Ways Para Mapansin Ka Ng Crush Mo

360 3 0
                                    

Wala ng pakesyo-kesyo, matagal na akong di nakakapagsulat kaya mamadaliin ko lang to.

Ayoko na ng lagi akong nage-explain kung bakit ganito-ganyan.

Nakakatamad.

Oh anu hand aka na ba? Dapat lang.

-------

Binabasa mo ba ‘to para mapansin ka ng taong kinahahangaan mo? Eh tamang-tama pala ang pagbasa mo nito bibigyan kita ng tips para mapansin ka ng crush mo mapababae man o lalaki! Pasalamatan mo na lang ako kapag napansin ka na niya.

1. Proper Hygiene. Unang-una sa lahat yan, dapat malinis ka, bagong toothbrush, bagong lagay ng deodorant sa kili-kili, maligo RESPONSIBLY. Mag-gupit ng kuko, lagi dapat maayos ang buhok pwera kung rockers ka wala akong pake sa buhok mo. Basta dapat malinis kang tignan. Tandaan mo, walang nagkakagusto sa mukhang Taong Grasa. Pwera na lang din kung punks yung crush mo, wala akong pake sa inyo. PS: MAGHILOD KA HANGGANG MAKINTAB KA NA AT PWEDE NG MANALAMIN ANG NANAY MO SA BALAT MO.

2. Proper Grooming. Sa mga bobo, hindi ito yung “groom” sa kasal. Syempre kapag malinis ka na at kumikintab-kintab, kailangan mo namang magdamit ng maayos hindi yung bagong safeguard ka nga Taong greasy pa rin naman ang pormahan mo, pwera na lang kung punks ka bahala ka. Syempre dapat disente. Kaya kung gusto mo sa grooming pa lang eh mapansin ka na ng crush mo Ternohan mo ng Barong Tagalog yung boxer shorts mo na tweety bird at combat shoes tapos mag-aviator glass ka na rin para masaya.

3. Smile. Kailangan mukha ka laging masayahin, always smile. Effective to kahit saan. Wag mo lang gagawin sa burol.

4. Magpa-impress. Yeah, that’s right. Kapag mag-kaklase kayo madali lang magpaimpress, sumagot ka lagi sa mga recitation, pataasin ang grade atbp. Pero kung di naman, madali lang din. Pag nakita mo siya papalapit sa iyo bumack-dive ka ng apat sabay luhod tapos tayo na parang walang nangyari, kung ako babae maiimpress ako sayo nun. Kasi ang galing mo. Ang galing mo magmukhang tanga.

5. Always be funny. Ngayon pa lang magstock ka na ng mga jokes sa utak mo. Wag kang gagamit ng mga luma ng jokes na gasgas na at di na napapanahon tulad nung joke ni Ate Liway na Ang magtatay at Kalabaw. Walang kwenta yung mga ganung jokes. Umisip ka ng jokes na cool at trendy yung tipo ng joke na kapag may nakarinig nito eh lalabas at dudugo ang gilagid ng makakarinig nito. Yung nagiging violet na dahil di na makahinga kakatawa. Yung mga ganyang uri ng joke. (e.g. Ano ang apelyido ni Mary? Edi Christmas!)

6. Enhance your talent. Minsan kailangan din ‘to. Maswerte ang magiling sumayaw at kumanta dahil sila yung tipo ng unang napapansin ng mga crush nila. Pero kahit anong talent mo kailangan mong magensayo para makasali kapag nagfoundation day ang school niyo at sumali ka isang contest. Pero kung ang talent eh ang kumain ng bubog at humiga sa yero at mgabasag ng bote sa ulo. Wag mo ng intindihin tong number 6. Walang babaeng may gusto sa Alien. Si kokey lang ang kilala kong kumakain ng kutsara. (Eto yung lumang kokey, hindi ito yung kokey na “kukuri-krikok” sa channel 2)

7. Improvise. Improvise, kailangan mong humanap ng mga paraan para mapansin ka niya, tulad ng iba’t ibang paraan. Magsearch ka sa youtube marami dun.

8. Maligo. Alam kong nabanggit ko na ito kanina, pero uulitin ko para sa mga kalalakihan. MALIGO ang pangunahin mong gagawin para mapansin ka niya. Pwera na lang kung punks ka.

9. Keep connected. Magtext kayo palagi, magusap sa personal man o sa telepono para di ka niya makalimutan. Kung tatawag ka naman sa telepono at medyo strict ang parents niya, ehitext mo muna siya na tatawag ka para siya ang sumagot, pero kapag tatay o nana yang sumagot bigla kang sumigaw sa telepono ng “CHOORVAAA!!” sabay baba ng telepono at magkulong ka sa kwarto mo dahil sa kahihiyan na iyong ginawa. Lalo na kapag sa suking tindahan ka lang nakitawag.

10. Always make her smile. Eto ang di pa pumapalya sa lahat, ang pagpapatawa. Although mahirap, eh dapat kailangan pagtiyagaan, patawanin mo dapat si crush hindi lang sa mga jokes umisip ka ng paraan para tumawa siya. Dahil ito ang pinaka-matinding weapon mo laban sa kanya upang mapansin ka niya ang patawanin siya. Wala pa ‘tong sabit tanong mo pa sa lolo ko.

11. Wag kang makikinig sa akin. Wag na wag.

At para naman sa babae meron lang isang paraan para mapansin ka ng crush mo.

ANG MAGPAKITA NG CLEAVAGE.

_______ADDED TIPS_______

ETO NAMAN UNIQUE WAYS PARA MAPANSIN KA NI CRUSH

1. Bigyan mo sya ng larawan mong black and white. Dapat may hawak kang ipod sa larawang yun. Pag tinanong ka niya kung para saan yun, sabihin mong “It’s for your own good.”

2. I-recite mo ang Pambansang Awit ng pabaliktad.

3. Sabihing bading ang lahat ng miyembro ng Michael Learns to Rock at simulang awitin ang “…boy i missed your kisses, all the time but this is 25 minutes too late”.

4. Kumbinsihin syang ikaw ang unang niyayang gumanap bilang Hannah Montana.

5. Umiyak sa balikat nya, sabihing na gang rape ka….ng mga pusakal.

6. I-explain ang Law of Diminishing Marginal Returns sa text.

7. Tanungin sya if God exists at makipag-debate. Huminto lamang pag sya ay tumawag na ng pulis.

8. Imbitahin sya sa isang T’nalak-making workshop.

9. Tawagin syang DudePareBroTsong at sabihing, “pa-kiss naman o? no malice dude! with feelings ha?”

10. Maglaslas sa harapan nya. At wag magsalita. EVER.

Baka meron kayong gustong idagdag, just let me know para mailagay ko. MAGTULUNGAN TAYO! hahaha. :lol:

Keep Calm and Read Me ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon