TAA 01: Day One

1K 26 0
                                    

CHAPTER 1: DAY ONE

FABBY | FABIENNE

Kinakalkal ko ang aking bag habang hinahanap ang susi ng dormitory. Kakauwi ko lang galing sa isang girl's night out. Hindi naman sana ako uuwi pero may dalawa kasi akong curfew. Una, ang curfew ng dorm which is dapat lahat ng estudyante ay nasa kanya-kanya ng dorm bago mag eleven ng gabi. Habang ang isa ay sa mga magulang ko. Dapat nasa dorm na ako bago pa man mag 9:30 PM.

"Nasaan ba 'yon?" sabi ko habang paulit-ulit na kinakalkal ang loob ng bag. Kanina pa ako nasa harap ng pinto ng dorm, pero mukhang naiwala ko ata ang susi. "Shit...paano ako makakapasok nito?" dagdag ko. Bakas ang pag-aalala sa aking sistema dahil tiyak akong tatawag si Mama sa saktong oras.

She can't find me here outside the dorm, baka ako pa dahilan kung bakit aatakihin na naman siya sa puso. I heaved a deep sign and closed my eyes to calm down. The night is brewing in, the halls are empty and the chilling voice of silence is creeping the hell out of me.

I reached for my phone and dialed the number of my roommate. Hinihintay ko lang itong masagot sa kabilang linya dahil nag-ri-ring naman. Hindi kasi sa dorm matutulog ngayon si Anne kaya hindi din kami sabay umuwi.

"Hello?" bigkas ko kaagad nang masagot ang tawag. The sound of the club's mushed up music bangs my ears. Mukhang alam ni Anne na hindi ko siya maririnig kaya lumaya ata ito dahil humina ang music sa background.

"Fab, nakauwi ka na?" tanong niya agad sa akin. Bakas ang kalasingan sa boses nito. Kung sabagay, college students naman kami kaya hindi na bawal ang maging lasingera. Bawal lang siguro pumasok ng lasing sa klase.

"Oo, kaso nawala ko ata ang susi ng dorm, may extra ka ba?" saad ko. Bumalik ako sa paghahanap sa loob ng bag at kahit ibalibag ko pa ang dala ko, wala akong makitang susi.

"Ano ba 'yan, Fabby. Nawala mo nga 'yung unang spare key, nawala mo na naman 'yung bago?" saad niya. I could sense her frustration even though we are miles away.

Napatawa ako ng mahina sabay kamot sa batok ko. "Hindi ko naman sinasadya na mawala. Kanina pa ako naghahanap, hindi naman butas ang bag ko. I clearly remembered nasa bag ko 'yon, may keychain pa 'yon kaya nagtaka ako kung bakit nawala na naman."

"Hay naku!" bulalas niya bago ko marinig ang kanyang pagbuntong hininga. "Nasa dorm ka ba ngayon? Balik ka muna dito kunin mo 'yong akin. Hintayin kita sa labas ng club," dagdag niya.

"Hindi ba pwedeng umuwi ka na lang?" sagot ko. Bakas sa boses ko ang takot na bumalik ulit sa club mag-isa. Pinasakay kasi ako ng uber papunta dito para safe akong umuwi. "Parang wala na kasing taxi sa labas, Anne."

"Okay sige, hintayin mo na lang kami sa gate 1, ipapadala ko d'yan," sagot ni Anne. May bigla sumingit sa linya na parang may kinausap siya. "Fab, ipapadala ko kay Jonathan, siya na lang daw pupunta. Hintayin mo sa gate ah? Huwag kang umalis marami pa naman kidnappers ngayon."

"Okay, sige. Sa Guardhouse ako maghihintay," sagot ko. Binaba na ni Anne ang tawag at napatingin ako sa oras ng aking cellphone. Malapit na mag 9:30, tatawag na 'yan si Mama maya-maya. Sasabihin ko na lang din ang totoo para walang agriyabado.

Bumaba na ang ako ng building para maghintay sa guard house. Nginitian ko lang 'yong nagbabantay ngayon dahil kilala niya naman ako. Bago lang siya na nagbabantay dito. Naaksidente kasi ang security guard last week, tapos siya ang pumalit. Mabilis namin siyang nakilala dahil sobrang bait at approachable pa. I was just standing beside the post para makita agad ako ni Jonathan kapag dumating na siya.

Tapos na kasi ang finals kaya nag-aya mag-clubbing ang mga kaklase ko. Gusto daw kasi makahinga dahil sa sobrang hirap ng exam. Hindi naman ako clubber pero ang sabi ay mag-kakaraoke lang, pero naabot kami sa club house. Gusto ko sana sumabay kina Jessica pauwi dahil sa dorm naman sila matutulog, pero malalagot ako kay Mama kapag lampas alas nueve na tapos nasa labas pa ako.

✓ | The Assailant's Affection (Fate's Transgression Series, #5)Where stories live. Discover now