CHAPTER 7: ANNICA

275 4 1
                                    

Hinatid ako ni Andrei sa bahay, ipapakuha ko nalang sa driver namin ang kotse ko sa kanila, it was a long goodbye before he let me get out of his car. Tahimik na naman ang bahay pero hindi yung tipong tahimik na nakakarelax ng utak, its more like the kind of silence that makes me feel so alone and sad. Ayoko ng ganitong katahimikan mas naaalibadbaran ako, mas magulo ang utak ko dahil sa katahimikan nato saka-

'You're home early.' naputol ang sinasabi ko ng biglang nagsalita si daddy.

'And you're home now dad? Sisimulan ko na bang lumuhod sa simbahan at magpasalamat dahil isang milagro at umuwi ka?' I sarcastically answered.

'Nica... alam mong busy ako at-'

'come on dad.. iba ang busy sa taong may ibang bahay na inuuwian.' I stared at him and he sighed heavily.

'Hanggang kelan ka magiging aloof sakin anak? Sana naman kung may problema kami ng mommy mo ay wag ka nalang gumitna.. you know how much I love you hija.' malumanay nitong saad.

'No dad, ang problema niyo ay problema ko rin.. in case you havent notice, we're family here.. not unless you no longer recognize us as your family? At kung mahal mo ako.. you wouldnt dare ruin our family because of that slut.'

'Annica.. stop it!' sita nito.

'No dad.. you stop it.. stop it if you still have enough decency left in your system' but before I could see it coming, his hand connected in my face, my dad slapped me for the first time in my life.

'What did you do?' hindi ako nakapagsalita at di ko namalayan na niyakap ako ni mama. 'What have you done? pati ba anak mo? pati ba si Annica?' bulyaw nito kay daddy habang nakayap sakin.

'H-hindi ko sinasadya.. n-nabigla lang ako.. A-anak..'

'umakyat ka na Annica..' tumango lang ako habang hawak ang kaliwang pisngi ko, I started to walk towards the stair when I heard them argue again.

'let me talk to my daughter Caroline, kaya ganyan ang anak mo dahil bini-brainwash mo' sigaw ni daddy.

'how dare you.. hindi ko kelangang -brainwash ang anak mo dahil malaki na siya.. nakikita niya kung gaano ka katarantadong ama, walanghiya ka.' Napalingon ako sa kanila at akmang sasampalin niya rin si mama ay sumigaw ko.

'STOP IT DAD!!! Dont you ever dare'

'Annica..' he murmured.

'the moment you hit my mother with your filthy hands.. I will never forgive you! Never, gawin niyo kung anong gusto niyong gawin pero wag na kayong aasa na rerespetohin ko pa kayo bilang ama, I used to admire you for being the perfect man to our family dad' fresh tears fell from my eyes. 'and now, pinagsisisihan ko na lahat yun..' naiwan silang tulala at nagmamadali akong pumunta sa kwarto ko, naglock ako ng pinto at padabog na humiga sa kama. I love my dad, he's my father of course but I hate what his doing, I hate how cheater he is right now, and I hate him for making me doubt the essence of marriage now..

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na ring ng phone ko.. I checked my alarm clock, 9:00 am na pala, kinapa ko ang phone at sinagot without opening my eyes.

'Nica? Goodmorning nagising ba kita?' pinilit kung buksan ang is akong mata at sinilip ang tumatawag.. Alynna De Castro, napabalikwas ako ng bangon ng maalalang may usapan nga pala kami ni ate Alynna today

'Ate. p-pasensya na, na-late ako ng gising..'

'its okay Nica, na-move naman mamayang 1pm eh.. available ka ba sa mga oras na yan?' she asked

'ayy oo ate..'

'okay.. pasensya kana nagising kita, akala ko kasi papunta kana nakalimutan kasi kitang iinform kahapon eh. See you later Nica'

'Sige ate.. see you.' She ended the call.. hindi na ako bumalik sa paghiga at inasikaso ko nalang ang mga e-mails ko sa laptop.

Pasado ala una na ng dumating ako sa mismong resort na pagmamay-ari namin.(Alynna De Castro, fiancee ng tito Lucas ni Andrei, naging close kami dahil teacher ko siya dati sa isang major subject ko tapos nagkataon na girlfriend siya ni tito Lucas.)

'Kanina ka pa?' nakipagbeso ako sa kanya bago kami sabay na umupo.

'Hindi naman ate, kararating ko lang.' nakangiting sagot ko. 'si kuya Lucas?' luminga ako sa paligid.

'busy siya eh, may presentation siya ngayon. alam mo naman ang daddy ni Andrei ayaw nun ng nade-delay'

'Oo nga.. oh ano ate nakapili ka na ba sa menu namin dito?'

They chose our resort for their beach wedding, they fell inlove with the crystal clear water and fine white sand of RamVille Resort dito sa Batangas. We have a hotel inside the resort and 10 private villas around with personal pool, isa sa pagmamay-ari namin ang resort nato and its under my name. Nang malaman kung nagloloko ang daddy ko, I made sure na walang makukuha ang kabet niya, bukod sa kompanya namin na nakapangalan kay daddy, halos lahat ng ari-arian namin ay nakapangalan sakin at sa mommy ko, lahat ng bahay ay nakapangalan sa mommy ko pati ang ibang sasakyan. We have 4 hotels, one in davao, in Makati, in Tagaytay and one here in our resort. Meron din kaming isang restaurants in the fort.. at halos lahat ay nakapangalan sakin. Hindi ako madamot, sigurista lang dahil hinding hindi ako makapapayag na mapunta lang sa kabet ng daddy ko ang mga ari-ariang pinaghirapang ipundar nila ng mommy ko.

'Hey? Masyadong malalim ng iniisip mo.' untag sakin ni ate Alynna, tapos na kami sa taste test at hinihintay nalang namin si tito Lucas para sunduin siya.

'w-wala ate.. by the way, im sure excited kana sa kasal niyo.'

'Oo naman, Ive always dream of this wedding.' nakangiting sagot nito.

'And you are so blooming ate.. alam mo kung tapos na sana ang weddinf boutique namin ay kami ang gagawa ng wedding niyo..' Mabait si ate Alynna kaya di nakakapagtaka na mahal na mahal siya ni Tito Lucas.

'Oo nga eh.. sayang' napangiti ako sa kanya. 'But im sure.. makakabawi ang boutique mo sa mismong kasal niyo ni Andrei.' natigilan ako at nahalata niya.

'How's your parents?' I stopped playing with my pasta 'I mean, if you dont mind me asking.'

'Okay lang ate, saka wala rin namang bago. Ganun pa din' she held my hand and I gave her a reassuring smile.

'you'll get pass it' nakangiting sambit niya.

'Ate? how did you know that its time for you to marry tito Lucas?' biglang tanong ko.

'Its when he decided to proposed..' huminto siya at ngumiti. 'Pinakiramdaman ko ang sarili ko but my heart felt so at peace that time, its like my mind and my heart decided for me and when I said yes.. I felt so happy inside.. so thats when I knew that he's the man I wanna marry pero noon paman alam ko ng siya nga ang taong pakakasalan ko' tila kinikilig nitong sambit tapos napaisip ko.. kung si Andrei kaya ang magpopropose sakin, will I feel the same? well maybe I will..

Or maybe not.

MY SECOND CHANCE GIRL (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon