KABANATA 1.

35 3 0
                                    

We have many questions in life that only God knows the answers to. We have many regrets that we don't know why it happened.

that's why let's read this story I made together where we can see the love of two women in an unexpected situation.

AIRELLA ASTRID POV

   “Hi my name is Airella Astrid,but you can call me ella for short or you can call me baby if you want to. Charizzz anyway is this my story...”

"Airella....anong oras na hindi ka pa ba gigising?wag mong hintayin kakaladkarin kita palabas ng kwarto mo."sigaw ni mama mula sa labas nitong aking kwarto,ayan nanaman si mama walang araw na hindi nag sisigaw.Minsan iisipin ko nalang nakalunok siguro itong si mama ng megaphone ng aming barangay.

Sa oras na marinig ko na yung sigaw ni mama ay deritso bangon na agad ako sa aking kama, kasi kapag pinag aantay ko pa siya ng matagal ay siguradong ihanda ko nalang ang aking sarili.

Para mag impaki ng mga damit at maghanap ng bagong pamilya,dahil sa oras na maiinis na siya sakin ay palalayasan niya ako sa pamamahay nato.Ayaw na ayaw niya yung pinag aantay siya

"Opo ma,ito po gigising na."hayst inaantok pa yung tao e,aga aga nag sisigaw.

"jusko kang bata ka kanina pa ako sigaw ng sigaw.gusto mo bang mawalan ako ng hininga dito? Ay nako ma! diko na po yon kasalanan,gusto ko sanang isigaw sa kanya kaso wag na baka mawalan sila ng magandang anak mahirap na.

Dahil ginising na ako ng maganda kung ina! Maliligo nalang ako. Naputol tuloy yung precious dream ko,di bale gabi-gabi naman ako nananaginip kaya okay lang yun.

"Gooooodmorning, motherland"sigaw ko kay mama pagkababa ko ng hagdan.

"wag mokong ma motherland, motherland ella ha, umiinit dugo ko sayo" galit na sabi ni mama sakin.but! Instead of matakot ako sa kanya tumatawa nalang ako ng palihim sa itsura niya ngayon.HAHAHA ang cute niya lang tingnan magalit kaya inlababo si papa sa kanya e. Wait,saan nga ba si papa matanong nga.

Hindi pa naman matanda si mama pero laging galit na galit,siguro malapit nato mag minupos.

Tanungin ko kaya! Pero baka makatanggap lang ako ng sampal,wag nalang pala mahal ko pa buhay ko par

"ahm,ma!si papa umalis na? tinitingnan pa ako nito ng mga 2 seconds bago ako sagutin.

"sino kausap mo?"hala si mama naman parang tanga.

Kita mo to pag siya nag tatanong tapos binibiro ko nagagalit,hay jusko lord stress na stress na po kiffy ko.

"Sabi ko na--"

"Umalis na,at ang sabi ng papa mo puntahan mo raw siya mamaya sa construction dahil marami siyang dadalhin na hindi niya kayang dalhin itong mag isa" sabi ni mama at bumalik sa kanyang pagtatahi ng basahan,Hay buhay mama talaga laging galit.makalabas na nga lang baka batuhin pa ako ng suot niyang tsinelas. Nako spartan pa naman niyan,baka pag natamaan ako niyan sa batok mawalan pa ako ng hininga.

Since weekend ngayon at walang pasok pero itong maganda kung ina ginigising parin ako ng maaga,iwan ko nalang ayaw siguro magkaroon ng tamad na anak.

Pero wala e,wala tayong magagawa diyan kasi tamad talaga ako minsan lalo na't pag masyado pang maaga. Nandito tuloy ako ngayon sa labas ng bahay namin nagdidilig ng mga halaman. At sinong tanga ang nag didilig ng halaman na makulimlim pa! Sympre ako yon parang exercise ko na nga to tuwing weekend eh.

Baka pag makita ako ni mama na nagdidilig dito sumaya pa yung umaga niya. Kita moto 5:30 am palang . Tinatawanan tuloy ako ng mga dumaan dito na nag jojogging nakasimangot kasi ako ngayon

"Good morning ella,aga natin nakasimangot ah"

"Goodmorning din ho nay pasing" bati ko pabalik kay nay pasing at nag smile sa kanya. Buti pa tong si nay pasing kahit ang payat payat na nag jojogging parin. Yayain ko rin kaya si mama mag jogging ng mabawasan naman yung highblood niya sa akin.

"ella nandyan ba mama mo?"tanong nito sakin,

"Nasa loob ho nag nagbubuga ng apoy, este nagtatahi pala ng basahan"biro ko kay nanay at narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa. Pasok po kayo nay nandyan lang po siya sa loob.at saka ingat po kayo sa loob baka Mabato nanaman kayo ng tsinelas ni inay. paalala ko sa kanya

Hay nako naalala ko nanaman yung aksidenteng na nabato ni mama si nanay pasing ng tsinelas. E kasi itong si nanay pasing araw-araw itong pumunta dito sa bahay para makipag kwentuhan kay mama.

Yung araw din yon galit sila mama sakin kasi don ako natutulog sa bahay ng kaklase ko at sa dinami-dami kung pwedeng kalimutan yung pag paalam pa talaga.

At lasing na lasing ako non kasi birthday ng kaibigan ko kaya ayon di na ako nakapag text sa kanila ni papa. don narin ako nakatulog kaya paggising ko kinaumagahan 5:40 am na.Sa taranta ay dali-dali akong umuwi at naabutan ko si nanay pasing na nag do doorbell sa labas ng bahay namin.

Dahil walang bumukas sa kanya ay pinapasok ko na siya sa loob,ang saya saya ko pa kasi hindi ako mapagalitan nila mama dahil may bisita siya at ayaw na ayaw pa manan niya yung pinapahiya anak niya sa harap ng ibang tao.

So balik tayo sa umagang iyon,at dahil nga masyado akong kampante sa aking sarili na hindi ako mapagalitan ni mama ay dali-dali kung binuksan yung pinto dahil Naka lock pa ito. At sa hindi inaasahang pagkakataon hindi ko naman alam na nauna na palang pumasok si nanay pasing.

kasi ako nag huhubad pa ako ng sapatos at sanay narin itong si nanay pasing na deritso ng pumasok sa loob.kaya ayon imbes na ako ang matamaan ng tsinelas ni mama ay si nanay pasing yung natamaan.

Buti nalang talaga at hindi iyon masyadong malakas,reaction ko that time gusto kung tumawa ng malakas na naawa kay nanay pasing, Grabeng taranta ni mama at papa non.inaabangan pala nila akong pumasok sa loob kaya naman.

Domoble tuloy yung galit nila mama at papa sakin,Kaya ngayon lagi ng nakabukas yung pinto ng bahay para daw makita ni mama pag pumasok si nanay pasing.aga-aga kasi maki chismis ayan tuloy HAHAHAHA...pero grabe parin yung konsensya ko uy matanda pa naman tong si nanay at payat pa.

kala ko nga hinimatay siya no'n e.buti nalang hindi,nako mag isa pa naman sa buhay itong si nanay namatay na kasi si tatay Tacio yung awasa niya at iniwan narin siya ng kaniyang mga anak.

Kaya parang pamilya narin ang turing namin sakanya napakabait niya kasi. Binibigyan niya kami ng pagkain minsan! Patanda-tanda lang to boi pero madaming pera itong si nanay pasing. Maganda rin Ang kaniyang bahay mag isa nga lang siya tumira.

Kaya minsan naisip ko,yayain ko kaya itong si nanay pasing ng 1v1 inuman,sa kanilang Bahay total wala naman siyang kasama don.

Oo umiinom ako, nung pagtungtong ko ng 18 years old ay sinabi nila papa sakin na gawin ko daw yung mga bagay gusto kung gawin since legally 18 na ako. Except sa mga bagay na ikapapahamak ko

Alam kung iinom itong si nanay pasing,kasi minsan maabutan ko sila ni mama umiinom ng wine,O Diba! Sosyalin mga lola niyo, si nanay pasing lang naman nagdala non.

Destined By Love GxG(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon