sikat ka. Kasi kaibigan ka ng lahat. At kasi masarap kang kasama. Parang gusto niyang sumama sa circle of friends mo.

3. Can We Just Stop and Talk for a While

Habang nag-iisa ka sa cafeteria nakita ka ng crush mo na nag-iisa. Well, nag-iisa din naman siya so lumapit siya sa tabi mo para maki-table at sinabeng "Hi! May kasama ka? Puwedeng maki-upo?". At siyempre sasabihin mo "Oh Sure!". And at this very very moment kinokontrol mo ang emosyon mo. Kunware seryoso ka. Kunware demure kang tao. Kunware wala kang nararamdaman sa kanya. Ni hindi mo nga magawang ngumiti sa kanya, baka kasi mapansin niya na kinikilig ka. Pero deep inside ang puso mo eh halos tumalon-talon na sa tuwa. Yung tipong ang dami-dami mo ng sinasabi sa isipan mo like, "Ohygawd this is it! Face to face! Eto na yun! Nilapitan na niya ako!!!Roar!".

At dahil jan you will take advantage of the moment. Makikipagkwentuhan ka! Aalamin mo ang lahat ng tungkol sa kanya! Ang pamilya niya, ang pagkabata niya, at ang buong pagkatao niya. Magmimistulang Question and Answer portion ang kuwentuhan niyo. Aalamin mo kung ano ba ang mga common interests niyo para mag-jive at mag-click kayo. At habang nag-uusap kayo, you will showcase your most beautiful smile! In short magpapa-cute ka para lalo siyang ma-aatract at ma-inlove sa 'yo.

4.

Gaano Kadalas ang Minsan. . .

Dahil alam mo na ngayon kung saan siya laging tumatambay at pumupunta, aaraw-arawin mo na rin ang pag-punta doon. At talagang ooras-orasin mo ang pag-punta doon ma-timingan lang siya. And finally adiyan na siya! At kunware di mo siya nakikita kahit adiyan lang naman siya sa tabi mo habang umoorder ka. At sabay sabing "Ui adiyan ka pala?", as if di mo siya nakita then sabay alis papunta sa mesang uupuan mo. Kunwari wala lang sa 'yo pero deep inside gusto mo ng sumigaw sa tuwa.

Siyempre ineexpect mo na tatabihan ka uli niya sa table mo. At inaayos mo na ang sarili mo. Todo paganda o paguwapo ka na. Kunware patay malisya na hindi mo siya nakikitang palapit sa 'yo. Kumakabog na ang puso mo at sumisigaw ka na sa tuwa. And there you go! Automatic ka na naman niyang nilapitan at makikipag-kuwetuhan na naman siya sa 'yo. And this time magiging close na kayo. Feel na feel mo na close na kayo. Nabibiro niyo na ang isat-isa. With matching hampas-hampas pa at simpleng "tsansing" through pag-akbay or pag-hawak ng kamay niya. Habang ang mga ngiti niyo eh parang mga ngiti ng mga artista ng isang soap opera, yung todo pa-cute. Na parang gusto niyong akitin ang isat-isat. Lalo ka na! Ang landi landi ng ngiti mo yung tipong may sinasabeng, "Kelangan ma-fall ka sa akin..HIHIHIHI". At dito may masama ka ng binabalak. May mga maiitim ka ng pina-plano. HAHAHAHA

Keep Calm and Read Me ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon