Chapter 13: ANNICA

222 4 2
                                    

Kanina pa ako paikot ikot ikoy dito sa kwarto ko. Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng mailibingang daddy ko at si mommy naman pinag-extend ko sa bakasyon niya, she needed that vacation.

'Ano na? Are we going to accept it?' I gasped for air as I turned to face Monique. 'Nica.. if you're still not okay with it then we can-'

'We'll accept it.' Damn it Annica. Hindi ka talaga nag-iisip.

'Are you sure?' Kunot-noong tanong ni Alani na napatigil sa ginagawa niya sa laptop.

'Yes.. why not?' Why not? Oh God, aawardan ko na talaga ang sarili ko ng BEST IN KAPLASTIKAN award.

'Well.. kunsabagay naman, nakamove-on na tayong lahat.' Yes.. nakamove on na ang lahat. Maliban sakin. Seriously? Suicide tong gagawin ko.

Pasado alas dos na nang dumating si Vercel. I haven't bought a new car kay sinundo niya muna ako papunta sa boutique namin. May event na inaasikaso sila Monique at Alani kaya sasamahan muna ako ni Vercel.

'Thank you talaga Verz, I know you're also busy with your upcoming wedding' I apologetically muttered. 'I hope okay lang to kay Agnes'

'She's fine with it Nica.. pa-thank you niya daw dahil ioorganize mo ang kasal namin ng libre' he jokingly replied.

'Oo naman. Ikaw pa ba!' Someone called kaya di ko na ginulo si Vercel dahil isa sa mga cliyente niya ang tumawag. I just kept myself bust with my phone, chinicheck ko ang schedule ko. One of my cousin, Thaleia is the acting CEO of our company while mom is on vacation.

'I almost forgot. May bibilhin nga pala ako Nica. Okay lang ba kung huminto muna tayo if may madaanan tayong 7/11?' He asked.

'Of course.' Ngumiti lang ako, tamang tama at may nadaanan kaming building na may 7/11.

Kumuha ng ilang essentials si Vercel while I'm also checking some candies and chocolates na ilalagay ko sa office namin. Binayaran na rin ni Vercel ang binili ko.

'Verz, sa kotse na kita hihintayin ha?' Tumango lang siya kaya lumabas na ako at sinout ulit ang shades ko. Just when I got inside the car, a man wearing a wayfarer got out of his car, I turned my attention to his every move. He's wearing a red armani polo shirt and slim fit pants that made him look taller. He took his phone from his pocket and brought ut to his ear, dahan-dahan kong binaba ang bintana ng audi ni Vercel kasabay ng pagtanggal ng lalaki sa sout niyang wayfarer. My heart skipped a beat as I stared at his handsome face. He's looking like a great God while standing beside his Black SUV. He didn't changed at all. No, he did. He's already good looking when I left him but now he's an excellent example of a perfection. Maganda na ang katawan niya ng iniwan ko siya but now, he's like the modern adonis in his Godly built body. My heart is beating like crazy and my whole body is shaking, my lips are trembling. Nagwawala ang buong pagkatao ko, I opened the door and just when I'm about to get out.. A woman in red jumpsuit went out from the building, wearing a gorgeous smile, kulot ang hanggang balikat nitong buhok. She looked like a living doll, horror filled my heart when he welcomed her with a hugged, my lips opened and close, I can't seem to find the right words to say. My eyes traveled down their hands. He's holding hers. Their smiles are genuine. He's happy. I closed my eyes when he kissed her... he kissed her the way he used to kissed me. I gently opened my eyes and small tears are just seconds away from falling.. Andrei and Lauren. Dahan-dahan kong isinara ulit ang pinto ng sasakyan, lumabas naman si Vercel sa 7/11. Andrei calleh him, lumapit siya sa dalawa at nakipagkamay. Bahagyang lumingon si Vercel sa tinted niyang kotse pero agad din namang hinarap sila Lauren. Maya maya ay nagpaalam na sila, unang umalis sila Andrei, inalalayan niya si Lauren sa pagsakay bago umikot sa driver's seat and that gave me a closer look at him. He nodded at Vercel before he slid inside his car. Hindi ko na mapigilan ang pagbagsak ng luha ko, otomatikong binigyan ako ni Vercel ng tissue.

'Hindi ko na sinabi na kasama kita. I know you wouldn't like that.' Panimula niya, I slowly nodded. I'm so stupid for thinking that I'll be okay without him. Sinong niloko ko? 'I'm sorry Nica.. dapat hindi na tayo huminto doon'

'It's okay Verz. Magkikita't magkikita din naman kami..' yumuko ako para hagilapin ang panyo ko.

'Pwede kitang ihatid pabalik sa mansyon niyo if-'

'I'm okay ano ka ba!' Pinilit kong ngumiti sa kanya. 'Nagulat lang siguro ako kaya ganito ang naging reaksyon ko but I'm okay..' I need to be okay.

'Sa office niyo nalang kami magla-lunch ni Agnes Nica.' Nakangiting nilingon ko si Vercel. Ang swerte ni Agnes sa kanya, kaya siguro kahit sinubukan niya akong ligawan noon ay hindi ko siya sinagot kasi may ibang babaeng nakatadhana para sa kanya. And they're just a match made in heaven.. Ganun din si Andrei, he lost me but he found Lauren. What are the odds huh!

'Sa office lang ako' tumango lang si Vercel dahil dito niya sa bridal boutique niya hihintayin si Agnes. 'Melly, bigyan mo ng kape si Vercel' bilin ko sa assistant bago ako umakyat sa main office.

This is the first time na bumalik ako dito sa opisina mula ng makauwi ako sa Pilipinas. Walang masyadong binago maliban sa mga paintings, yung table ko ganun padin ang ayos, this office reminds me so much of him. Of us. Umupo ako swivel chair pero natigilan ako ng makitang andun parin ang picture frame namin nila mommy at daddy.. at ganun din ang sa amin ni Andrei. Nasa beach kami at nakayakap siya sakin mula sa likuran. Nakangiti siyang nakaharap sa camera while I'm looking at him with a smile in my face. Hinawakan ko ang mukha niya sa picture, this was taken after our college graduation. We stayed in their private island for a week. I'm holding back my tears because I don't have the right to cry, I broke up with him. It was me who left him.

'I'm sorry Nica. I forgot dapat naitapon na namin yan' agad kong binalik sa mesa ang picture frame at tumayo para salubongin sila Monique.

'So hows the event? Marami bang media ang nagcover?' I asked to change the topic.

'Yes.. marami syempre anak ni Senator Marquez yung nagbirthday eh' Umupo si Alani sa sofa at ipinatong ang paa sa center table. 'And we made sure na malalaman nila na tayo ang event organizer.'

'Good..'

'Naglunch kana?' Tanong ni Monique. 'We brought you a box of pizza'

'Thank you pero dito rin kasi magla-lunch sila Vercel at Agnes.. sasabay na ako sa kanila'

'Sige.. so kami nalang ang sasalubong sa darating na wedding gowns. Ngayon kasi nag delivery' I nodded bago ako bumalik sa table ko, binuksan ko ang drawer at inilagay doon ang picture naming dalawa ni Andrei.

'Sabi sayo eh' nakita ko pang nagtulakan sila Alani, natigil lang silang dalawa ng may kumatok.

'Sila Agnes na yan.' Sabi ko, mas malapit sa pinto ang table ko kaya ako na ang tumayo para buksan ito. 'I'm hungry na.. let-'

'Hi..' My jaw dropped when I saw him.. akala ko si Agnes na.

'A-Andr-'

'Babe can you hold this?' Napalingon ako sa babaeng kasunod niya lang at maging ito ay natigilan, saglit kaming nagtitigan bago marinig kong tumikhim si Monique.

'Akala ko bukas pa kayo Andrei.' He just smiled at me like I'm just an acquaintance. Nilagpasan niya ako at dumiretso siya kina Monique..

'Annica..' Alanganing ngumiti sakin si Lauren bago siya lumapit kay Andrei. Hindi ko na narinig ang pinag-usapan nila dahil nabibingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko, mariin akong pumikit bago ko isinara ang pinto, bumuntong-hininga ako bago ko sila hinarap.. This is the right time to fake everything Annica, including your feelings..

'It's good to see you guys' Natigilan sila Monique at Alani, napatitig sakin. Ganun din si Lauren.. hindi ko na alam ang reaksyon ni Andrei dahil hindi ko na sila nilingon. Parang gusto ko na tuloy pagsisihan ang desisyon ko. Hindi na ako dapat pumayag na kami ang maging organizer nila sa kasal. Suicide to! Pero nandito na.. bahala na! I gathered all the courae I can get to face him.. 'Now, let's get down to business.'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY SECOND CHANCE GIRL (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon