It's monday,at ito nanaman pasukan na ulit. Kaya ito ako ngayon naglalakad sa pathway nitong school at inaantok pa.matagal kasi natulog kagabi kakalaro ng mobile games nakalimutan ko na kasi na pasukan na Pala ngayon."Tol pangit" sigaw ng babae saking likuran, kahit diko lingunin yung sumisigaw alam kung kaninong boses iyon.
"Alam mo ash,pwede ba kahit ngayong araw lang wagkang magsisigaw! Pwede ka naman lumapit sakin kasi di naman ako bingi at lalong hindi rin ako bulag. Isa pa anong sabi mo? Ako pangit baka nakalimutan mong pwet kulang yang mukha mo" kasi naman walang umaga na kapag nandito kami sa school ay hindi siya nagsisigaw kahit nasa harapan lang niya ako. Sabihan pa talaga akong pangit ng loko
"Hehehe sorry naman,na excite lang ako kasi diba second sem na tol..malapit na gagraduate na tayo" excited nitong sabi at pumapalakpak pa talaga siya.
"wag kang excited! Di mo sure kung pakakapasa ka" sabi ko at inikutan ito ng mata
"Grabi ka naman sakin tol! E mas matalino nga ako sating dalawa e"
"huwaw nahiya naman ako sa pangungupya mo sakin.." walang hiya to,kala mo talaga
Ngumingiti naman ito na parang tanga
Yan ang kaibigan ko si Ash Hernandez, actually matalino naman talaga tong bruha na to. Minsan nga lang aandar yung pagiging matamarin niya.
Kaya ang ending mangungupya nalang siya sakin kasi hindi tinatamad daw siya mag aral. Ok lang din sakin yon kasi nililibre naman niya ako pagkatapos. Saan Kapa libre na yon e,grab the opportunity dae.
Meron pa kaming isang kaibigan si Heraya,pero di na siya dito nag aaral sinama siya ng kaniyang tita sa Paris. Kaya don nalang din niya pinagpatuloy Ang kaniyang pag- aaral nung mag senior high school na kami.
At nga pala saming tatlo ako yung bisexual,Oo bisexual po ako! at alam ito ng mga magulang ko.blessing narin sakin yung tanggap nila kung ano ako. Sobrang saya lang sa pakiramdam na Wala kang tinatagong lihim except sa sakit na dala ko ngayon,diko pa kayang Sabihin sa pamilya ko.
Sobrang sarap lang sa pakiramdam na mailabas mo kung ano ba talaga yung magkatao mo at kung saan ka masaya
And also I've never been into a relationship, especially when it comes to boys! di man ako nagmamadali na magkaroon ng pag ibig sa buhay. Dahil naniniwala ako sa kasabihang "love comes at the right time" kung ayaw mong masaktan wag mong madaliin. Natatawa nalang talaga ako pag naaalala ko ang yung nangyare kagabi
FLASHBACK:
"Good afternoon pa,ma" bati ko kila mama at papa na nag ko kwentuhan sa may sala.
Kakagising kulang dahil galing pa akong practice ng basketball para sa paparating na intramurals namin,sa sobrang pagod ko ay nakatulog na ako sa taas at nagising ako ng 4:00 pm na.
"Good afternoon baby girl" bati ni mama sakin pabalik at hinalikan ako sa noo,Ganon din Ang ginawa ni papa sakin.
Ayan nanaman sila sa baby na yan,hindi na nga ako baby eh
"Hinintay ka namin magising dahil sabay-sabay tayo kakain,may sasabihin satin papa mo"
masayang sabi ni mama at tumingin Kay papa. Kaya nagtataka talaga akoKakatapos lang namin maghaponan at tatayo na sana ako para mag toothbrush ng maalala ko yung sinabi nila papa at mama sakin kanina. Di pala nasabi kanina ni papa kasi ayaw niya magsasalita ng mahaba habang kumakain. Kung mag sasalita ka dapat slight words lang Ganon.
BINABASA MO ANG
Destined By Love GxG(On Going)
Ficção AdolescenteDalawang babae na pinagtagpo sa hindi inaasahang pagkakataon.kakayanin kaya nila ang mga pagsubok na kanilang haharapin? How many times do I need to repeat it just to show you that I really love you, but why are you so numb and you don't feel it? I...