I am so glad that we settled everything, saka pinaliwanag ko na kay Andrei ang side ko at naintindihan niya naman. Back to normal na ang relasyon namin..
'Blooming ka..' panunukso ni Alani kinabukasan.
'Sira ulo ka' natatawang sagot ko. Pumasok naman si Monique kasama si Vercel.
'Ohh kumusta ang brokenhearted kong friend?' Panunukso rin ni Monique sakin.
'Sinong brokenhearted?' Tanong ni Vercel at inginuso ako ni Alani. 'Talaga?' Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero parang lumiwanag ang mukha ni Vercel.
'Brokenhearted no more' Alani added.
'O-okay na kayo?' Tila disappointed na singit ni Vercel, nagkatinginan kami ni Alani and Monique who seems oblivious of everything kidded.
'As expected? Bakit Vercel? Umaasa ka pa kay Annica? Nakuuuuu wag na oy' tumatawang hirit ni Monique at nakita kong sumimangot si Vercel pero ng lumingon na siya sakin ay nakangiti na sya so I responded with a force smile.
'Oh ano? Akala ko manlilibre ka sa starbucks?' Si Monique.
'Busy pala ako.. next time nalang'.hindi niya na kamo.hinintay na makasagot at derechong lumabas ng opisina.
'Problema non?' Nagtatakang umupo si Monique sa chair niya.
'Ang daldal mo kasi' paninita ni Alani sa kanya.
'Ano bang sinabi ko?' Antanga lang kasi nitong si Monique pero hindi naman sa pag-aassume pero mukha kasing may feelings si Vercel sakin, kahit ideny ko man ay hindi lang din ako ang nakakapansin maging si Alani din.. nagsimula lang naman ang pag-aassume ko nung pinagselosan ulit siya ni Andrei.
Malapit na ang opening namin kaya triple ang pagiging busy namin saka inaasikaso ko pa ang problema namin sa bahay na dapat sana ay hindi ko na iniintindi, sumandal muna ako sa upuan at tyming naman na nagvibrate ang phone ko. Its Andrei.
(Kumain kana hon?)
Typing.... maya-maya hon, may tinatapos lang kami
(Do you want to come over?)
Its okay hon.. im sure busy ka rin ngayon.
(May board meeting kami mamaya.. I might not be able to pick you up)
Its okay.. sige na babe, may gagawin pa ako
(Okay.. i love you so much)
I love you too..
Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Nakakastress ang pagtatayo ng sariling negosyo lalo na't pinipressure ka pa ng pamilya mo na ihandle ang family business niyo kaya minsan tuloy naiinggit ako kay Andrei dahil talagang hinayaan lang siya ng pamilya niya kung ano ang gusto nyang pasuking negosyo, nagring ang phone ko at napabuntong-hininga ako ng makitang si Daddy ang tumatawag.
'Dad..' I stood up and face the glass wall.
'Can we talk?'
'We are talking right now dad' hindi ko parin siya napapatawad sa mga ginawa niya.
'I mean in person..'
'I am busy right now dad-'
'This is urgent Annica'
'Bukas.. Ill clear my schedule tomorrow dad' As if naman talagang maiiwasan ko ang problema ng parents ko? I just sighed when he ended the call.
BINABASA MO ANG
MY SECOND CHANCE GIRL (ON GOING)
RomanceMaybe our love needs a second chance, because I wasnt ready the first time I fell in love. - Annica Tan Villarama Everyone needs a second chance. If she's begging you for one give it to her. You never know when you'll need one from her. - Andrei Lou...