Kabanata 42

11 0 0
                                    

Dalawang araw ang makalipas ay inabala ko ang aking sarili sa paggawa ng mga matatamis na pagkain para mabawasan ang iniisip. Wala rin namang mga katulong kaya't naka-full volume ang speaker kung saan ako nagpapatugtog habang gumagawa ng cupcakes para sa amin nina Alaine at Amelie dahil inimbita ko silang dalawa rito sa mansyon para sa meryenda.

Wala sina Daphne at Azaiah, lumabas na naman at paniguradong gagabihin sa pag-uwi. Ayoko namang sumama dahil ayokong maging third wheel na naman sa kanilang dalawa. Si lolo naman ngayon ay lumabas kasama ang mga amigo sa tabing ilog, mamaya pa rin iyon uuwi kagaya noong nakaraang araw dahil pagkarating ko ay wala pa.

Ako lang naman mag-isa rito sa mansyon kaya solo ko ang buong mansyon, kahit magpakain pa ako ng buong barangay ay pwede kong gawin ngunit ayoko.

Bukod sa chocolate and strawberry cupcakes, gumawa rin ako ng cookies at macarons na suggestions nina Alaine sa akin kanina sa group chat naming tatlo. Patapos na ako pero dinadagdagan ko pa ang macarons dahil mukhang marami kaming makakain na ganito lalo na si Amelie, paborito niya pa naman iyon lalo na raw kapag ako ang gumagawa.

"Tsk." Inilipat ko ang kanta nang marinig ang intro ng kantang "Paraluman" sa random playlist na pinapatugtog ko.

Ang tagal ko na mula nang marinig iyon ulit. Simula nang maghiwalay kami, hindi ko na kailan man pinakinggan iyon.

I don't want anything that's reminding me of him. Songs, the way he calls my name, and anything that's all about him—anything that will remind me of him.

Inilipat ko sa indie songs na about love dahil mahilig ako sa mga ganoong type ng songs kahit I don't like love songs that much.

"Adelaide namin! Nandito kami!" Narinig ko ang mga kaibigan ko sa labas ng gate noong matapos kong ayusin sa isang malaking plato ang mga macarons na ginawa ko.

I smiled and almost ran towards the door down to our gate. Nang makita ang dalawa kong kaibigan ay kumaway ako sa kanina at sinalubong sila ng isang mahigpit na yakap sa bungad ng gate kahit may dala silang mga supot ng pagkain at bilao para sa amin.

Sabay-sabay kaming nagtawanan pagkatapos magyakapan. I love this! Ilang araw kaming hindi nagkita dahil kung hindi ako nagkukulong sa kwarto ay nasa dalampasigan ako para makapagmuni-muni.

"Let's go inside?" Aya ko na ikinatango nila kaya't pumasok na kami sa loob. Itinigil ko na rin ang kantang pinapatugtog ko para mas magkarinigan kami.

As long as I have the people I love by my side, I'm okay with that.

Naghanda ako ng orange juice na inumin namin. Inilabas ko mula sa freezer ang ice cubes pagkatapos ay inilagay ko sa isang stainless na pitsel. Inaasikaso ko ang inumin naming tatlo bago makipagkwentuhan sa kanila.

Ipinatong nila ang mga dala sa dining table at sumunod sa akin nang nakangiti pa rin. Nang tingnan ko sila ay kumunot ang noo ko dahil nanatili ang tingin nila sa akin.

"How are you, Addy?" Alaine asked with a soft voice and soft look at me. Huminto ako sa ginagawa at nagpakawala ng malalim na hininga.

I'm not okay. I'm not fine and I will not tell it.

"Why are you asking that? Of course, I'm fine." I chuckled softly but with the hint of bitterness.

And of course, that's not the truth.

Ang totoo lang ay gusto kong umiyak sa nararamdaman ko pero pinipili kong isantabi muna dahil alam kong kahit anong iyak ang gawin ko, kahit ilang balde pa ng luha ang iiyak ko ay wala namang mangyayari.

"Are you sure?" Tanong ni Amelie na nagpanguso na lamang sa akin.

Ayoko pa namang may kasunod pang tanong pagkatapos kong sumagot. I will end up telling the truth and tearing up.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon